Chapter 8

20 2 0
                                    

Unidentified Falling Object written by StupidAEros copyright © 2015

Alaala. Minsan nakapaloob sa litrato, kung minsan naman laging nasa ating isipan. Paano ko siya malilimutan kung lagi kong nakikita ang mga bagay na nagpapaalala sa kaniya? Kung sana, gano'n lang kadali ang pagbubura ng isang alaala na parang pagpo-format lang ng memory card ay baka nagawa ko na.

Ang kaso... Hindi. Hindi gano'n kadali, eh. Hindi ganoon sa buhay. Sa tuwing may bagay akong makikita na nagpapaalala sa kaniya, lagi na lang akong naluluha. Laging umiiyak. Napakatraydor ng luha, sa totoo lang.

Pain...

Siguro nga kirot at sakit lang 'to na dulot ng pang-iiwan sa akin ni Johann. CRYING is a natural response to PAIN, sabi nga nila. Kapag nasasaktan ka, iiyak mo. Hindi naman masama ang umiyak, hindi ba? Basta't siguraduhin mo lang na pagkatapos ng pag-iyak na iyon ay unti-unti nang maghihilom at mawawala ang sakit.

Sana, balang araw ay maalis ko na siya sa aking sistema. Sana, balang araw ay mawala na siya sa aking isip. At kapag dumating ang puntong iyon, alam ko na magiging malaya na ako. Makalalaya na ako sa nakaraang nagkukulong sa akin. Mawawala na rin ang bawat kirot, lungkot at sakit sa akin. Less luha na rin kung magkakaganoon.

I stared at her, sa aking nanay. At nakita ko ang nanggagalaiti niyang mukha. Pinalamlam ko ang aking mga mata upang magmakaawa na huwag na niya akong pagalitan.

Bakit ba siya nagagalit sa akin ngayon? Is there any problem?

"Andromeda, Sagutin mo ang tanong ko!" nagulat ako sa sigaw na iyon ni nanay. Bumalik bigla ako sa aking katinuan.

OMG... Kaya pala siya nagagalit! Ang bobotic mo, Meda.

"Sino ang lalaking ito?" pagtuturo niya kay Rigel na laging may masayang façade.

Oo nga pala... Kaya pala nagagalit si nanay! Oh, my...

"Um, 'nay, siya si—"

"Halika rito at magpaliwanag ka sa akin," wika niya sabay hila sa braso ko pagkatapos ay lumayo kami kina Rigel at Andeng na nananatiling nakatayo roon.

"Ano? Sino 'yon?" muli niyang usisa sa akin. Humalukipkip si nanay at tiningnan ako. Muling umakyat ang kaba sa aking katawan. Bumilis ang pagtahip ng aking dibdib.

"'Nay, siya po si—" Hindi na naman pinatapos ni nanay ang aking sasabihin, bagkus ay sumingit na naman siya.

"Anong sabi mo?! Bakit hindi mo sinabi sa akin?!" eh? Bakit galit na galit na kaagad si nanay? Shizzles!

"'Nay, pwedeng kalma lang muna? Wala pa kaya akong sinasabi." nakabusangot kong ani sa kaniya na overacting kanina.

"Ay, wala pa ba? Sorry naman." Tila napahiyang tugon niya at napatawa pa nang bahagya.

Meda, nahihibang na ang bawat miyembro ng pamilya mo. Umiwas ka na at baka mahawa ka pa!

"Anak, bakit naman hindi mo sinabi sa akin agad?" nagseryoso na naman ang tono ng boses ni nanay. Kung kanina'y natatawa pa siya, ngayon nama'y wala nang bakas ng ano mang saya at napalitan iyon ng pagkaseryoso.

"A-ang alin p-po ba, 'nay?" nauutal kong usig sa kaniya. Kunwari ay medyo naguluhan ako sa naging tanong ni nanay. Walang alam. Insosente.

"Bakit hindi mo sinabi? Bakit hindi mo ipinaalam na..."

"Na ano po?"

"Na may ganiyan ka palang kakisig na nobyo sa kuwarto mo! Hindi mo agad sinabi, edi sana napaghain ko siya ng meryenda! Napakasuwerte mo anak!" literal na nalaglag ang aking panga dahil sa sinabing iyon ni nanay. Kulang na nga lang ay pasukan na ng langaw ang aking bibig. Parang ayaw pang mag-sink in sa akin lahat ng sinabi niya.

Unidentified Falling ObjectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon