Kabanata 56 ~ Katana
Isa lang sa mga kasamahan ni Emmiel. Si Rex na ang naunang bumaril. Siya na mabilis.
Maya-maya pa ay nakarinig kami ng ilan pang mga yapak na papunta sa kwartong ito.
"Marami silang nakasunod." sabi ko.
"I know, that's why I followed you." wika niya.
May mga bumabaril na rin mula sa labas. Butas-butas na ang pader panigurado. Hindi naman kami tinatamaan. Matibay din kasi ang pader dito kaya hindi masyadong natitibag.
"Paano tayo makakalabas?" tanong ko .
"It's either hihintayin nating umalis sila, babarilin kapag pumasok na sila, o lalabas ako. " paliwanag niya.
"ANO IKAW LANG?!" gulat kong tanong. Ayaw niya ba akong palabasin?
Tumango siya.
"Tatawagin na lang kita kapag ayos na." aniya.
"Nasisiraan ka na ba? Paano kung kung mamatay ka?!" inis kong sigaw.
"Hindi ako mamamatay ng dahil lang sa kanila. Promise..." malambing niyang sabi.
Hays. Malalim na buntong hininga, ano pa nga ba?
Pumayag na lang ako.
Bago siya umalis ay sumigaw ako.
"KAPAG NAMATAY KA BREAK NA TAYO!" nakita kong nainis siya sa sinabi ko. Edi huwag siyang magpapatay.
Lumabad na siya ng tuluyan. Maraming putok ng baril ang narinig ko. Ano na kayang nangyari? Nang tumigil na ang palitan ng bala ay tumayo na ako sa pagkakaluhod.
Dahan-dahang sumilip sa labas at napatakbo ng mabilis ng makitang nakahiga si Rex sa sahig.
Mabilis akong nag-panic.
Shit! Anong nangyari?
"Hoy gumusing ka nga!" sigaw ko.
Sobrang bilis na ng tibok ng puso ko sa kaba. Tiningnan ko lahat ng parte ng katawan niya kung may sugat o tama ng bala. Naglolokohan ba kami rito? E, bakit wala namang kung anong nangyari? Pero... Hindi siya humihinga.
Mhp. Lokohan pala ha.
"Break na tayo! 'Di ba patay ka na naman? Bye! " sabi ko at tumayo na. Nakita kong mabilis siyang gumalaw upang tumayo at sinimangutan kaagad ako.
"Tsk, it's not funny." aniya at hinila na ako pababa. Hahaha naniwala naman siya. Hindi ko 'yon magagawa 'no. Baka nga siya kayang gawin 'yon sa isang katulad ko lalo na't maraming naghahabol sa kaniya.
Bumaba kami at marami na rin ang nagpapatayan dito. Unang beses na may nangyaring ganito. Nakita ko sila Dad na nakikipagbarilan, si Kuya na nakikipaglaban, mga kaibigan ni kuya, sina Ckert, Ace, Kent at Harry, Daddy ni Rex. Tumulong na kami. Wala sina mama dahil pinaalis na siya dahil baka kung anong mangyari sa kaniya pati sa mom ni Rex.
May mga sumugod na rin sa akin at binabalikan ko na lang sila ng suntok. Hindi ko na mabilang kung ilan na ang napatulog o napatay ko pero napakarami nila! Hindi ko alam na ganito karami ang nasasakupan ni Emmiel.
Pagkatapos kong mapatulog ang mga 'yon ay tinulungan ko si Dexter (the boy with the kissable lips) dahil halatang nahihirapan s'ya sa rami ng bakapaligid sa kaniya.
Tumulong na ako. Talikuran kami sa paglaban. Pagkalipas ng ilang minuto ay nagkahiwalay na kami at may kaniya-kan'yang nakapaligid.
Habang nakikipaglaban ako ay narinig ko ang sigaw ni Dexter. Takte mukhang napuruhan siya.
BINABASA MO ANG
Unveiling the Secrets of the Innocent Princess
ActionAction/Romance Written: 2015-2016 I'm probably 14-15 at that time, so yeah if you're looking for the best or perfect action-romance story then this is not for you. - Escura 2023