Chapter 19: What's His Name, Again?

17 0 0
                                    


❝Unidentified Falling Object❞ written by StupidAEros copyright © 2015

Chapter 19: What's His Name, Again?

"Ano ba naman 'to!" naibulong ko na lang out of the blue. Inis na inis ako ngayon. Nabubuwisit ako kahit thankful ako kanina na may nagsauli ng ID ko pero... Ugh! Naiinis talaga ako. Wala na, ininis na ako ni Natalie. Kung bakit kasi hindi siya pumasok ngayon. Wala tuloy akong makausap. Ako lang yata ang loner ngayon sa room. Wala na nga akong katabi, wala pang kausap. Ang saya, 'di ba? Mabuti na lang at malayo 'yung dalawang damuho mula sa puwesto ko.

Usually kasi kapag vacant namin, tatabi si Natalie sa akin para makipagdaldalan kaya lang... Wala siya ngayon, eh. Kaya mapapanisan ako ng laway.

Natalie! Pumasok ka na, please?

Hindi naman kasi ugali ni Nat ang um-absent. Ewan ko ba kung bakit 'di pumasok 'yun ngayon. Hindi naman niya nasabi.

"Okay, class. Take your seats." sabi nung Teacher namin na bigla na lang pumasok. Nagmadali namang umupo 'yung ibang nakatayo at pagala-gala sa room. Ako naman, umayos lang ng upo. Nakasalumbaba ako kanina, eh.

"Okay, Before we start to our lesson, I have something to announce." nakatingin lang kami kay Sir Okay at nakapokus ang mata. Hilig kasi niyan ang mag-'Okay' sa simula ng sinasabi kaya nabansagang "Sir Okay" 'yan.

Ano naman kaya ang announcement ni Sir?

"Sir, Ano po 'yun?" nagtaas ng kamay 'yung isa kong classmate at saka nagtanong.

"Okay, there's a new transferee here in our school and he will going to introduce himself first before we proceed to our lesson for today. Come in, mister." anunsiyo ni Sir at saka pinapasok 'yung nasa labas.

Ah... Transferee lang naman pala. Pero wait, "He"? Lalaki? Sino naman kaya? At saka, anong buwan na ngayon, ah? Puwede pa pala ang transferee? Ang weird...

Bigla namang may pumasok na lalaking singkit—wait, I know him! Kilala ko siya! Si kuyang nagsauli ng ID ko! Teka...transferee siya dito?

"Okay, mister. Kindly introduce yourself to the class."

"Okay, sir." Nahawa na rin yata siya sa pag-okay ni Sir.

"Hi, everyone. Uh... I'm Eros Guevarra. For the ladies, you can call me babe. And for the guys, call me Eros." 'tapos napakamot siya sa batok at saka kumindat sa klase. Mukhang kinilig naman 'yung ibang babae sa room dahil sa ginawa niya. Mga pabebe. Sumusingkit na naman 'yung mata niya dahil sa pagngiti na ginagawa niya.

Eros pala ang name niya. Akala ko naman Russ or Earl. Nakupo, magtanggal ka nga ng mga dumi, Meda, sa tainga. Malala ka na!

Pero...why do I have this feeling na... Playboy 'tong lalaking 'to? Galawan din nito, eh. Magpapakilala lang naman siya.

"Okay, you may now take your seat, mister Guevarra."

"Yes, sir." sabi niya at saka nagpalinga-linga sa paligid. Hahanap yata ng mauupuan. Huminto naman 'yung mata niya sa gawi ko at gulat akong naituro. Ngumiti naman ako at saka tinuro ko naman 'yung upuan na nasa left side ko. No choice, mukhang ito na lang naman yata ang puwede niyang maupuan, eh. Bukod doon sa upuan ni Nat. Mabait naman ako kaya ayos lang ang may seatmate ang gorgeous na katulad ko. Kahit first time ko palang ang magkaroon ng katabi na lalaki pa.

Dumiretso naman siya papunta sa gawi ko at saka umupo. Sinabit niya 'yung backpack niya sa kaharap niyang upuan. Tiningnan niya ako at mahinang nagsalita para hindi marinig ni Sir.

"So, you're here too, Miss Andromeda." nakangiting bungad niya nang makaupo na sa tabi ko.

Kinabahan naman ako. Ngayon lang kasi ako magkakaroon talaga ng katabi, simula kasi nung first day wala naman akong nakatabi dito. And take note, lalaki pa. Si Johann nga hindi ko nakakatabi noon kahit nung—aish! Disturbing thoughts!

Unidentified Falling ObjectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon