Chapter 15: The Unbelievable

14 1 0
                                    


Unidentified Falling Object written by StupidAEros copyright © 2015

"Halika na, miss..."

"Hindi. Hindi ako sasama!" pagkasabi niyon ng lalaki ay mabilis siyang tumakbo papunta sa akin. Nanlaki naman ang mga mata ko. Hindi ko alam kung ano ang dapat na gawin. Masyado na akong pinangungunahan ng takot at kaba kaya hindi na ako nakakapag-isip nang maayos. Wala na akong ibang choice. Sa tingin ko ang tanging paraan na lang ay ang sugurin ko rin siya gamit ang tubo kahit pa marami sila. Bahala na... Ito na lang ang tanging paraan para makatakas kami dito.

Pumikit ako nang mariin at sinugod rin ang lalaki. Sumisigaw pa ako habang nasa harap ko ang hawak na tubo bilang pananggalang.

Pero bago pa man ako makatakbo, bigla na lang may humila sa aking kamay. Naantala ang aking pagtakbo. Napamulat ako ng aking mata at ang bumungad sa akin ay... dilim. Madilim. Hindi ko alam kung nasaan ako o kung sinuman ang kasama ko dahil may humila sa akin.

Nasaan na sila Andeng at Rigel? 'Yong mga lalaki? Saan sila napunta? Iyong papalapit na matandang hukluban, nasaan na siya? Hindi ba dapat susugurin ko na siya?

Ano 'tong lugar na 'to? Natapos na ba ang lahat? Don't tell me...nasa Langit na ako?! Wait... Bakit ang dilim? Hindi naman madilim sa langit, hindi ba? Oh, boy... Saan 'to? Ibig sabihin sa...holy cow! Hindi. Hindi puwede! Hindi pa tapos ang lahat!

Nilibot ko ang aking paningin sa paligid. Nararamdaman kong may nakahawak pa rin sa kamay ko. Hindi ko lang matukoy kung sino.

Ilang saglit pa ay may biglang bumukas na parang butas at nagliwanag ang paligid na kanina'y madilim. Nang dahil doon ay nakita ko kung sino ang humahawak sa akin—si Rigel. Buhat pa rin niya si Andeng.

At pagkatapos ay hinigop kami ng butas na iyon palabas. At namalayan ko na lang na...na nasa silid ko na pala kami at nakatayo.

Gulat ako sa bilis ng mga pangyayari.

Anong naganap? Paanong...

Hindi pa rin ako makapaniwala. Paano kami napunta dito sa bahay nang ganoon kabilis? Tama ba ang naiisip ko...na nag-teleport lang kami? P-pero... Hindi! Siguro panaginip lang ito. Kailangan kong gumising. Tama, panaginip lang ito.

Kinurot ko ang aking braso at gumuhit ang sakit doon na dulot ng ginawa kong pagkurot. Napangiwi ako. Nagmulat ako ng mga mata at nakitang nasa kuwarto talaga kami.

Ang syunga mo rin ano, Meda?

Paano talaga nangyari ito? Hindi kaya si Rigel? Alam ko na may mga bagay siyang nagagawa na hindi kaya ng isang ordinaryong tao, pero ang pag-teleport? Hindi ko pa nakikita iyon mula sa kaniya.

Sandali... 'Yong mga lalaki? Wala na sila dito! Ligtas na kami! Nakatakas kami mula sa kanila! OMG! Buo pa ang katawan namin. Siete! Ligtas na bang talaga kami?

Napatalon ako sa tuwa dahil sa nangyari.

"Nalagpasan natin sila! Hindi ako makapaniwala! Ligtas na tayo. OMG!" puno ng galak kong sambit habang tumatalon at iwinawagayway ang hawak na tubo. Bumaba si Andeng mula kay Rigel at nakisabay rin sa pagtalon sa tuwa sa akin.

Unbilibabels! Hindi talaga ako makapaniwala! Muntik na akong maihi sa takot kanina. Ang akala ko katapusan na namin. Nagpapasalamat talaga ako dahil doon.

At isa lang ang dapat kong pasalamatan sa nangyari...si Rigel!

Agad akong lumapit kay Rigel at tuwang-tuwang niyakap siya nang mahigpit. Naiiyak ako sa tuwa nang malapitan ko siya at yapusin. Nabitawan ko tuloy 'yong hawak kong tubo. Utang ko ang kaligtasan namin dahil sa kaniya. Kung wala siya doon, panigurado, baka hindi na kami nakauwi pa.

Matapos ko siyang yakapin ay hindi ko na napigilan ang sarili ko sa sunod kong ginawa sa kaniya...

Napalayo akong bigla dahil sa kasyungahang ginawa ko. Nasambot ko ang aking labi. Tulala lang akong nakatingin sa kaniya. Nakapikit pa rin si Rigel. Dahan-dahan akong umatras. Halos hindi na ako makagalaw dahil sa labis na pangangatog ng aking tuhod. Gulat na gulat pa rin ako sa aking ginawa...

H-hinalikan ko siya?

Bakit mo siya hinalikan, Meda?! 'Di ba natutuwa ka lang kaya yakap lang ang gagawin mo, pero bakit may kasamang halik? Pasasalamat lang 'yon, 'di ba? Pasasalamat lang dapat!

Nakiramdam ako sa paligid. Parang huminto ang lahat. Wala akong marinig na kahit anong huni o ingay. Anong nangyayari?

Sinulyapan ko ang wall clock sa aking silid at nakitang hindi gumagalaw ang mga kamay nito. Hindi umiikot. Nakaturo lang sa isang numero.

Wala yatang battery. Sira na ang wall clock ko. Hindi ko na lang pinansin at mas inisip na lang ang ginawa kong paghalik kay Rigel. Nakakahiya. Nakakainis iyong ginawa mo, Andromeda!

Lalabas na sana ako ng kuwarto dahil hindi ko na matiis ang awkwardness na aking nararamdaman, pero natigilan ako nang makita si Andeng na hindi gumagalaw at nakalutang lang sa ere dahil sa pagtalon.

Nanlaki ang mga mata ko. Nalaglag ang aking panga. Pinagmasdan ko siya. Pumwesto ako sa harap niya at kumaway ako sa mga mata niya. Makailang ulit ang ginawa ko pero hindi pa rin lumalapat sa sahig ang paa niya. Humintong talaga ang oras! Holy shizzles!

Ilang sandali lang ay bigla siyang gumalaw at nagpatuloy sa pagtalon. Tumingin ako sa direksyon ng orasan at nakitang gumagalaw nang muli ang kamay nito at umiikot.

Napahinto si Andeng sa ginagawa,

"Ate, anong nangyayari sa'yo?" nawala ang kaninang saya na nasa mukha niya at napalitan iyon ng pagtataka.

Biglang may nagsalita sa likuran namin,

"Rigel," ipinihit naming pareho ang ulo naming magkapatid at tumingin kay Rigel na itinuturo pa ang labi nito nang nakangiti nang banggitin niya iyon. Parang ipinapaalala niya 'yong ano...

Napaiwas ako ng tingin. Nakagat ko ang aking labi nang maalala ko ang ginawa ko sa kaniya. Letse ka talaga, Meda! Kahihiyan ang ginawa mo!

Pumikit na lang ako nang mariin at mabilis na lumabas ng aking kuwarto. Mas pinili ko na lang na 'wag sagutin ang tanong ni Andrea, dahil nahihiya ako sa ginawa ko! Pakshet! At saka Naramdaman ko kasi na parang umiinit na naman ang mukha ko.

Marahan kong naisara ang pinto at agad na napakapit sa dingding sa gilid. Sumandal ako roon at huminga nang sunod-sunod. Kakapusin yata ako sa hangin.

Hindi ko alam kung maiinis ba ako sa sarili ko o matutuwa sa nangyari. Ramdam ko pa rin ang lambot ng labi ni Rigel sa akin. Nariyan na naman ang mga parang nagsasayawan sa sikmura ko. At ang kuryente sa aking sa katawan... Susko! Gustong-gusto kong laging nararamdaman!

Nakurot ko na lang ang laylayan ng damit ko dahil sa aking mga naiisip. Hindi ko alam, Pero pagkatapos noon, ay namalayan ko na lang na...

Na...

Nakangiti na pala ako dahil sa aking ginawang iyon at impit na napatili na parang naiihi sa labas ng aking silid...

To be continued...

(Chapter 15: The Unbelievable)

Unidentified Falling ObjectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon