Kabanata 4

6.9K 153 5
                                    

Kabanata 4
Training


Class went well this time. Hindi ko na rin inabala ang sarili na maasar sa grupo nina Rex. It's because I have more important things than that.

It's Friday, hindi ko alam kung bakit kahit limang araw na ang nakaraan ay hindi parin maalis sa isip ni Denice ang nangyari sa concert. She was so disappointed. I am not sure if she's mad. Siguro kung hindi ko siya pinigilan ay siya ang nauna roon. Imbes kasi na makalapit agad ay nagtalo pa kami sa pagiging weirdo ng concert na yon.

"Thoughts?" tanong ko sa kaniya. Nakabusangot ang kaniyang mukha.

"Kasi 'di ko man lang nayakap si Jeyl. It's because... If only you..." tumigil siya at ayaw ng ituloy ang sasabihin.

"Kung nakatadhana talaga kayong magkalapit at magkausap, magkikita't magkikita parin kayo," iyon nalang ang nasabi ko. I don't want to blame myself. Pinigilan ko siya dahil iyon ang tingin kong dapat gawin. I want the both of us to be safe. Iyon lang ang ginawa ko.

I've been training everyday. Kada uwian ay diretso agad ako papunta kay Papa. Nasanay na rin ako na ganoon ang ginagawa. Sanay na rin sa sakit ang katawan ko. These days, we're more on physical fighting.

I am still not confident but then bukas na iyong laban na gaganapin. I hope na manalo kami. May kasama naman ako bukas kaya medyo napapanatag ako. Sabi ni Papa ay ang magagaling niyang tauhan ang ipapasama niya sa akin.

Kasalukuyan kaming nasa loob ng cafeteria. Nagbulungan ang ilang babae at pasimple ang sulyap sa grupo nina Rex na papasok palang.

Iniwas ko ang mata ko nang saktong magtama ang mata namin. Why the hell whenever we're in the cafeteria, I'll always met his gazed.

Akala ko ay nagkataon lang pero nang maramdaman ko ang presensya nila sa likod ko ay napagtanto kong may iba silang pakay.

After weeks of not getting pissed towards him, ngayon ay mukhang babalik iyon.

"Move, that's our place." Ang mababa at mayabang na boses na iyon ay nagpakulo ng dugo ko.

Our place. Just wow. Hanep.

"This school isn't your property o sabihin na nating kahit ang cafeteria'ng ito," I blurted out. Gusto kong mapahiya siya kagaya ng ginawa niya sa akin noon.

Kung may ganito kaming paaralan na pagmamay-ari hindi ko hahayaan ang ganitong klase ng mga taong makapasok.

"Bess, halika na umalis na tayo," bulong ni Denice. I can feel that she's scared. Hindi ko lang maintindihan kung bakit kailangan pang matakot.

"Hindi pwede na basta-basta na lang nila tayo paaalisin. Tayo ang nauna kaya sila ang dapat na maghanap ng ibang upuan," I said not looking at her but looking at the groups direction, particularly to Rex. Napangisi ang isang lalaki na kasama niya.

Ang mga babaeng nagbubulungan kanina ay nanahimik at nanonood sa amin. I actually do not want so much attention but he's making me lose my temper.

"Now," he demanded. Peke akong tumawa. Hindi ako tumayo dahil akala ko'y isang utos sa amin ang sinabi niya pero hindi pala.

"What the! Bitawan nyo nga kami!" pagrereklamo ko at nagpupumiglas pa. He's friends just pulled us up to move! Nang makatayo kami ay napailing nalang ang isa sa kanila at sinenyasan kaming sa kabila lumipat.

Halos umusok ang ilong ko sa galit. Tinahimik ko nalang ang bibig dahil ayaw kong may masabing masama.

Umupo kami sa kalapit lang nilang table. I am not sure if it's really their table o sadyang gusto lang nilang mang-inis. Thinking about it makes me realized that their leader Rex was so childish and arrogant. Parang batang kulang sa pansin, na spoiled, at kung anu-ano pa.

Unveiling the Secrets of the Innocent PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon