Kabanata 24

4.4K 106 1
                                    

Kabanata 24
Shamberg

"Pa, ihahatid niyo po ba ako?" tanong ko habang kumakain kami at tahimik lamang ito.

I don't know if he's still mad but because he allows me to have a puppy I guess he will forgive me soon.

"No. Si Jay ang maghahatid sa'yo. Huwag kang gagawa ng kahit anong gulo, maliwanag?" I nodded. Manong Jay is our personal driver. Hindi lang ito basta driver dahil bihasa rin ito pagdating sa pakikipaglabanan.

Hindi na ako umimik pa matapos magtanong, ayaw kong mas lalo pa siyang mainis sa akin.

Pagkatapos ng tahimik na umagahan ay hindi ko na nagawang magpaalam kay Papa dahil pumasok agad ito sa kaniyang opisina.

Matapos lang ang isang linggong pananatili ay babalik na ako sa paaralan. If I'm just an ordinary student the school will probably won't allow me to transfer. Pero dahil maraming kapit si Papa at marami siyang paraan para magawa ang gusto niya ay madali akong nailipat sa Shamberg.

Sana lang ay wala ng mga kulang sa pansing estudayante roon dahil ayaw ko ng makakuha pa ng gulo. I remember those four mean girls who started a fight just because of Rex. Hindi na ako nakabawi sa kanila. Pasalamat sila at lumipat ako ng school.

Hindi ko pa rin nakakausap si Denice matapos ng huli naming pagkikita. Papa confiscate my phone. Mamaya ay kukunin ko iyon sa kaniyang opisina. I just hope he won't caught me.

Tumigil ang sasakyan namin sa tapat ng isang malaking gate. Kapareho ng taas ng Prizia pero kumpara roon ay mas simple ito. There's no designs but only the school's logo.

Nakakapanibago. Halos bago palang din ako sa Prizia tapos lilipat na agad ako rito.

Nagpunta muna ako sa principal's office para kunin ang schedule ko. Hindi pa ako pamilyar sa lugar kaya kailangan ko pa rin sa kanilang itanong kung saan ang building ko.

Kumatok ako ng tatlong beses bago tuluyang buksan ang opisina. Bumungad sa akin ang nakasalaming babae na busy sa pagpirma ng kung ano. Nang mag-angat ng tingin ay ngumiti ito na parang kilala na ako.

"Good morning ma'am. I'm the new transfery, Maribella de Guzman. I'd like to get my schedule po," magalang kong wika. I need to be good. Hindi ko na alam kung ano pa ang susunod na parusa ko kung may problema na naman akong magawa.

"Oh, the daughter of Emmiel!" aniya kunwari ay ngayon lamang ako nakilala. The way she looks at me earlier I know she knows me.

"You're on the first section, the GMW 1. Your room is located at the yellow and blue building near the library, second floor, first room."

Tumango ako at tinanggap ang inabot niyang papel. Madali namang tandaan ang sinabi niya kaya hindi na ako nahirapan pa na hanapin iyon.

Napangiti ako nang makita ang building na tinutukoy ng babae. Minions building? Kakulay n'on ang mga minions. I laughed at that thought.

Sinunod ko lang ang instructions na ibinigay sa akin at nang makarating sa tapat ng classroom ay napahinga ako ng malalim.

Sarado ang pintuan at alam kong nagkaklase na sila. I'm late... but that's fine. Hindi ko pa naman alam ang schedule ko kaya hindi ko rin alam na maaga pala ang unang klase.

Hindi na ako kumatok at dahan-dahan nalang binuksan ang pintuan.

"And if the intersec—" tumigil ang guro sa pagsasalita nang marinig nito ang nilikhang ingay ng pagbukas ko.

"Yes?" she politely asked.

Ngayon lamang ako muling kinabahan nang mapagtantong nasa akin na ang atensyon nilang lahat.

Unveiling the Secrets of the Innocent PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon