Chapter 19: What's His Name?

14 0 0
                                    


Unidentified Falling Object by StupidAEros copyright © 2015

CHAPTER 18: What's His Name?

Nagmulat ako ng mga mata dahil sa mga naririnig kong parang mga ibon. Mga ibon na nag-aawitan. Nakita kong nakahiga ako sa damuhan. Napansin ko rin na napakaganda ng lugar na ito. Napakaraming puno at ang berdeng damuhan ay napakaganda! Nakakamangha ang ganda ng lugar na ito.

Teka...nasaan ako? At anong lugar 'to?

Bumangon ako mula sa pagkakahiga sa damuhan. Sa aking paglalakad ay humaplos ang sariwang hangin sa balat ko na nanggagaling sa mga puno sa paligid.

Ang ganda naman dito! Napakatahimik at napakaaliwalas.

Nagpalinga-linga ako sa paligid at nakitang may bench mula sa 'di kalayuan. May nakaupo doon na parang naghihintay yata. Dahan-dahan akong naglakad papunta sa taong iyon. I think lalaki siya dahil na rin sa ayos niya ngayon.

Pagkalapit ko doon ay nakasalumbaba lang siya, nakapatong ang dalawa niyang siko sa magkabilang kandungan niya. Nakatungo lang siya at hindi ko alam kung ano bang iniisip niya. Sino ba 'to?

"Uhm...hello?" panimula ko sa kanya. Doubted pa ako sa pagbati na ginawa ko. Eh, sa nahihiya ako, bakit ba?

Nag-angat naman itong lalaking nakaupo ng ulo at parang gulat na tiningnan ako.

"Oh, nandiyan ka na pala." sabi niya na parang ako ang talagang hinihintay niya.

Wait...namamalik-mata ba ako? Totoo ba itong nakikita ko? Hindi ba 'to imagintaion lang? Seryoso? Nakakapagsalita na si Rigel?! O to the M to the G! Holy Carrots! Si Rigel ba talaga 'tong nakaupo at nagsasalita? Hinihintay niya ba talaga ako?

"Bakit hindi ka na nagsalita? May problema ba?" pamumuna niya sa pananahimik ko. Napakurap-kurap naman ako ng mata dahil sa kanyang sinabi. Inalog-alog ko ang aking ulo para maka-get over na sa pagka-shock.

"A-ah, w-wala!" sorry naman... Hindi lang talaga ma-take ng baby brain ko ang nangyayari ngayon. Hindi niya lang matanggap na ang hot ng boses ni Rigel—sandali, Meda, mahalay ka na naman!

Sandali akong napatingin sa suot niya and, oh... ang hot niya sa suot niyang polo! Take note, blue polo na naka-unbuttoned ang dalawang butones!

Lord, sana po pigilan ako ng konsensya ko at baka kung ano po ang maganap ngayon dito! Hindi ko na po kinakaya.

Tumayo siya at saka unti-unting lumapit sa akin...

"Is there any problem?" parang nakuryente ako ng mga maliliit na boltahe sa katawan ko nang sandaling magsalita siya at dumampi sa mukha ko ang init ng hininga niya.

Shet! This creature in front of me...iz zo deym hawt! Ang bilis ng heartbeat ko!

Hinawakan naman niya ang mukha ko na siyang naging dahilan naman nang mas lalong pagbilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko na kaya! Parang anytime yata...bibigay na ang tuhod ko!

Pumikit naman siya at saka dahan-dahang inilapit ang mukha niya sa mukha ko. Ghad, ano pong nangyayari ngayon? Ano po ang ginagawa ng nilalang na nasa harap ko? Bakit po siya ganito?

At sa hindi malamang dahilan ay napapikit din ako at inilapit din ang mukha ko sa kanya.

Bakit ganito?! Bakit parang nawawalan na ako ng kontrol sa sarili ko? Dala ba 'to ng hotness ni Rigel?

Maya-maya, naramdaman ko na lang na naglapat ang labi ko at labi niya. Parang tumigil na naman ang oras dahil doon. Ganoon lang ang posisyon namin ng ilang minuto.

Unidentified Falling ObjectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon