Kabanata 47

4K 83 3
                                    

Kabanata 47 ~ Knife

Kagabi ang isa sa pinakamasayang araw.

No'ng sinabi ko kay Rex na R.A. na lang itatawag ko sa kaniya dahil sa Really Attractive ay pumayag na siya kaya lang may gusto siyang gawin ko.

'Call me R.A but don't you ever call him M.P.'

Okay lang naman sa'kin.

At may good news din ako sa inyo dahil pupunta siya rito ngayon!

Sasamahan niya ako dumalaw kay Denice. Tapos na naman ang klase kaya pwede nakaming dumalaw.

Magse-seven na naman.

Nakapag-ayos na ako at hinihintay ko na lang siyang dumating. Dito ako nag-aantay sa gate namin.

Pagkalipas ng mga walong minuto ay may pumaradang isang magarang kotse.

Ulala! Mas sizzling hot ang isang 'to. Shems... Ang gwapo niya sa suot niyang polo na bumagay sa shades niya. Mas gwapo pa sa lahat ng artistang kilala ko.

"Hi!" bati ko.

"Kanina ka pa naghihintay?" tanong niya.

"Hindi naman." tugon ko.

Lumapit na ako sa kaniya at pinagbuksan niya na ako ng pinto ng kotse niya.

Tinaggal niya na 'yong suot niyang shades.

"Bakit mo tinanggal?" taka kong tanong.

"Gabi na, hindi ko pati makita ng malinaw ang mukha mo." aniya.

Napangiti naman ako sa sinabi niya.

Nag-drive lamg siya ng nag-drive. Baka mabangga kami kapag hindi siya tumuon sa minamaneho niya.

Nang tumigil na kami sa MH ay bumaba na lang ako mag-isa. Ayoko namang paikutin pa siya para lang pagbuksan ako. Anyway may kamay naman ako 'di ba?

Pumasok na kami sa loob at inakbayan niya ako bigla.

Mahilig mang-akbay ang isang 'to.

Lumakas ang tibok ng puso ko hindi dahil sa kalapit ko si Rex kundi dahil sa nakita ko.

Tumkbo ako papunta kina Lola Gregor at Lola Denny. Naiyak sila? Anong nangyari? Marami ring mga police.

"Ano pong meron?" kinakabahan kong tanong.

"Hija. W-wala na siya. I-iniwan niya na tayo."

"Po? Hindi ko po kayo maintindihan?" nag-uunahang tumulo ang mga luha ko. P-paano?

Kahit intinding-intindi ko ang sinabi ni Lola Denny, ayaw intindihin mg buong sistema ko.

May yumakap sa likod ko. Humarap ako sa kaniya at sa mga bisig niya umiyak.

Ano bang nangyari?

"Ano po bang nangyari?" rinig kong tanong ni Rex kay Lola Gregor.

"Bumili lang kami saglit para bumili kasi tulog naman siya. Kaya lang no'ng oras na papakainin na namin siya. Nakita na lang namin siya na nakahiga sa sahig habang duguan. May nakasaksak sa kaniyang kutsilyo na hindi namin alam kung saan nanggaling. Ang sabi ng mga pulis maaaring siya ang sumaksak sa sarili niya dahil ilang beses niyang sinubukang maglaslas gamit ang tinidor. Pero ngayon, paano siya magkakaroon ng kutsilyo? Saan iyon nanggaling? Nang malaman namin na sinusubukan niyang hiwain ang tinatawag niyang steak ay pina-check na namin lahat at siniguradong walang ibang matutulis o matitigas na bagay ang maiiwan."

Steak? Iyon ang tawag niya sa pala pulsuhan niya.

Alam kong basang-basa na ang polo niya pero ayaw pa rin talaga tumigil ng walang hiya kong luha.

No'ng medyo tumahan na ako ay kumalas na ako sa pagkakayakap kay Rex.

Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Dad.

"Hello?" ani Dad

"A-ako 'to, si Freya, Dad. " pakilala ko.

"Anong nangyari? May problema ba riyan?" panigurado akong narinig niya ang pagsinghot-singhot ko rito.

"Mamaya ko na po sasabihin. Siya nga po pala, 'yong favor ko po about sa nanay ni Denice. Okay na po ba?" ako

"Yeah, kailangan mo na ba ngayon?" Wika ni Dad.

"Opo, may nakuha ba kayong number?" tanong ko.

"Oo, 'yon lang ba? Nakuha ko 'yon sa kompanyang pinagtratrabahuhan niya. " wika niya.

"Yes, send niyo na lang po. Thank you, Bye." sabi ko at tinapos na ang pag-uusap namin.

Ilang segundo ang makalipas ay natanggap ko na 'agad ang number ng nanay daw ni Denice.

Kung siya talaga ang nanay ni Denice ay dapat pumunta siya kahit hindi importante ang sasabihin ko.

Tinawagan ko na 'yong number na 'to.

"Hello, this is Mrs. Longgares. Who's this?" tanong niya.

Longgares? Apelido 'yon 'di ba?

"I'm Freyazia, Denice Sanchez's friend. Pumunta po kayo rito sa **** Mental Hospital dahil may mahalagang bagay kayong dapat na malaman." sabi ko.

Pinatay ko na ang tawag. Katulad ng sabi ko, kung siya ang nanay ni Denice ay dapat lang na pumunta siya mahalaga man o hindi.

"Kinausap ko po ang nanay ni Denice. Sinabi ko pong pumunta siya rito." sabi ko sa Lolo't lola ni Denice na nakatingin sa akin.

"Pupunta ba siya?" ani Lola Denny.

"Siguro po, hintayin na lang natin siya." wika ko.

Hinintay namin siya habang nag-iinbestiga pa rin ang mga pulis.

"Anong nangyari?" natuon ang atensyon ng lahat sa babaeng nagsalita.

"Mrs. Longgares?" tanong ko.

"Yeah, where's my daughter?" tanong niya na kita ang pag-aalala sa mukha.

"S-she's dead." Napaupo siya sa lupa dahil sa narinig niyang salita na lumabas sa bibig ko.

"N-no..." nahihirapan niyang sabi. Itinayo siya ni Lola Denny at dinamayan.

Kinuwento namin sa kaniya ang lahat at hindi niya ito matanggap. Katulad ko ay sinisisi niya rin ang kaniyang sarili kung bakit nawala si Bessy. Kaya lang nagdadalawang isip parin ako dahil may pilit na sumisingit sa utak ko na kailangan ng kasagutan.

"If she's your daughter, why did you choose to give Princess Freyazia as her name? And same as my birthday?" tanong ko.

Mas lalo siyang humagulgol sa tanong ko.

"Lubog na lubog ako ng araw na 'yon. Iniwan niya kami ng anak ko. Hindi ko alam kung paano ko siya bubuhayin. Wala na akong magulang, walang kilalang kamag-anak at walang kaibigan. Namamalimos ako para may pang paaral sa kaniya paglaki niya kahit hindi na ako kumain. Kaya lang kapos na kapos na talaga. Nang natutulog kami sa simbahan may lumapit sa aking isang lalaki. T-tutulungan niya raw akong maging maganda ang buhay ng anak ko. Naging masaya ako sa desisyon ko pero pinagsisisihan ko sa huli. Bibilin niya raw ang anak ko. Bukod sa gaganda ang buhay niya ay ganoon din ang sa akin." huminga muna siya ng malalim bago ituloy ang kwento.

"Pumayag ako at inabot niya sa akin  ang papel na 'yon. Nagsasaad ito ng fake identity. Sinabi niya na gaganda ang buhay ng anak ko dahil siguradong mayaman ang kukupkop sa kaniya kung iiwan ko siya sa Village ng Caviezel at binigyan niya rin ako ng pera bilang panimula. Binantayan ko naman siya hanggang may kumuha na sa kaniya. Matagal ko siyang hindi nakuha kasi naisip ko na mas maganda ang buhay niya sa inyo." naiiyak niyang kwento.

"Si-sino po 'yong bumili sa kaniya?" tanong ko.

"It's..."

Unveiling the Secrets of the Innocent PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon