Chapter 16: Who Are They?

15 0 0
                                    


Unidentified Falling Object written by StupidAEros copyright © 2015

Isang maaliwalas at payapang gabi ang mailalarawan ng mga oras na iyon. Ang mga tao sa bawat tahanan ay nasa loob na at nagsisipag-tulog na rin. Ang tunog ng mga kuliglig ang tanging maririnig sa paligid. Ang ilaw ng buwan at ng mga bituin ang nagsisilbing liwanag ng kalsada.

Kumislap ang langit. Isang bagay mula sa kalawakan ang biglang bumulusok paibaba at bumagsak sa lupa. Ang bagay na iyon ay nagliliyab nang bumagsak na ito. Ang usok na nilikha nito ang siyang nagpalabo sa naturang lugar. Napakahol ang mga aso dulot ng ingay na ginawa noon.

Maya-maya, ito ay bumukas. Ang bagay na hitsurang batong iyon ay bumukas. Mula sa loob noon ay lumabas ang isang nilalang...

Umilaw ang berde nitong mga mata. Naglakad ito palabas mula sa bagay na kanyang pinanggalingan. Walang saplot at tanging ang matipuno nitong katawan lamang ang nakabalandra. Tiningnan nito ang paligid at sinuri iyon gamit ang mga mata nitong kakaiba. Tila ini-scan nito ang lugar.
Matapos pasadahan ng mata ang paligid gamit ang umiilaw nitong paningin ay nagsalita siya gamit ang bagong lingguwahe na natutunan niya.

"Nandito na ako, lord Betelgeuse. Ito na ang lugar." anito habang hawak ang isang bagay na tila hologram at kausap ang isa ring nilalang na naroon.

"Įÿąń ńą bą äńg mùńđö ńg mgä môřťäł?" tanong naman ng nilalang sa kanya sa ibang lingguwahe. 'iyan na ba ang mundo ng mga mortal?'

"Ito, Ito na nga. At sigurado ako na nandito rin ang taga-Cydonnia. Kailangan kong mahanap ang aking misyon upang matapos na ito." sagot nito na parang nawawala ang emosyon. Tumawa naman ang nasa kabila.

"Mâgäľîńg, šïgë háńâpįń mø ńą šį X90. Käïłâńgąń ną äńg mâťąpôš ąńg ïÿöńg mįßÿõń. Gãÿūñđįń ßî Bęłĺãťřïx." utos nito sa kanya matapos ang pagtawa. 'magaling, sige hanapin mo na si X90. Kailangan na ang matapos ang iyong misyon. Gayundin si Bellatrix.'

Sinagot naman niya ito. "Sige, lord Betelgeuse. Masusunod." pinatay na nito ang hologram at saka naglakad-lakad. Dinala ito ng mga paa niya sa isang bahay. Muli siyang nag-scan, ilang saglit lang ay kumuha ito ng dalawang piraso ng damit na nakasampay sa isang bahay. Gamit ang mga mata ay pinalutang niya iyon at sa isang kisap-mata lang ay nakasuot na iyon sa kanya. Bumagay ang isinuot nito sa sarili. Naglakad siya palabas ng kalsada.

Sa kanyang paglalakad ay may humarang sa kanyang isang lalaki.

"Ilabas mo ang kung ano mang mayroon ka, brad. Kung ayaw mong malagutan ng hininga ngayon din mismo!" anito habang may itinututok na patalim sa nilalang.

Hindi naman siya pinansin nito at naglakad. Blangko lang ang nasa mukha ng nilalang na iyon. Nilagpasan lamang siya nito.

Nainis siya dahil sa inasal no'n. "Aba, punyeta. 'Wag mo akong tatalikuran, brad. Kung ayaw mong gawan kita ng gripo ng dugo diyan sa tagiliran mo!" Sigaw na nya dito. Inis na inis siya sa ginawang pagtalikod nito sa kanya. Mas itinutok pa nito ang kutsilyong hawak sa tiyan.

"Ano? Hindi mo ilalabas ang pitaka mo?" nakangisi niyang wika. Nakatutok pa rin ang patalim niya dito. Ang buong akala niya ay matatakot niya ito.

Umilaw bigla ang mga mata ng nilalang, mabilis siyang nawala sa paningin ng lalaki. Namalayan na lang niyang wala na ang hawak niyang kutsilyo at sa sariling leeg na niya mismo iyon nakatutok. Nasa likod na niya ito. Kinabahan siyang bigla at nanlaki ang mata pero hindi siya nagpatinag. Ngumisi siya at nagsalita.

"Akala mo matatakot mo ako, brad? Sige lang. Gilitan mo—" naputol ang dapat sanang sasabihin niya nang agad siyang likhaan ng hiwa sa leeg. Nanlaki ang mga mata niya at napaawang ang bibig. Dahan-dahan siyang napabulagta sa sahig at nalagutan ng hininga.

Unidentified Falling ObjectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon