Chapter 21: Promise?

16 0 0
                                    


❝Unidentified Falling Object❞ written by StupidAEros copyright © 2015

Chapter 21: Promise?

"Best, gusto kong gumala mamaya."

"Oh, anong gagawin ko? Isasama mo ako?" mataray kong tanong kay Natalie. Two weeks na ang lumipas after nung narinig ko na nangyari between kay Johann at kay Kyla. At two weeks na rin akong nagseseryosong mag-move on. So far naman, bahagya ko nang nagagawa.

"Oo naman! Ano pa ba? Maaga naman tayong pauuwiin, eh. Sumama ka na, sige na, please?" pagmamakaawa niya sa akin. Nag-pout na naman siya na parang bibe. 'itsura mo, Nat, mukhang kinagat ng bubuyog ang labi.

"O, sige na, sige. Sasama na kung sasama." parang napipilitan kong wika. Kahit ang totoo ay gusto ko ring sumama.

"Napipilitan ka lang yata, eh." napasimangot siya sa sinabi ko.

"Hindi, 'no. Sasama talaga ako. Bibilihan ko kaya ng regalo 'yung kapatid ko. Birthday niya ngayon, eh."

"Talaga?" Nagulat yata siya sa binanggit ko. 'Wag kang ganyan, Nat. 'Yung hangin na nagmumula sa bunganga mo, nakupo!

"Oo nga, paulit-ulit na tayo rito?" pamimilosopo ko sa kanya.

"O, sige. Bibilhan ko na rin si Andeng ng gift ko para sa kanya." Ngumiti siya at kasabay noon ang pagpalakpak niya. Kaunti na lang, mukha na siyang batang paslit.

Napalingon-lingon naman ako sa likod niya nang may mapansin ako.

"Nasaan na 'yung manlilibre sa atin? Bakit wala pa siya? Ang tagal naman..." reklamo ko nang malamang wala pa rin si Eros. Sabi niya kasi, ite-treat niya kami ngayon. Kaya ayun, bumili siya ng foods. Kaya lang, ang bagal naman nung god of love na 'yun. Ang kupad.

"Oo nga, eh. Gutom na rin ako..." Sumang-ayon naman si Nat sa sinabi ko habang hinihimas niya ang sariling tiyan. Napailing na lang ako sa ginawa niya. Parang binubulate 'yung tiyan nitong babaeng 'to!

"Boo!"

"Ay, anak ka ni Kupido!" sabay naming bigkas ni Natalie nang biglang sumingit si Eros at manggulat.

"Looking for me—ouch! Ouch!"

"Kainis ka! Nakakainis ka! Bakit ka nanggulat nang gano'n?" halos ma-torture na namin si Eros dahil sa ginagawa naming paghampas sa kanya ni best. At ang mokong, iniiwasan lang ang ginagawa namin!

Magiging kawawa ka talagang Kupido ka! Muntik na akong atakihin sa puso sa ginawa mo!

Ilang saglit lang, tumigil na rin kami. Dala na rin siguro sa pagod.

"Damn. Grabe 'yun, ha?" reklamo niya habang inaayos 'yung mukhang ginahasa niyang buhok. Napapahawak rin siya sa mga parteng pinaghahampas namin ni Nat. Naku, Eros, alam mo nang amazona kami kaya 'wag mo nang uulitin 'yun!

"Kung hindi mo sana kami ginulat, walang Eros na mukhang nabugbog ng sampung batalyon ngayon." umirap ako sa kanya. Wala lang din naman sa kanya 'yang ginawa namin. Mabait na tao naman 'yang kupidong babaero na 'yan kahit ganyan 'yan. Medyo maayos na rin ang pagsasama naming tatlo bilang magkakaibigan.

Napailing naman siya at saka tumawa. "Mukha kasi kayong mga ewan. By the way, here's the food. It's too hot in here. Damn." inabot niya sa amin 'yung treat niya na fries at burger. Pinaypayan naman niya 'yung sarili niya gamit 'yung shirt and lumabas doon ang mga...never mind.

Tumingin naman ako kay Natalie at nakitang nakatulala lang si Best. Nakatulala sa ginagawang pagpaypay ni Eros sa sarili gamit ang suot na shirt na itinataas niya pa.

Unidentified Falling ObjectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon