Kabanata 58

3.3K 74 2
                                    

Kabanata 58 ~ Worst

Umuwi ako sa bahay at nahiga na 'agad sa kama.

Sinungaling siya.

I hid my face on my pillow and started crying.

"Princess?" I think that's kuya Zein. Buti na lang na i-lock ko ang pinto.

"Bakit?" tanong ko na pinipigilan ang paghikbi.

"Buksan mo'to. Alam ko kung anong problema mo." ani kuya.

"Okay lang ako, huwag ka ng makulit kuya." Sabi ko.

Umalis na nga yata siya dahil sa sinabi ko.

Bwisit 'yong Rex na 'yon. Hindi na ako magtitiwala sa kaniya. Fiance? Two timer siya! Makikipag-break na ako sa kaniya.

**

Kinusot-kusot ko ang mga mata ko na basa pa rin hanggang ngayong umaga.  Namamaga pa ang mata ko. May pasok pa naman. Malapit na magbakasyon kaya konting tiis nalang.

Inayos ko na ang mga kakailanganin ko. Hinanda ko ma rin ang susuotin kong shades mamaya.

Pagkatapos ng lahat ng gawain ay bumaba na ako at hindi nagpaalam kina Mama. Magko-commute na lang siguro ako. Medyo sanay na rin naman ako.

Pagpasok ko sa school ay nakatingin sa akin ang ibang estudyante. Mukha siguro akong tanga sa shades na 'to. Hindi naman kasi ako nasa beach o 'di kaya ay artista kaya bakit kailangan ko pa ng ganito? Tsk, bahala na nga sila.

Pumasok ako sa room at take note! Sa unahan ako umupo kung saan may vacant seat.

Wala pa naman siya pero ayoko lang na kalapit ko siya pagdating niya. Mamatay na sana siya.

Ilang oras na akong naghihintay sa kaniya. Fine, hinihintay ko parin 'yong kumag na 'yon.

Dumating na ang recess at lahat wala pa rin! Leche, mukhang sumama na siya sa impokritang babaeng iyon.

Magdamag akong hindi nakinig sa klase. Mabuti na lang hindi nila pinupuna 'tong shades na suot ko.

Pagkatapos ng uwian ay dumiretso ako sa mall sa McDo. Bumili ako ng malaking fries at isang burger with drinks.

"Hi!" bigla may sumulpot na isang lalaki sa harap ko.

Tumingin lang ako sa kaniya.

"Pwedeng maki-upo?" tanong niya.

"Sorry pero 'wag ako ang pagtripan mo." sabi ko at pinagpatuloy ang pagkain sa burger.

Tinaasan ko siya ng kilay ng umupo siya sa harap ko.

"Im Kierilyn." tinititigan ko siya ng may kunot sa noo.

"Bakit pangbabae ang pangalan mo?" curious kong tanong sa kaniya.

He just smiled.

"My friends call me Kier. I'm a lesbian."

"Seryoso?!"

Napatakip ako sa bibig ko dahil sa lakas ng boses ko.

Hindi ako makapaniwala. Mukha siyang lalaki tapos gwapo pa. Mas gwapo pa nga siya sa ibang lalaki na kakilala ko, e. Hindi mo talaga malalaman na tomboy siya kasi 'yong boses niya ay malalim.

Nakakahiya! Sinabi ko pa naman sa kaniya na huwag ako ang pagtripan niya. Anyway malay mo may balak nga siyang pag-trip-an ako.

"Hoy ikaw! Hindi ako naniniwala, imposible! Ano 'yon nagparetoke ka ng lahat para maging tunay na lalaki?" tanong ko sa kaniya.

"Edi 'wag, basta I'm telling the truth." he said. Ay putek! She said pala.

Ayon na nga. Medyo nawala sa isip ko si Rex at nabawasan ang lungkot ko.

Niyaya niya akong manuod sa sinehan. Palabas na kasi ang favorite niyang pinagbibidahan ni Vice Ganda. Libre niya raw, aba dapat lang dahil siya ang nag-aya.

Nag-enjoy naman ako sa pinanood namin kahit medyo nakakangawit sa puwet. Ikaw ba naman maupo ng halos dalawang oras na walang tayuan.

"Grabe, sobrang nakaka-enjoy!" masaya kong sabi.

"Uhu, parang kanina lang ang sama ng tingin mo sa akin tapos ngayon ngingiti-ngiti ka riyan." ani Kier.

"Alangan masaya tapos hindi ngumiti? Sentido komon naman!" paliwanag ko.

"Yeah, bahala ka." Aniya.

"Grabe ang saya 'no? Sana 'wag ng matapos ang araw na ito. Nasa akin na lahat. Ikaw lang sapat na. " rinig kong sabi ng isang babae sa may likuran namin.

Tss...corny mo ate.

Hinila ko na si Kierilyn para maiwas sa mga mako-corning nilalang sa mundo.

"Kain tayo!" suggestion ko.

"Kakain lang natin kanina,  kakain na naman?! Buntis ka ba?" siya.

Napasimangot na lang ako bigla. Feeling ko maiiyak na naman ako. Kasi si...

Bumalik ulit ako sa tamang pag-iisip at nagkunwaring walang problema. Tama, pagkukunwari lang ang kaya ko sa ngayon.

"Hindi 'no! Gutom lang talaga ako. " saad ko.

Kumain kami sa isang restaurant at ako naman ang nanglibre sa kaniya.

Pagkatapos namin kumain ay nag-ikot-ikot ulit kami dito.

"Katulad nga ng sabi ko kanina na ikaw lang masaya na ako. Huwag mo kong iiwan ha?" halos takpan ko na ang tenga ko sa narinig.

'Yong totoo kailan pa 'to matatapos?

Nasa likuran na naman namin ang babaeng nagsabi nito.  Hindi kaya sila rin 'yong couple sa sinehan?

Naisipan kong humarap para pagsabihan 'yong babaeng 'yon. Talagang pagsasabihan ko 'yon dahil masyado ng masakit sa tenga ang mga lumalabas sa bibig niya. Wala akong pakialam kahit na pagsabihan ako at ipagtanggol siya ng boyfriend niya.

"Ikaw! Tumahi—Oh... Kayo pala.  I see, siya nga pala kamusta na kayo? Balita ko malapit na talaga kayong ikasal. Anyway this is my friend, Kier." nakangiti kong sabi sa kanila.

Coincidence!  Ito na siguro ang tinatawag nilang tadhana.

"Yes, I'm Kier. Hindi lang ako basta kaibigan ng Baby ko. Ang totoo niyan, nililigawan ko rin siya." hindi ko nagawang tumutol dahil hinawakan ni Kier ng mahigpit ang kamay ko at nakita kong masama ang tingin ni Rex.

"Tss. Talaga lang ha? May tao pa palang nuuto ang pangit na babaeng 'yan.  Kung ako sa'yo makipag-break ka na dahil manloloko 'yan." ani Rex at hinila na si Madison palayo.

I wipe my tears na unti-unti na palang tumutulo matapos ang pag-alis nila.

Bakit parang wala na siyang pakialam sa akin at sinabihan niya pa ako na manloloko. A-ako pa?

I heard my self sobbing. And then someone hug me.

"Shh. Everything will be fine. Siya nga pala kanina pa tayo magkasama tapos hindi ko pa alam ang pangalan mo." alam kong pinapatawa niya lang ako pero hindi ko magawang tumawa ni ngumiti.

"Sorry... I'm Freyazia just call me Freya." Mahina kong sabi.

I think hanggang dito na nga lang talaga kami. Hindi manlang ako nagawang ipaglaban ng mahal ko at isa lang ang ibig sabihin n'on. Hindi niya na ako mahal or worst hindi niya ako minahal.

Unveiling the Secrets of the Innocent PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon