Chapter 12: The Truth

13 1 0
                                    

Unidentified Falling Object written by StupidAEros copyright © 2015

"Meda! O-OMG! A-ang guwapo ng boyfriend m-mo! Siya na ba'ng k-kapalit ni J-Johann? Grabe! OMG talaga! I am gonna die! Oxygen, please?" tila nababaliw na tili ni Natalie nang makita si Rigel. Kulang na nga lang yata, maihi na siya ngayon dahil sa reaction niya. Matapos niyang sabihin ang mga iyon ay bigla na lang siyang napabulagta sa sahig sa hindi malamang dahilan. Nagulat ako nang dahil doon.

"Nat? Hoy, gumising ka diyan! Ano nangyayari sa'yo?" nag-aalala kong wika matapos lumapit kay Natalie na nakahiga ngayon sa sahig. Makailang beses ko pa siyang inalog-alog sa pagkakahiga niya pero walang epekto.

Ano bang inaarte nitong si Nat?

Napaisip ako saglit... At saka ko nilingon si Rigel nang may nag-aalalang mukha. Nakangiti lang naman siya nang masulyapan ko. Lagi naman, eh. Hindi yata nangangawit 'yong labi niyang ngumiti.

Ano bang gagawin ko rito kay Natalie? Bigla-bigla na lang nahihimatay.

Maya-maya'y may bigla akong naisip...

"Tulong! May sunog po! Tulungan n'yo ho kami!" bigla kong sigaw sa tabi ni Natalie na siya namang naging dahilan upang bumangon agad siya nang natataranta.

"'Asan? 'Asan ang sunog? Lumikas na tayo!" Tarantang ani niya nang makabangon at lumilingon-lingon pa sa kung saan-saan na parang nahihibang.

Hinila ko nang mahina 'yong buhok niya dahil sa ginagawa niya.

"Syunga. Walang sunog. Pinabangon lang kita diyan sa pagkakahiga mo. Hay, naku, Natalie. Akala ko pa naman nahimatay ka na. May laway ka pa sa gilid ng labi mo, oh. Nakakahiya ka, Nat." Nakairap kong sabi sa kaniya matapos ko siyang patigilin.

Akala ko kung napaano na siya. Kinabahan ako nang bahagya do'n. Kainis na Natalie 'to, oo.

"Sorry naman. Hindi ko lang kasi inakalang may ganiyan ka palang kaguwapong boyfriend! Grabe ka, Meda. Hindi ka nagsasabi." pambubuska niya sa akin na sinamahan pa ng paghila sa laylayan ng damit ko.

"Boyfriend ka diyan. Hindi ko siya boyfriend. Ano ka ba?" pagtanggi ko naman sa sinabi niya. Eh, sa totoo naman, eh.

"Aysus, Meda. Deny ka pa. Oh, kung hindi mo siya boyfriend, ano mo siya? At saka, ano bang pangalan niya?" patuloy lamang siya sa pangungulit sa akin ng kung anu-ano.

"Mamaya na lang natin 'yan pag-usapan, Nat. Mahuhuli na kaya tayo sa klase. Pumasok muna kayo sa loob at mag-aayos lang ako." nasabi ko na lang sa kaniya dahil ayoko munang pag-usapan pa si Rigel. Mamaya ko na lang ipapaliwanag sa kaniya sa school.

"Change topic ka pa, Meda. Kunwari male-late pero ang totoo ayaw lang talagang pag-usapan ang boyfie niya. Oh, siya, pasok na tayo sa loob and... Ikaw pogi, alagaan mo ang bestfriend ko, ha?" pang-aasar lang niya sa akin. Pagkatapos, lumapit siya kay Rigel at hinimas niya nang mahina ang braso nito. Isa pa 'tong si Nat. Kakaibang galawan nga naman, oo.

Umiling-iling na lang ako sa ginawa niya. Naglakad na ako sa loob at sinundan naman ako nila Natalie at Rigel. Kumapit pa sa braso ni Rigel si Natalie bago makapasok sa loob ng bahay. Sarap niya ring pektusan sa fallopian tube niya...

~***~

"Hoy, babae!"

"Ay, anak ka ng leche flan!" gulat na gulat ako nang dahil sa ginawang iyon ni Natalie sa akin. Ano na naman ba ang problema niya?

"Kuwento na, bilis!" tila atat na atat na ani niya. Parang matatae na nga siya sa ginagawa niyang pagmamadali sa akin sa pagkuwento. Napasimangot ako nang dahil doon. Sinabi ko na kasing ayaw kong pag-usapan, eh. Ang kulit din ng ulo nitong babaeng 'to. Kailangan ba talaga dito pa sa canteen?

Unidentified Falling ObjectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon