Kabanata 34

4.6K 101 1
                                    

Kabanata 34 ~ Bitter

"Fuck! Hindi ako makapaniwala na natalo mo ako." ani Rex na kanina pa mura ng mura simula ng malaman nila.

Nandito kami sa bahay at naandito silang lahat. Nang-uusisa.

"Sa akin okay lang na matalo niya ako. Being strong is in our Blood." pagmamayabang ni Kuya Zein sa kanila.

"Baby girl, okay ka lang ba?" tanong ni Mama.

"Opo, bakit niyo naman po naitanong?" sabi ko.

"No'ng naglaban kasi kayo ng kuya mo, I was there. Nakita ko rin kung paano ka tamaan ng bala ng baril no'ng binaril ka ng walang hiya mong kuya!" ani mama na masama ang tingin kay kuya.

"Huwag niyo pong sisihin si kuya. Hindi niya naman po alam na ako 'yon. Pero that's quite hurt." natatawa kong wika.

"Naalala mo ba Maribella na sinabi ko na parang bakla ang boses mo?" ani Kent na tumatawa.

"Yeah, iniiba ko kasi ang boses ko dahil baka familiar sa inyo." paliwanag ko.

"Hindi ko rin nga ine-expect na si Dad ang Emperor Thunder. Nagulat din ako no'ng nakita ko siya." dagdag ko.

"But you know what Princess, delikado ang maging isang Gangster. Bakit mo pati ako pinipilit na isama ka? Kahit naman pala pagbawalan kita ay pupunta ka pa rin." inis na sabi ni kuya at masama ang tingin sa akin.

"Ginu-good time lang kita." tumatawa kong sabi.

"At bakit mo rin sinabi na hindi nakakadagdag ng kagwapuhan ang pag-attend ng event ng tama sa oras?" tanong ni Rex na hindi ko pinansin.

Malandi kasi ang lalaking iyan.

Pagkatapos no'ng nangyari kanina ay dumating 'yong ka-make out session niya sa bakanteng room. Ito namang si kuya grabe ang tingin sa akin.

Inaano ko siya?

Nakita ko pa na sobra sa pagpulupot ang kamay nito sa braso niya at ang mas masaya pa ay sa parents ko pinakilala 'yong girlfriend niya. Sa pagkakaalam ko dapat sa parents niya ipakilala at huwag sa parents ko.

"Snob." dinig kong sabi ni Rex.

"Selos." ani kuya na nagpataas ng kilay ko.

Kanino naman?

"I'm not." sabi ko.

"Kanino?" singit naman ni Rex.

"Bakit ba sabat ka ng sabat?!" inis kong tanong.

"Oopps... Tama na 'yan baka kung saan pa mapunta. Princess, huwag ng magselos." nakangising wika ni kuya kaya sa sobrang inis ko ay nag walk out ako.

Bakit niya ba ako iniinis?

Bahala nga sila doon.

Nahiga na ako sa kama ko.

Gabi na rin naman. Maigi na siguro kung matulog na ako para bukas ay magising ako ng maaga.

Linggo na naman bukas at ang bilis ng panahon.

Sana hindi ko makita ang pagmumukha nina Rex. Close pa naman sila nina mama kaya baka lagi 'yon sila nandito.

Nakaka BV kasi siya.

**

Good morning!

Good mood ako ngayong Sunday! Huwag lang sirain!

Bumaba na ako matapos ng ilang oras na pagtambay sa kwarto ko.

Naabutan ko sila sa kusina. Lahat busy.

Si Mama ay nagluluto at si Papa ay naghihiwa na mga ilalagay sa lulutuin ni Mama. Si kuya naman? Nanonood?

"Gising ka na pala Princess." ani kuya.

"Nasaan po 'yong ibang maids?" tanong ko.

Kasi naman kahapon ang dami rito sa baba tapos ngayon wala akong makasalubong kahit isa man lang.

"Pinayagan namin sila na gumala. Birthday kasi no'ng isa sa mga maids natin at sinabi ko na papayagan ko silang mag-celebrate. I told them na ako na ang gagastos sa lahat ng kakailanganin nila. Bilang gift na rin sa tagal na ni Yaya Nita sa atin. But sad to say, hindi tayo makakasama dahil may i-mi-meet kami ng Daddy niyong kliyente this morning at sa hapon naman ay naisipan na rin naming magsimba tayo." nakangiting wika ni Mama.

"Ikaw naman kuya, bakit nanonood ka lang?" nakangisi kong tanong.

"Pinag-aaralan ko kung paano ang tamang pagluluto." nagulat ako sa naging sagot ni kuya.

Meaning, hindi siya marunong magluto?!

"Hindi ka marunong magluto?!" gulat kong tanong.

"Hindi talaga marunong 'yang kuya mo. Ayaw magluto dati ang sabi niya no'ng bata pa siya ay mag-aaral siyang magluto pag may lulutuan na raw siyang kapatid." natatawang sabi ni Dad.

"Kaya nag-aaral na ako, Princess." sabi niya na titig na titig sa ginagawa ni Dad at Mama.

Okay.

Pumunta muna ako sa salas.

Nanood ng t.v.

Hindi na ako nahihiya, sabi rin kasi nila ay kapalan ko raw ang mukha ko.

Pagkatapos kong manuod ay pinatay ko na ang t.v. at hinintay ang pagkain. Tiningnan ko kung ano nang ginagawa nila. Nakita kong kinuha na ni kuya ang mga pagkain at sa salas kami kumain habang nagmu-movie marathon.

Ang saya! Buti na lang at hindi ako bad mood today.

Pagkatapos kumain ay nagpaalam na rin sila Dad kaya kami na lang ni kuya ang natira.

"Princess, okay ka na?" tanong ni kuya Zein.

"Oo naman. Bakit?" ako

"Baka kasi galit ka dahil inasar kita kahapon." ani kuya.

"Hindi, okay lang. Ang saya ko nga kahapon, e. Hindi mo ba napansin?" sarcastic kong tanong.

"'Wag ka nang magalit, Princess. Ang pagkakaalam ko ang naiinis na tao ang ibig sabihin ay totoo ang mga sinasabing paratang tungkol sakaniya." wika ni kuya.

Hindi naman ako naiinis kahapon 'di ba? Hehe syempre never.

"Ano namang napag-usapan niyo no'ng umalis ako?" curious kong tanong.

"About sa girlfriend ni Rex." sinamaan ko siya ng tingin. Baka iniinis na naman ako nito. Ay oo nga pala! Hindi ako maiinis.

Pinakitaan ko na siyang muli ng isang matamis na ngiti.

"What about his girlfriend?" tanong ko.

"She's now a gangster. Dati matino pa siya but now ay naging isa siya sa atin. Tinanong din ni Mom kung sila na ba." pagkukwento niya.

"Anong sabi?" mabilis kong tanong.

"Princess, ha." nakangisi niyang sabi.

"Walang malisya 'yon ano. Huwag ngang kung anu-ano ang iniisip. Ano raw sabi?" tanong kong muli.

"Sila na agad. He told us na mahal niya pa rin si Nika."

Sabi na nga ba. Utu-uto talaga 'yon.

Bahala siya sa buhay niya.

**

"Kuya tinatanggap ba ang demonyo sa simbahan?" tanong ako.

"Ano ba namang tanong 'yan? Syempre hindi." sagot ni kuya.

"Buti na lang." sabi ko.

"Bakit?" kuya.

"Edi, hindi makakapasok dito si Rex. Dati tinanggap 'yon no'ng nagsimba kami. Ngayon baka hindi na siya makapasok." paliwanag ko.

"Huwag bitter." Ani kuya.

Hindi na lang ako umimik dapat hindi ako mainis dahil hindi totoo ang sinasabi niya.

Ako bitter? No, no, no. At kung oo man ay hindi ko 'yon ipapahalata. Pero hindi talaga ako bitter.

Kahit anong mangyari walang mangyayaring ka bitter-an sa aking buhay.

Unveiling the Secrets of the Innocent PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon