Chapter 17: Moving On

15 0 0
                                    


Unidentified Falling Object written by StupidAEros copyright © 2015

(Chapter 17:)

"Huy!"

"Ay, anak ka ng abs mo!" Nagulat ako dahil sa ginawang iyon sa akin ni Natalie. Letse, sarap ng pagde-daydream ko, eh.

"Sshh..." narinig naming sabi ng Librarian, nandito kasi kami ngayon sa Library, gumagawa ng assignment. Mukhang galit yata kasi nadinig 'yung boses ko. Pakshet kasi itong si Nat.

"'Wag ka ngang maingay, Best." sermon niya sa akin na akala mo kinaganda niya. Sino kaya ang mas maingay sa amin? Eh, siya nga itong unang nanggulat, eh. Sarap niyang konyatan sa bumbunan nang baligtaran.

"Wow lang, Nat. Ikaw kaya itong maingay. Nananahimik ako, eh. Ano bang problema mo at nanggugulat kang bigla?" inis kong tanong sa kanya.

"Ikaw kaya ang may problema. Anong ibig sabihin ng pagtulala mo diyan at pagngiti nang bigla-bigla? Mukha kang timang diyan! Gumagawa tayo ng assignment pero nakatunganga ka lang at may ini-imagine. Ikaw, ah? Sino 'yang nasa imagination mo? Si fafa Rigel ba?" pang-aasar niya sa akin at saka niya sinundot-sundot 'yung tagiliran ko. Napaiwas ako. Nawala naman 'yung ngiti ko dahil sa pang-aasar niya. Ano bang masama sa pagngiti? Masama na bang maalala na na-kiss ko si—God, Meda! Stop!

"W-wala... Wala 'to." sagot ko na lang sa kanya at saka nag-iwas ng tingin.

"'Sus! Mayroon 'yan, eh." pangungulit niya pa sa akin tapos humagikgik pa siya, muntanga lang. Mukha siyang batang tsismosa.

"Wala nga sabi..."

"Weh? Hindi ako naniniwala sa'yo—"

"Sino ba iyang maingay diyan?" nagulat kami sa biglang nagsalita. Napatakip kami ng bibig dahil kilala namin kung sino 'yun. 'Yung Librarian! Nakupo!

Luminga-linga kami sa mga estudyanteng malapit sa amin... At...sa amin lang silang nakatitig lahat na parang nang-aakusa! OMG!

Napaiwas kaming bigla ng tingin ni Natalie at kunwaring nagbukas ng libro para magbasa kuno. Dapat talaga hindi na kami nagpunta dito ni Nat. Bawal sa mga ganitong lugar si Natalie. Bibig pa naman niyan, parang Megaphone.

Kinurot ko naman siya sa tagiliran nang pasimple.

"Ikaw kasi." bulong ko sa kanya habang umiirap.

"Anong ako? Ikaw kaya!" bulong niya pabalik. Mukha kaming mga batang paslit na nag-aaway.

Nang muli naming tingnan ang mga kalapit naming estudyante ay...masasama na ang tingin nilang lahat sa amin! Oh, my! Nanay, tatay, help! Lalapain yata kami ng titig nila!

~***~

"Ikaw talaga, ang ingay mo kanina." Asar kong sabi kay Natalie, pagkatapos ay sumubo ako ng fries. Nandito naman kami ngayon sa Canteen.

"Ikaw kaya 'yun! Bigla-bigla kang naninigaw!" sagot niya pabalik na akala mo eh, wala talaga siyang kasalanan. Sa akin pa niya ibinalik ang sisi. Sino kaya ang nauna?

Uminom muna ako ng softdrink bago nagsalita, "Sino kaya ang nanggulat sa nananahimik na gorgeous na ako? Hindi ba't ikaw?" sabi ko saka ulit uminom ng softdrink.

"Paano ngang hindi kita gugulatin kanina, nakatunganga ka na mukhang ewan. Kulang na nga lang eh, maglaway ka sa ini-imagine mo. Siguro nga... Siguro si Fafa Rigel talaga 'yan! Ano ba nangyari?" naibuga ko naman 'yung iniinom ko dahil sa sinabi niya.

Maglaway?! Like seriously?!

Dahil sa pagbubugang ginawa ko ay nag-aalala naman niya akong tinanong.

Unidentified Falling ObjectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon