Chapter 11: It's Him

12 1 0
                                    

Unidentified Falling Object written by StupidAEros copyright © 2015

Lumingon ako sa paligid. Nadinig ko ang tunog na nagmumula sa piano. Hindi ko matukoy kung saan ba iyon nanggagaling. Biglang ring tumunog ang kampana.

Nasaan ako? At... Anong nangyayari sa paligid?

Pinihit ko ang aking ulo patalikod upang lumingon. Hindi ko pa man nagagawa ay may bigla nang humawak sa aking braso. Hinawakan iyon ni nanay. Nakangiti siya nang tipid sa akin habang hawak ang kanang braso ko. Pagkatapos ay iginiya niya ako upang maglakad.

Napansin ko ang suot na damit ni nanay. Hindi naman siya nakapambahay, pero nakapagtataka ang kaniyang kasuotan.

Habang kami ay naglalakad ay hindi ko rin maiwasang tingnan ang suot ko...

Ano ito? Bakit naka-gown ako? At saka, masyadong mahaba naman itong suot ko. Sino bang designer nitong letseng gown na 'to at ang kati sa katawan?! Naku! Makakalbo ko talaga 'yon.

Nagpalinga-linga ako sa paligid, at nakita ang mga tao na nakasuot rin ng formal attire. Lahat sila ay nakangiti. Maging ang kaibigan kong si Natalie ay ganoon din ang suot.

Lahat sila ay halos sa amin lang nakatingin habang naglalakad sa gitna na tutungo yata sa altar.

Wala talaga akong alam sa mga nagaganap. OMG, ano ba'ng mayroon? Ang gulo-gulo!

Sumulyap ako sa harap. Sandaling huminto ang mga mata ko sa taong naroon. Hindi ko makilala kung sino nga ba 'yong lalaking iyon. Nakasuot siya ng white na tuxedo. All white ang suot niya, actually.

Habang unti-unting nababawasan ang distansiya namin no'ng nasa harap, ay siya namang biglaang malakas na pagkabog ng aking dibdib.

Parang may kutob na ako sa mangyayari...

Binitawan na ni nanay ang kamay ko at saka na siya pumunta sa puwesto niya. Huminto na ako rito sa harap ng lalaki.

Nakangiti lang siya nang malawak sa akin, habang ako naman ay nakatulala at hindi makapaniwala.

Nakatitig kaming pareho sa kani-kaniyang mata. Sa sandaling iyon, ay parang naubusan ako ng mga salitang dapat sabihin.

Hindi ako makapaniwala... Bakit? Totoo na ba ito?

Hinawakan niya ang kaliwang pisngi ko at saka nagsalita,

"Meda, ito na ang pinakahihintay kong araw. Ang maikasal tayo." nakatitig pa rin siya sa akin nang sabihin niya iyon. Ang kaniyang mga mata ay parang naluluha pa. Tears of joy ba 'yon?

Wait... Ikakasal? Bakit hindi ko alam? Ikakasal na pala ako kay... Johann? Pero... Masyado pa kaming bata, hindi ba?

"Atin nang simulan ang seremonya ng pag-iisang dibdib." sabi naman ng pari na nasa harap lang naming dalawa.

Nang dahil sa nabanggit na iyon ay mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko. Hindi ko malaman kung bakit. Ang nararamdaman ko lang sa sistema ko ngayon ay kaba.

Hinawakan na ni Johann ang aking nanlalamig at nanginginig na kanang kamay. Masaya siyang tumingin at nakinig sa pari na nasa harap.

Mga ilang minuto ang lumipas, Ay may biglang sumigaw na nakapagpatigil sa aming lahat...

"Itigil ang kasal!" lumingon kami mula sa pintuan papasok dito sa loob ng simbahan at nakita namin si Kyla na may hawak-hawak na baril. Mas lalong lumakas ang pagtahip ng aking puso lalo pa nang makita kong nakatutok sa amin ang baril na hawak niya.

"Kyla?" Gulat na gulat na sambit ni Johann sa kaniya.

"Ako ang mahal mo 'di ba, Johann? Ako lang 'di ba?" halos pahagulgol na ani naman ni Kyla. Bahagya akong nakaramdam ng awa para sa kaniya.

Unidentified Falling ObjectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon