Chapter 22: Longing For You

17 0 0
                                    


[Warning: The following point of view contains curses. Wagas kung magmura yung tao. Pero pabayaan n'yo na. Mabibigti na rin siya sa story. Lol Haha  )

❝Unidentified Falling Object❞ written by StupidAEros copyright © 2015

Chapter 22: Longing For You

JOHANN

"N-napatawad na kita...a-and gusto ko lang na gawin mo...l-layuan mo na ako. Masaya na ako sa buhay ko, Johann. Kaya sana, maging masaya ka na rin...mahal mo ako, r-right? Sana palayain mo na ako..." After hearing those words, inalis niya ang kamay kong nakahawak sa kanya. A sign na hindi niya tinatanggap ang sinabi ko...

It hurts as h*ll. Nagawa kong lumuhod at magmakaawa sa kanya pero hindi pa rin pala sapat. Damn it! Ganito pala kasakit ang i-reject ka ng taong mahal mo. 'Yung taong iniisip mo gabi-gabi, 'yung taong mahal ka rin dati. 'Yung taong lagi mong kasa-kasamang lumabas.

"I'm sorry, Johann. But I need to go..." sabi ni Andromeda and then she left me there kneeling. I punched the ground because of too much frustration. Hindi ko na napigilan ang luha ko. Kung tutuusin, kanina pa nga. Siguro iyon na ang tanda na ayaw na niya sa akin. Tanda na hindi na niya ako mahal. Nagpakatanga kasi ako. Kung bakit mas pinili kong sundin siya kaysa sa taong mahal ko. Pero, hindi niya ba inisip na para rin sa kanya ang ginawa ko? Hindi niya nga pala maiisip kasi hindi niya alam.

Tumayo ako and then I started walking. That was awesome! Fvck you, Johann! Gago ka kasi. Ni hindi mo pa hinabol 'yung tao. Dakilang tanga ka.

Habang ako'y naglalakad ay umiiyak din ako. Pinagtitinginan na nga ako ng mga tao. But I don't care about them. Ano naman pakialam ko doon? Tang-ina nila.

Naglakad ako pauwi sa bahay na bagsak ang mga balikat. Umiiyak habang tumatawa mag-isa. This is great. This is fvcking great.

Binuksan ko 'yung gate ng bahay. Pumasok kaagad ako sa loob n'on. At bago pa man ako tuluyang makapasok sa pinto...I saw her, siya na naman.

"What are you doing here?" I asked her and then pumasok na ako. Nilagpasan ko lang siya. Nagdiretso kaagad ako sa kusina at kumuha ng beer sa fridge. Gusto kong malunod ang sarili ko ngayong araw. Gusto kong lunurin ang bobo kong pag-iisip.

Lumapit siya sa akin at kumapit sa braso ko. "Nothing. Gusto lang kitang samahan. 'Di ba wala naman parents mo? And, oh. Mukhang malungkot ka yata?" tiningnan ko siya at saka inalis ang kamay niya na nakakapit sa akin.

"Ano ba ang pakialam mo?" sabi ko. Hindi ko na lang siya pinansin. Pinutol ko na ang lahat ng kaugnayan ko sa kanya, yet, she's still here. I broke up with her, pero pumupunta pa rin siya rito.

Pumunta ako sala and then I opened the TV. Umupo ako sa sofa habang ang mga paa ko naman ay nakataas at nakapatong sa maliit na table. Dire-diretso kong tinungga ang laman ng boteng hawak ko. I don't care about its taste. Matagal na akong umiinom kahit pinagbabawalan ako ni Dad.

"Johann babe, bawal 'yan sa'yo, ah? Bakit ka umiinom?" Sumunod na naman siya sa akin hanggang sa sala. I didn't manage to talk to her. Hindi ko na lang siya pinansin. She's not my mother para pagbawalan ako sa mga gusto kong gawin. Because right now, ang gusto ko lang mangyari ay magdiwang ako. Magdiwang sa pvtang-inang pagkabigo ko.

I don't know kung ano pa ba ang dapat kong gawin para bumalik sa akin si Andromeda. Sinakripisyo ko ang lahat para sa kanya. Mas pinili kong sumama sa mali para sa ikabubuti niya. Yet, she rejected me. Nagkulang kasi ako sa paliwanag. Kung nasabi ko sana sa kanya, baka naayos pa ang lahat. But fvck! Nagpakaduwag ako. Naging duwag ako. Mas lalo na noong una na pinapili niya ako. It is true na mahal ko pa rin naman siya. At hindi magbabago 'yun. Pinili ko lang si Kyla 'yun ay dahil—

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 09, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Unidentified Falling ObjectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon