Chapter 3

16 3 1
                                    

"U.F.O." (Unidentified Falling Object) Written by StupidAEros copyright © 2015 ¦ Romance ¦ Humor ¦ Sci-Fi ¦ Action ¦

Don't plagiarize, plagiarism is a crime!!

CHAPTER 3:

"Ibuhos na... Ang beer... Sa aking la...lamunan..." pag-awit ko sa ilalim ng napakalamig na gabi. Mag-isa lang ako rito sa bubungang nakatambay.

"Hoy! Magpatulog ka nga! Kung ayaw mo pang matulog, 'wag kang mag-iingay!" sigaw ng kapitbahay naming si Mang Andres. Letse 'tong matandang hukluban na 'to. Nasa emo stage 'yung tao, eh.

"Opo na mang Andres! Magpapatulog na po! Baka hindi matuloy iyang honeymoon nyo!" sigaw ko naman sa kanya pabalik. Ano ba 'yan. Lahat na lang ba ng tauhan ng kuwentong 'to lagi akong kokontrahin? Kita nang nagpapakalunod ako dito sa... Kape, eh. Oo, tama, kape lang ang iniinom ko.

Sabi ko kay nanay, titira ako ng beer ayaw naman nya. Kaletse lang. Paano ka makakalimot ng ganito?

Maya-maya'y biglang humangin ng may kalakasan. Sinamyo ko ang hanging iyon. Napapikit ako dahil sa ginhawang naidulot ng hanging dumampi sa aking mala-porselanang balat. Mamahalin kasi ang balat ko kaya mala-porselana.

Masarap din pala ang mapag-isa minsan-minsan lalo na kung nandito ka pa sa bubungan nakatambay. Nasa second floor lang naman ako ng bahay namin. Karaniwan kapag sinabi nilang may second floor, medyo may kasosyalan ang ganun. Pero hindi, iba ang sa amin. Ang tipo ng bahay namin ay 'yung parang ganun sa mga horror movie na gawa lamang sa kahoy. Tipong isang tapak mo lang sa hagdan, maaring maging sanhi ng iyong paglisan sa mundong ibabaw.

Teka nga, bakit nasa usapang bahay na'to?

Aba'y matindi na rin pala ang kabaliwang naidulot sa akin ng pakikipaghiwalay ni Johann. Intense na pala ang insanity na nae-experience ko! Maging sarili ko, kinakausap ko na.

Dalawang linggo na rin simula nung mangyari 'yung incident ng paghihiwalayan na naganap between sa'min ni Johann. And 'til now, hirap pa rin akong maka-move on.

'Gaga, malamang hindi ka pang talaga makaka-move on! Tatlong buwan pa bibilangin mo bago mo malimutan 'yan. Kung minsan nga taon na ang binibilang. Pero kung sadyang makati ka at gustong maghanap agad ng bago, ayan, segundo lang ready to mingle na ulit!'

Ito na naman ang pakialamero kong utak. Bakit kaya hindi na lang sya manahimik, ano?

Tumingala ako sa kalangitan. Humiga ako sa malamig na yerong aking tinutuntungan mula dito sa itaas. Bahagya akong napangiti ng makita ko ang mga bituin. Nakakatuwa silang pagmasdan. Lalo na 'yung mga bituin na nakabubuo ng patterns.

Actually, matagal ko naman na itong ginagawa. Ang pagtingala sa mga bituin lalo na kung hindi maulap ang kalangitan. Hihiling sa mga shooting star na napapadaan. Ewan ko lang kung nagkakatotoo ba. Kasi nung dating humiling ako sa isang shooting star, sabi ko "Sana yumaman kami." pagkatapos ang nangyari lang, namulubi kami. Natanggal lang si tatay sa trabaho, si nanay naman, ayun, hindi na nakatanggap ng labahin. Kaya ang result? Pakshet. Nag-ulam kami ng mantika't toyo ng isang buwan. Pero ayos lang 'yun, atleast may inulam pa kesa naman sa wala, 'diba?

Pero sa awa naman ng Diyos ay heto't nakapag-abroad pa ang tatay ko at naipundar nya itong bahay namin na inaanay na, na kulang na lang ay isang pitik, wasak na.

~~~

"Tres marias, rosary, um... Ano pa ba?" sabi ko sa sarili ko habang itinuturo ang mga bituing bumubuo ng mga pattern. Maghihintay akong muli ngayong gabi ng isang shooting star. Sana naman matupad na iyon! Kahit mapuyat pa ako kakahintay, ang mahalaga ay makapag-wish ako. Hindi din naman ako papasok bukas kasi ayoko pa ring makita 'yung mukha nung dalawang basura na 'yu---

Unidentified Falling ObjectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon