Chapter 10: Thank You

16 1 0
                                    


Unidentified Falling Object written by StupidAEros copyright © 2015

Ilang beses na nga ba akong umiyak nang dahil sa kaniya? Ilang beses na ba akong lumuha nang dahil sa ginawa niya? Gaano na ba karaming luha ko ang pumatak nang dahil rin sa kaniya? Ilang uhog na rin ba ang lumabas mula sa ilong ko? Lahat ng iyan ay siya ang may kagagawan. Si Johann ang siyang tunay na may sala. Siya ang may kasalanan! Si Johann! Si Johann ang siyang tunay na may kagagawan.

Patuloy pa rin ako sa pag-iyak habang nakasubsob sa malapad na dibdib ni Rigel. Siya naman ay patuloy lang sa pagyakap sa akin. Iniangat ko ang aking kamay upang yakapin rin siya pabalik. Hindi pa rin namin alintana ang lakas ng ulan.

Biglang humangin nang malakas. Ang hanging iyon ay nanunuot sa aking balat. Maging siguro kay Rigel ay ganoon din. Nakaramdam ako ng panlalamig. Gininaw ako at nanginig ang aking katawan kahit pa 'akap-'akap ako ni Rigel. Kahit na nakasiksik ako sa dibdib niya ay naramdaman ko pa rin ang lamig.

Kumalas siya sandali mula sa pagkakayakap. Tiningnan ko kung ano ang kaniyang gagawin. Napasinghot ako ng aking sipon pagkatapos ay napabahing ako.

Dahan-dahan... Ay itinaas niya ang kaniyang suot na blue shirt. Hinubad niya iyon. Tumambad na naman sa harap ko ang kaniyang mga... Holy shizzles! Walong pandesales!

Mabilis akong pumikit nang mariin. Inaatake na naman ako ng pagkamahalay. Magtigil ka na, Meda.

Mayamaya'y biglang may bumalot sa balikat ko. Napamulat ako dahil doon. Nakita kong ipinatong ni Rigel 'yong shirt niya sa akin. Pagkatapos ay muli niya akong niyakap.

Sandali lang... Paanong natuto mag-alis ng damit si Rigel? Hindi naman siya marunong no'n, ah?

Ay, ewan! Ayaw ko na munang madagdagan ang problema ko. Mukhang magkakasakit pa yata ako dahil sa ulan na ito...

~***~

"Hindi ba, sinabi ko na sa iyo na magdadala ka ng payong kapag aalis ka? Lagi ka na lang hindi nakikinig na bata ka!" sermon sa akin ni nanay habang iniaabot niya sa akin ang gamot na iinumin ko. Bumangon ako mula sa pagkakahiga. Kinuha ang gamot at malumanay na nagsalita,

"Opo, 'nay..." sagot ko kay nanay sa mahinang tono.

"Opo ka nang opo, pero tingnan mo nangyayari sa'yo ngayon. Nilalagnat ka. Alam mo naman na lagi akong nag-aalala kapag nagkakaganiyan ka, eh." patuloy pa rin siya sa pagsermon sa akin. Nanginginig man ay inabot ko ang tubig na binibigay niya. Pagkatapos ay ininom ko na ang gamot para makapagpahinga na rin.

Ito na nga ba ang sinasabi ko. Magkakalagnat talaga ako, eh! Kainis.

After no'ng nangyari kanina sa park, ay hindi ko na alam kung paano pa ba kami nakauwi ni Rigel papunta dito sa bahay. Nahimatay kasi ako bigla dahil sa labis na panlalamig. Nabasa pa nga 'yong mga pinamili kong materials para sa project namin. Mabuti na lang at hindi nabasa 'yong mga damit ni Rigel.

Humiga akong muli matapos kong inumin ang gamot. Tiningnan ko sina Andeng at Rigel na nasa likod lamang ni nanay na nakatayo at pinagmamasdan ako. Patuloy lang naman sa pagsermon sa akin ang aking Ina. Hindi ko na lang siya pinansin.

Kahit ganiyan naman 'yan si nanay, love na love kami niyan. Pero siyempre, mas love namin siya pati na rin si tatay. Nakaka-miss rin ang presensiya rito ni tatay sa bahay.

Kinuha ni nanay 'yong kumot ko at saka ipinatong niya ito hanggang sa aking baywang. Umupo siya sa gilid ng kama ko. Hinaplos niya ang aking buhok.

"Anak, sa susunod, 'wag mo nang gagawin ulit 'yan, ha?" malumanay lang ang boses ni nanay nang sabihin niya iyon. Tumango na lang ako bilang tugon.

"Alam mo bang muntik na akong atakihin sa puso nang iuwi ka rito ni Rigel na inaapoy ng lagnat? Kaya sana 'wag mo nang gagawin," patuloy lang sa pagsasalita si nanay. Mababakas talaga ang pag-aalala sa tono ng kaniyang pananalita. Hindi na lang ako nagsalita. Ang gusto kasi ni nanay, kapag nagsasalita o nagsesermon siya ay papakinggan lang namin siya. Ayaw niyang sumisingit kami. Kaya minsan, natatahimik na lang kami.

Unidentified Falling ObjectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon