Chapter 1

30 3 1
                                    

My First story!

NOTE: Don't plagiarize. Plagiarism is a crime. Kung nagbabalak kang nakawin 'to, mag-isip isip ka na. This is my original storyline.
"U.F.O" Written by StupidAEros ©2015

CHAPTER 1:

"Hoy, Meda, maghunos-dili ka nga! Sandali lang!" Hiyaw sa akin ng kaibigan kong si Natalie mula sa likuran ko. Simula nang magalit ako sa kung anuman ang sinabi nya ay heto siya't kanina pa rin ako pinipigilan sa aking balak gawin.

"Ano ba? Maghunos-dili? Hindi mo ba kilala kung sino 'yung sinabi mo sa'kin? Boyfriend ko 'yun, Natalie. Boyfriend. At ano ang ginagawa ng mga syota nila na kanila ring niloloko?" Inis kong sabi sa kanya dahil sa paulit-ulit na pamimigil nya sa akin.

Kainis. Kung sya kaya ang magkaroon ng boyfriend na manloloko? Magbabalita sa akin ng ganun pagkatapos ngayon at titingnan kung totoo ba 'yung sinabi nya pipigilan nya ako.

"Ah... Mananahimik?" sagot naman nya pabalik na napapakamot pa sa ulo. Dali-dali naman siyang humarang sa harapan ko para pigilan ulit ako.

"Mananahimik? Seriously? Natalie, anong taon na, hindi na uso ang martyr. Niloloko na ako ng boyfriend ko, tatahimik pa ako? Kung magkakaroon ka ng boyfriend, gawin mo 'yun sa kanya. 'Wag mong i-suggest sa akin dahil ibahin mo ako, Natalie." Tinulak ko sya papunta sa gilid para makadaan muli ako. Kailangan kong pumunta ng soccer field. 'Yun ang lugar na sinabi ni Natalie na nakita nya ang boyfriend ko na nakikipaglampungan.

"Uy, Meda sandali!" sa pagmamadali kong maglakad ay hinabol na lamang ako ni Natalie.

Pagkarating na pagkarating ko doon ay inilibot ko ang paningin ko at doo'y nakita ko ang syota ko kasama ang isang babae sa ilalim ng isang puno na naglalambutsingan.

Tama nga si Nat, niloloko ako ng gago kong boyfriend.

Nang dahil sa nakita ko'y tila kumulo ang dugo ko. Feeling ko tuloy may lumalabas na usok sa tenga ko. Feeling ko rin, sa sobrang inis ay namumula na ang mukha ko. Tanghaling tapat ginagalit nila ako! Hindi ko na nga kaya ang init na dulot ng sikat ng araw tapos ngayon sasamahan pa ng kalokohan?

"Mga walangya!! Manloloko!!" Tungayaw ko sa kanilang dalawa na siya namang naging dahilan para matigilan sila sa paglalandiang kanilang ginagawa.

"Andromeda? A-anong..." pakshet ka. Gago ka rin. Lakas ng loob mong magtanong.

"Oh, Andromeda..." Isa ka pang higad, hitad, sea cucumber, sea urchin, sea anemone, seaweed, sea... Sea... Sea saw ka! Mang-aagaw! Itinuring mong kaibigan pero aagawan ka rin pala.

"Ang kapal din naman ng pagmumukha nyong maglandian, ano? Lalong-lalo ka ng boyfriend stealer ka!" Kusang kumilos ang katawan ko para sabunutan ang dati kong kaibigan na si Kyla. Note, dating kaibigan. Hindi ko alam kung nagkusa nga lang ba ako o sadyang dahil 'yun sa sobrang galit at inis na nagsama in one.

"Meda, tama na!"

"Andromeda ano ba? Tigilan nyo na nga 'yan!" Pang-aawat sa amin nina Johann at Natalie sa nagaganap na sabunutan sa pagitan namin ni Kyla. Wala na 'tong sampalan. Basta diretsong sabunot na 'to.

Kakalbuhin ko siyang janitor fish siya!

Maya-maya'y biglang humarang si Johann sa pagitan naming dalawa. Agad ay hinila ako palayo ni Natalie, gayundin si Kyla na hinila naman ni Johann.

Ano 'to? Ako ang girlfriend pero iba ang hinila nya? Nagkaka-letsehan na yata?

"Halika ka ritong babae ka! Bitiwan mo 'ko Natalie. Paduduguin ko bumbunan nyang pugita na 'yan!" Nakatiim-bagang kong ani habang pilit na kumakawala sa pagkakahawak sa aking braso ng kaibigan ko.

Unidentified Falling ObjectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon