Chapter 7

19 2 0
                                    

Unidentified Falling Object Written by StupidAEros copyright © 2015

"Ale, heto po ang bayad." pag-aabot ko ng pera sa tindera ng damit dito sa ukay-ukay sa bayan. Dito na lang ako nagpasyang bumili ng mga damit ni Rigel at siyempre... With the help na rin ng aking ipon.

Iniwan ko muna sa bahay si Rigel kasama si Andeng. Ang sabi ko'y bantayan na lang muna ng kapatid ko ang nilalang na iyon at mabilis din naman akong babalik. Baka kasi ay magtangkang pumasok sa kuwarto ko si Nanay, edi lagot na. Lukot pa nga ang mukha ni Andeng dahil sa ibinilin ko sa kaniya. Parang ayaw pa niya 'ata akong sundin, dahil ang balak na naman no'n ay maglaro.

"Miss, 'eto na po ang sukli n'yo kasama ng pinamili." kinuha ko na ang plastic na may lamang damit maging ang sukli sa akin.

Akma na sana akong aalis nang biglang mahagip ng aking mga mata ang isang pamilyar na bagay.

Nilapitan ko iyon. Hindi pa rin ako umaalis sa harap ng paninda ng mga damit na second hand.

'Kaya nga ukay-ukay, eh! Malamang second hand 'yan. Syunga lang?'

Pagsingit na naman ng utak kong pakialamera.

Hinawakan ko ang bagay na iyon—isang damit. Isang damit na may print na kalahating puso na parang nakahiwalay. In short, isang couple shirt—pero isa na lamang ito. Nawawala na ang kapares. Sa gitna ng kalahating puso'y may nakalagay na "He's mine" na sinamahan pa ng arrow na nakaturo pakaliwa. Ang ibig sabihin, ay sa babae ang shirt na ito.

Bigla-bigla, ay may sumagi sa isip ko. Bumalik sa alaala ko ang mga naganap habang magkasama kami ni Johann. Isang alaalang tila hirap ko ring kalimutan...

~***~

"Johann, nakakatakot na 'yong palabas! Tara na, uwi na tayo. 'di ko na kaya." halos takot na takot kong sambit noon habang nakakapit sa braso ni Johann. Napapisil tuloy ako sa kaniyang bicep.

Nanonood kami ni Johann sa sinehan ng "The Conjuring", and parang hindi ko na kakayanin ang pinanonood ko. Samantalang 'tong boyfriend ko parang enjoy pa yata siya. Kainis. Gusto niya lang yatang nakakapit ako sa kaniya, eh!

"Sandali na lang, panget. Tingnan mo, oh! Matatapos na kaya." pag-protesta niya nang nakangisi pa.

Hmp! Gusto ko nang mapaihi sa takot rito! Nanay, tatay! Help me here!

"'Wag na nating patapusin... Sige na, panget?" pagmamakaawa ko sa kaniya. Dahil kung hindi ko pa gagawin iyan ay baka panawan ako ng ulirat sa sinehan. Hindi ko naman hilig ang horror, eh.

Um-effect ka! Dali na. Bilis!

Alam ko ang kahinaan nitong si Johann loves ko, eh.

Napakamot-kamot siya ng ulo at napailing-iling na sinamahan pa ng ngiti,

"Sige na nga. Hindi talaga kita matitiis, panget."

"Talaga? Lalabas na tayo?" gulat kong tanong sa kaniya nang marinig ang sinabi.

"Opo. Tara na, panget. Baka himatayin ka pa diyan at siguradong hindi ko mapapatawad ang sarili ko."

Ngumiti ako dahil sa kilig na aking naramdaman. Pagkatapos ay hinila ko na ang kamay ni Johann loves palabas ng sinehan.

Nang makalabas ay naglakad-lakad muna kami sa loob ng Mall. Kumbaga, naglibot na lang. Pinagtitinginan kami ng mga taong nadaraanan at nasasalubong namin. Marahil, dahil sa suot naming couple shirt. Napatingin ako sa damit namin at nakita ang print ni Minnie Mouse sa aking shirt na nakanguso pakanan, samantalang ang Mickey Mouse na print naman ng shirt ni Johann ay nakatagilid at nakanguso pakaliwa. Kung saan, kapag nagdidikit ang shirt namin ay para silang nagki-kiss.

Unidentified Falling ObjectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon