Chapter 6

14 2 0
                                    

Unidentified Falling Object written by StupidAEros copyright © 2015

Sabi nila ang unang pag-ibig daw ang siyang hinding-hindi mo malilimutan. Mahirap mawaglit. Mahirap alisin lalo na kung kayo'y mauuwi lamang pala sa break-up. Kumbaga parang sa kanta lang ni Sheryl Crow na "The First Cut is the Deepest", mas masakit pa sa masakit. Parang may nabasag sa dibdib mo kapag nandoon na kayo sa eksenang 'yon.

Years. Siguro, taon ang aabutin bago makalimot. Makakalimot ka man, maaring may maiiwan pa ring lamat sa puso't isipan mo.

Sinasabi nga nila na ang unang pag-ibig ang pinakamasaya. 'Lang'ya lang, pinakamasakit din pala. Tama naman sila, eh. Tingnan mo ang nangyayari sa pagitan namin ni Johann. Parang ako lang naman yata ang 'di pa nakaka-move on. Ako lang ang hindi pa nakakalimot. Kasi nagmahal ako, eh. Nagmahal nang lubos. Nagmahal at nagpakatanga sa isang taong iiwan din pala ako sa ere nang mag-isa. Ang sarap magpapaniwala sa mga sinabi niya, lasang bobo at tanga.

Sinabi niya na mahal niya ako? 'Nyemas. Eh, bakit mas pinili niya 'yong kulasisi niya? Pakingtape pala siya.

Hindi ko alam kung paano ako makakaalis dito sa pinasukan kong ito. Ang hirap lumimot. Hindi ganoon kadali na kahit lumamon ka pa ng lumot, ay walang ring effect.

Naramdaman ko na naman ang pangingilid ng luha sa aking mga mata, tanda na maiiyak na naman ako. Letse. Kung bakit iniisip ko na naman 'yong walang kuwenta kong boyfriend na sana mabaog siyang nesfruta siya! Wait. I-rephrase ko, may mali...

Sana mabaog na 'yong walang kuwenta kong EX-BOYFRIEND na nesfruta siya!

There. Mas tama 'yan. Pakshet siyang gago siya. Ako nag-eemote dito 'tapos siya, nagpapakasaya kasama 'yong mukhang bulok na ampalaya na iyon? Mga letse sila. As in. Sagad to the bones.

Sinusumpa kong papangit sila, magiging kamukha ang garapata! Paghaluin ang mga rekado upang mabuo na ang spell na kailangan ko! Ngayon na—

'Siyete ka, Meda. Ang over mo mag-drama kanina 'tapos ngayon evil witch ka na? Sira na nga yata ang bait mo.'

Tse! Gusto ko lang namang pigilan ang pag-iyak ko, masama ba? Gusto ko nang alisin sa sistema ko 'yong mukhang bisugo kong EX-BOYFRIEND!

Bigla-bigla ay nakarinig ako ng pagbukas ng pinto. Pinalis ko ang mga likidong nagbabadyang tumulo sa aking pisngi. Bumalik ako sa realidad mula sa malalim na pag-iisip. Nahuli ko na naman ang mukha ni Rigel na nakangiti.

Siyete, otso, nuebe! Nanghihina ang tuhod ko!

Mayamaya'y may nagsalita sa likuran kung saan naroon ang pinto,

"Ate, Halika—s-sino po siya, ate?" ibinaling naming pareho ni Rigel ang aming tingin sa taong nagsalita.

Ibinato ko sa kaniya ang nanlalaki kong mata na parang tarsier. Shet. Ang pangit mo, Meda!

"A-Andrea?" Gulat na gulat kong tiningnan ang aking nakababatang kapatid.

Sa ikalawang pagkakataon, ay muli siyang nagtanong,

"Sino po siya?" pagtuturo ng daliri niya kay Rigel na nakaupo ngayon sa kama't puro mantsa ang puting damit.

Sa 'di malamang dahilan, ay bigla akong pinagpawisan nang malamig. Tagaktak ang aking pawis sa noo. Pati yata singit ko pinagpapawisan na. Shit! Ang dugyot n'on!

Paano ako magpapaliwanag sa kapatid ko? Huling-huli ako sa akto! Holy sheez. Help me!

"A-ah... S-siya? Siya s-si... Siya ang asawa ko." pagsisinungaling ko sa kaniya na bahagya pa akong napatawa dahil sa aking sinabi.

Sa binanggit kong iyon ay biglang nagdikit ang kilay ng aking kapatid. Nagugulumihan niya akong tiningnan.

Ang bobotic mo, Meda. Saan mo napulot ang sagot na iyon? Malamang sa alamang ni Aling Bebang, baka isumbong ka niyan! Boyfriend nga 'di nila alam, asawa pa kaya?

Unidentified Falling ObjectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon