Chapter 4

14 2 0
                                    

"U.F.O." (Unidentified Falling Object) Written by StupidAEros copyright © 2015 ¦ Romance ¦ Humor ¦ Sci-Fi ¦ Action ¦

CHAPTER 4:

Naramdaman ko ang bahagyang init ng pang-umagang araw na dumadampi sa aking balat. Narinig ko ring tumilaok na ang manok ng aming kapitbahay na mahilig makipagsabong.

Umaga na pala. Masyadong naging mabilis ang oras.

Bumangon ako ng nakapikit pa. Para akong zombie na lumabas ng aking kuwarto at umibis papunta sa sala. Nalimutan ko na ang isuot ang aking saplot sa paa.

Nang makarating ako sa sala'y narinig ko ang TV. na nakabukas. Umaalingasaw din sa kinaroroonan ko ang pritong itlog na iniluluto ni Nanay.

Maya-maya'y may narinig akong nagsalita sa aking likuran,

"Magandang umaga, nak. Halika, mag-almusal ka na." pag-aaya sa akin ng aking ina papunta sa hapag.

"Sige po, nay. Maghilamos lang ako." sambit ko sa inaantok na tono. Parang kulang pa nga ang tulog ko. Kainis.

Pupungas-pungas akong dumiretso malapit sa kinaroroonan ng TV. at nagpasya munang sumilip sa palabas doon.

"Namataan kamakailan lamang ang isang 'unidentified flying object' na pabalik-balik sa himpapawid ng Astra City. Sinasabing ang bagay na ito ay 'di umano---" kinuha ko ang remote at inilipat sa ibang channel ang telebisyon. Ang boring ng balita. Peste. U.F.O.-U.F.O. Ano bang mapapala nila sa mga Alien na 'yan?

Bakit kaya hindi na lang nila ipaubaya sa mga scientist na nag-sasaliksik patungkol diyan sa heavenly bodies at mga extra terrestrial na nilalang na 'yan?

Wala naman silang mahihita diyan. Tsk!

Nang mailipat ko sa ibang channel ang TV. ay ganun din ang palabas. Puro balita patungkol sa U.F.O. na iyon.

Gahd! Wala na bang iba?

Ilang segundo pa'y bigla akong napatigil ng may bigla akong maalala patungkol sa nangyari kagabi.

Ang huling naalala ko na nangyari kagabi ay 'yung nag-wish ako sa isang shooting star, pagkatapos pumunta iyon sa direksyon ko. Tapos bumagsak 'yung bulalakaw na 'yun sa likod-bahay namin. And then, pinuntahan ko iyon at nakakita ako ng isang malaking bato na nagliliwanag na siyang hinawakan ko. Then may bigla na lang lumitaw na lalaking walang saplot sa harap ko at bigla na lang nanlabo ang aking paningin matapos nun.

Teka... Ang ibig sabihin, nahimatay ako kagabi? Sinong naghatid sa akin sa kuwarto ko? 'Wag mo sabihing...

...Iyong lalaki! Iyong lalaki kagabi na walang saplot!

Nanlaki ang mga mata ko nang maalala ko na lahat-lahat ng nangyari. Mabilis kong binitawan ang remote at nagmadaling lumabas ng bahay.

"Anak, saan ka pa pupunta? Mag-almusal ka na!" Sigaw ni nanay ng makita nya akong papalabas na.

"Opo, papatayin ko na lang 'yung TV!" sagot ko naman sa kanya pabalik. Alam ko na napakalayo ng sagot ko. 'Yun ay dahil natataranta na kasi ako.

"Ano daw?"

"Ewan ko po dun, nay." naguguluhan nilang wikang dalawa kasama ang kapatid ko na syang aking narinig bago ako makalabas ng bahay.

Agad kong tinungo ang likod-bahay namin upang tingnan kung naroon pa ba 'yung malaking bato na iyon. Malakas ang kutob ko na ibang nilalang ang lalaking nagpakita sa akin kagabi.

Nang marating ko ang kinaroroonan ng batong iyon ay nakita kong nandoon pa naman ito at mukhang hindi rin nagalaw. Tanda na nandito pa rin ang lalaki.

Unidentified Falling ObjectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon