Chapter 2

22 3 1
                                    

"U.F.O" Written by StupidAEros ©2015 | Romance/Sci-Fi/Humor |

CHAPTER 2:

"Meda, hayaan mo na. 'Wag ka ng umiyak diyan. Mukha ka na kayang losyang, oh." pag-aalo sa akin ni Natalie habang ako naman ay iyak lang nang iyak.

Isa pa 'tong bestfriend ko. Sasabihan pang 'okay lang' daw eh, nakikita nya namang hindi okay ang itsura ko. Minsan isaksak ko nga sa mata nitong si Natalie 'tong ballpen na nasa tabi at ng matauhan sya. Ka-stressed lang sya, eh.

"Nat, hindi ko kaya. I can't live without him by my side!" Napahagulgol na ako sa harap nya at parang nagha-hyperventilate na rin ako dahil sa pag-iyak na ginagawa ko.

"Ang OA mo, Meda. Anong pinagsasabi mong 'I can't live without him'? Ano sya, oxygen? Kung sapukin mo nga sya kanina kulang na lang tumalsik 'yung bungo nung tao tapos ngayon magda-drama ka ng ganyan?" okay... Sinabi ko nga. Sinabi ko ngang napaka-supportive ng kaibigan ko. I'm so blessed. Letse.

Masama na bang umiyak at maglabas ng paghihinagpis?

"Bakit, Nat? Masama na ba ngayon ang---"

"Magtigil ka na, nandyan na silang dalawa." halos pabulong na wika sa akin ni Natalie. Nang dahil sa sinabi nyang 'yun ay nagmadali akong inayos ang sarili ko. Pretending na walang nangyari. Hindi ako umiyak.

"Ayos ka lang, Johann babes? Sabihin mo kung anong masakit sa'yo," sumasakit na ilong nya sa'yong garapata ka! Sing-bango kasi ng pozo negro 'yan bunganga mo. Pwede ng gawing pampabango ng hangin.

"I-I'm okay... I'm o-okay." tila naiilang na sambit ni Johann pagkatapos ay napatingin sya sa gawi naming dalawa ni Natalie. Ako na ang unang nag-iwas ng tingin, pagkatapos ay ginawa ko na ang akting na kanina ko pa sabik na gawin.

"Nat, anong oras na? Hindi ka pa uuwi? Wala ka pa bang balak?" mahinanong tanong ko sa aking kaibigan.

"Talagang wala akong balak umuwi. Recess time palang, Meda. Kung gusto mo ng umuwi, sige, mag-escape ka na. Bahala ka na sa notes mo. 'Wag kang hihiram sa'kin kapag may naganap na exam bukas." shet. Panira rin pala ng moment 'tong si Nat.

Heartbroken ka lang Andromeda nakakalimot ka na sa schedule? Peste.

Inirapan ko na lang siya at nagdiretso ako palabas para magtungo sa CR. Ayaw ko pang makita ang dalawang damuho na 'yun sa ngayon. Ako na ang iiwas sa kanilang dalawa. Baka hindi ko kayanin at ako pang magmakaawa sa pakingtape kong boyfriend na bumalik sya sa akin. At kung magkakaganun, baka isipan nya na ang haba ng hair nya. Tse! Ano sya, naka-rejoice?

"Uy, sandali Meda! Wait! Ano ba 'to, lagi na lang akong napapasunod sa'yo." Kung ayaw mong sumunod, edi 'wag! Napaka-supportive mo talaga Nat. 'Wag kang mag-alala, magbibigti na ako sa banyo para ikaw ang una kong dadalawin kapag nadedo ako.

Wala na bang ibang taong magco-comfort sa akin? Lord, sana naman may matino akong taong makilala.

¤¤¤

"Friend, sa tingin mo, anong magandang gawin?" usisa ko kay Natalie habang pasinghot-singhot pa ako ng sipon. Namumugto na rin ang mga mata ko. Kanina pa kami nandito sa CR. At wala kaming ibang ginawa kundi ang tumambay.

"Ay, mabuti't natanong mo 'yan! Ito suggestions ko. Uhm, kuha ka ng isang garapon,"

"Anong gagawin ko sa garapon?"

"Iinumin mo 'yung laman nun na gamot. Laklakin mo kung kinakailangan. Pagkatapos nun mapapa-watch me nae-nae ka na!" Natatawa talaga ako dito kay Natalie. Kaya ang sarap nyang maging kaibigan, eh. Ang sarap nyang SAKALIN bilang kaibigan. Tse!

"Ay oo nga, no, friend? Pero ito..." this time ako naman ang babawi sa kabaitan mo Nat.

"Ano 'yun friend?" Nasasabik na sambit nya.

Unidentified Falling ObjectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon