Kabanata 32

4.9K 106 0
                                    

Kabanata 32 ~ Bonding

Pagkagising ko sa umaga ay tulala pa rin ako.

Pangalawang araw ko pa lang dito.

Nasaan na kaya si Papa? Sinaktan kaya nila siya?

Tumayo ako sa pagkakahiga.

Naninibago pa rin ako. Sa pagtawag sa kanila ng Dad, Mom, Kuya at ang pagtawag ng iba sa akin ng Princess or Freyazia.

Sabi nina Mama ay bibili kami ng mga gamit ko. Mga damit, short, under wear, gamit sa kwarto at etc.

Sinabi ko na rin kay Kuya Zein kagabi na sabihin niya sa akin ang nangyari no'ng isang araw. Pumayag naman siya at ngayon ko malalaman.

Ginawa ko na ang mga dapat gawin tuwing umaga.

Bath tub?! Yay! First time ko ang lulublob dito. Dati kasi hanggang shower lang ako.

Binuksan ko na 'yong tubig. Tap water. Nilagyan ko ng mga kung anu- anong pangpabula. Malay ko ba kung ano'ng dapat na ilagay diyan.

Nagbabad ako ng pagkatagal-tagal.

First time. Kaya hindi niyo ako masisi kung magtagal ako.

Pagkatapos ng mga 'yon ay bumaba na ako. Pinahiram muna ako ni Mama ng Damit at short, nagpabili rin muna kami ng undies kay Yaya. Na-miss ko tuloy bigla si Yaya Ming. Bago ko pa lang sila ulit makakasama tapos mahihiwalay na naman sila.

Kasya naman sa akin 'yong damit ni Mama. Kung titingnan mo kasi hindi halatang magsisingkwenta na sila.

Nasanay na rin ako na Mama at hindi Mom pero awkward kapag tinawag ko siya.

Pagkababa ko ay naabutan ko si Mama sa kusina.

"Nasaan po sila Kuya?" tanong ko.

"Pababa na rin sila. Sabi ng kuya mo sasama raw siya sa pagpunta natin sa Mall." ani Mama.

Pagkadating ni Kuya ay kumain na kami. Sabi nila ay wala raw si Dad dahil inaasikaso ang tungkol sa pagkuha sa akin ni Papa.

"Naniniwala po ba kayo na ako talaga ang anak niyo?" tanong ko kay Mama.

"Oo naman. Hinding -hindi magkakamali ang kuya mo. At isa pa nararamdaman ko na ikaw talaga 'yon. Tingnan mo nga, o. Parehas tayo ng mata. No'ng baby ka pa ay hindi ka man lang namin nakuhanan ng picture. Hindi ko na tuloy maalala ang itsura mo. Nalimutan ko na rin ang mga mata mo. Sa katandaan siguro." kwento niya.

"Huwag po kayong mag-alala. May mga picture po ako pero nasa bahay po kaya lang hindi ko alam kung makukuha ko pa." malungkot kong sabi.

"It's okay." Aniya.

Nagtanong lang ako ng nagtanong tungkol sa mga birthday nila, favorites, mga kamag-anak. At dahil sa nabanggit ko 'yon ay papapuntahin nila ang mga tita, tito at nga pinsan ko para makita ako.

"Tara na sa Mall." yaya ni Mama.

Sumakay kami sa kotse ni kuya. Buti pa si Kuya may kotse na. Hindi kaya, kaya ayaw ako bigyan ni Papa ng kotse dahil masasayang lang ang pera niya para sa isang hindi niya kaano-ano?

Siguro nga.

Pagdating namin sa Mall hindi ko naman alam sikat din pala ang kuya ko. Sigaw dito, sigaw doon.

Una kaming pumunta sa botique ng friend ni Mama Liz.

Nasayahan siya ng makita ako kasi alam niya raw ang totoong nangyari. Kaya iyon libre lahat ng mga damit ko.

Kung anu-ano ang pinapasukat nila sa akin. Nakakapagod...

Pagkatapos ay kumain na kami sa Jollibee! Binabalikan ang pagkabata.

Umuwi kami ng pagod na pagod.

Nagpahinga lang ng konti at dumiretso ako sa kwarto ni kuya kahit medyo nahihiya pa.

Kumatok ako at automatic na nagbukas. Talagang lumalawak na ang kagalingan natin sa technology.

"Yes, maupo ka dito." umupo ako sa kama sa tabi niya. Magkaharapan kami, naka-indian sit. Nanonood siya ng t.v. ng dumating ako.

Tumango na lang ako na pahiwatig na simulan niya na ang kwento.

"'Wag kang mag-alala hindi naman namin siya sinaktan. Hinagisan siya ni Ren ng pangpatulog. Isang maliit na parang karayom na siya mismo ang nag-inbento. Unti-unti siyang nakatulog. Samantalang ang mga kasamahan niya ay kinalaban namin. Ang pampatulog na iyon ay panandalian lamang—Five minutes, 'ata. Pupuntahan ko na sana si Emmiel ng isa sa mga kasama niya ang sumugod sa akin. Hindi naman maasikaso ng iba si Emmiel dahil isa-isang nagdatingan ang iba pa niyang kasamahan. I guess isa sa kanila ay tumawag para humingi ng tulong. And then no'ng tapos na naming kalabanin ang lahat. Emmiel was gone... Tumakas siya." Kwento ni kuya.

Hindi ko gusto na masaktan si Papa kasi siya ang naging kasama ko sa mahabang panahon pero mali ang makatakas siya.

Pagkatapos ng kuwentuhan namin ay sabi niya mag-bonding daw kaming magkapatid. Hindi ko akalain na magkakaroon ako ng kapatid. Dati rati ay gustong-gusto ko ang magkaroon ng kuya, ate or mas bunso sa akin para hindi maungkot sa bahay. Ngayon ito na.

Kung anu-anong ginawa namin. Ang pinakamasaya ay 'yong naganap na tanungan.

"May gusto ka ba kay Doctorang maganda at sexy? Ka-age niyo lang 'ata siya 'di ba?" tanong ko.

"Kasing edad lang namin siya, graduate na rin at naging Doctor 'agad dahil may malaking hospital silang pagmamay-ari." sagot ni kuya na parang may kulang.

"Bakit 'yong pinakagusto kong tanong ang hindi nasagot? May gusto ka ba sa kaniya? Iba kasi mga ngiti mo pag natingin kay Doctora." nang-inis kong tanong.

"Crush lang." tumatawang ani kuya.

"Yie! Hindi mapaglihim si kuya. Aamin din pala kung anu-ano pang isinasagot." natatawa kong sabi. Medyo nagiging komportable na rin ako sa kaniya at unti-unti ng nasasanay sa pagtawag ng kuya.

"Sabi ko crush hindi gusto." aniya.

"Ikaw, may gusto ka ba kay Rex?" tanong niya na ikinagulat ko.

"Ako magkakagusto sa babaero na 'yon?! Never." nakataas kilay kong pagtanggi.

"Hindi naman 'yon babaero. Ang pagkakaalam ko si Ace ang tinutukoy mo." nakangisi niyang sabi.

"No! Babaero rin 'yon 'no. Nakita ko siya, making out with Nika." napatakip na naman ako sa bibig kong madaldal. Grabe sa kadaldalan. Nadulas tuloy ako.

"Are you jealous?" tanong niya habang natawa.

"Ako?! Of course not!" naiinis kong sabi.

"Tinatanong ko lang. Baka kasi nahulog ka na noong time na inutusan ko siya na pahulugin ang loob mo." wika niya.

"Hinding-hindi mangyayari ang sinasabi mo Kuya Zein." sabi ko ng nakasimangot.

"Let see." nakangisi niyang sabi.

Ano 'yon?! Parang kinakampihan pa ni Kuya Zein iyong lalaking pangit na super sa kahanginan.

Unveiling the Secrets of the Innocent PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon