Chapter 9: Tears

17 1 0
                                    


Unidentified Falling Object written by StupidAEros copyright © 2015

Love. 'Yan ang nagtuturo sa atin kung paano maging baliw. We do crazy things just for love. Lahat Magagawa natin para lang sa pag-ibig. Kahit magmukha pa tayong tanga, isusugal natin ang sarili para sa taong mahal natin.

Pero sa 'min... Ako lang ang gumawa ng katangahan. Ako lang naman yata kasi ang nagmamahal sa aming dalawa. You see, ako lang ang lumaban. At agad siyang sumuko—si Johann.

Isang linggo na rin ang lumipas at isang linggo na ring namamalagi sa bahay si Rigel. Tuwang-tuwa sila nanay dahil doon. May mabuti namang naidulot ang pamamalagi ni Rigel sa bahay.

"Meda, paano ba sinasagutan 'tong may sign?" nilingon ko ang taong nagsalitang iyon. Nilingon ko nang nakangiti si Nat. Hitsurang stressed siya ngayon dahil sa mathematics. Pareho naming sinasagutan 'yong assignment namin para mamayang after breaktime. Sa school kasi namin hilig gawin ang mga homework. At nandito kami sa cafeteria para mag-almusal at gumawa na rin ng assignment.

"Alin ba diyan?" usisa ko sa problem na sino-solve niya.

Mabuti pa ang Math, may formula or equation para masagutan ang isang problema. Samantalang sa akin, wala. Hirap talaga ako, eh. Hirap makalimot ang linsyak na tulad ko.

Mabuti pa si Math, may ibang naghahanap para sa "X" niya. Pagkatapos nagtatanong pa siya ng "Y". Samantalang ako, hindi na nga yata ako hinahanap ng "Ex" ko, Kaya hindi ko na tinatanong ng "why?".

Talagang hindi ko na tatanungin. Ayaw ko na ang umasa. Magmumukha na naman akong tanga kapag ganoon.

Pero minsan... Napakakumplikado rin nitong si Math. Nakakabaliw. Parang pag-ibig lang, nakakabaliw at napaka-complicated din.

"Ito, oh. 'Yong may sign. Hindi ko alam kung sure ba ako kung negative o hindi. Minsan, ang hirap paniwalaan, eh. Nakuha ko naman nang tama. Pero kapag susubok ako ng iba, 'yon din ang sagot." sunod-sunod na reklamo ni Nat matapos niyang makuha ang solution. Hindi naman siya sigurado sa naging sagot niya.

Bumuntong-hininga ako. Maging ako hindi ko rin alam kung paano ba sasagutan 'tong isang problem na sino-solve namin. Hirap talaga ng Algebra. Nakakatuyot ng utak ang ganito.

Tiningnan ko siya sa mukha niya na lukot na lukot. Hinawakan ko ang kaliwang kamay niya. Ngumiti ako at saka malumanay na nagsalita,

"Nat, minsan, hindi na natin kailangan pang maniwala sa mga sign. 'Wag na tayong umasa sa mga 'yan dahil masasaktan din tayo sa huli. Kaya sa susunod, 'wag ka nang maniwala diyan, okay? Kalokohan na lang 'yang pagpapaniwala sa mga 'yan." may malapad na ngiti kong sambit sa nakangangang si Natalie. Literal na nalaglag 'yong panga niya. Bahala siyang pulutin 'yong panga niya sa sahig.

Hindi niya yata kinaya 'yong sinabi ko kung kaya't tumayo na ako upang tunguhin na ang campus. Nilaktawan ko na lang 'yong problem na 'yon kaysa sagutan pa. Baka mabobotic din ako tulad ni Natalie.

Ano ba'ng nasabi kong mali at ganoon na lang ang pagkakatulala ni Nat? Wala naman, hindi ba? I'm just stating the fact. Ayaw ko na lang talagang umasa sa mga sign. Dahil minsan ko na ring ginawa, kaya tingnan mo ang nangyari sa akin ngayon? Nasaan na? Gorgeous pa rin naman 'di ba kahit nasaktan na?

Oo na lang, Andromeda...

~***~

Matapos ang isang araw na nakakapagod sa school ay napagpasyahan ko nang umuwi. Ayaw ko na ang manatili pa do'n. Baka makita ko pa 'yong dalawang hinayupak. Todo pag-iwas na nga ang ginagawa ko, eh. Para na akong kriminal na nagtatago.

Pumanhik na ako matapos buksan ang gate para magpalit na ng damit pambahay. Nakita ko pang naglalaro si Andeng kasama si Rigel sa garden kung kaya't pumunta na lang ako doon.

Unidentified Falling ObjectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon