Kabanata 50

4K 108 2
                                    

Kabanata 50 ~ Operation

Uminit ang pisngi ko ng makita siyang sumayaw. Nakaka-turn on. Super galing.

Tumigil siya bigla.

"Sumayaw ka rin." aniya

"Nakakahiya kayang sumayaw. " sabi ko.

"I try so you'll try too." inulit niya ulit sa una 'yong tugtog.

Promise super nahihiya talaga ako. Ang dami ng taong nakapalibot sa amin. Parang lahat na 'ata ng naglalaro sa tom's world ay nandito.

I just sighed.

Kailangan kong subukan. Mag-e-enjoy naman siguro ako.

"Okay, pero hindi ako magaling sumayaw." ngumiti lang siya.

Nagsitilian tuloy iyong mga babae.

Nang tumugtog itong muli ay sinabayan ko siya sa pagsasayaw. Nakakasabay siya pero ako ay hindi masyado. Saulo niya na siguro ang mga step.

Tawa lang ako ng tawa kasi nakatatawa talaga akong sumayaw.

Ayos lang kahit may mga taong negative ang sinasabi.

Para maging pareho kami ng pagkabaliw sa sayaw ay iniba niya 'yong mga step.

Tumawa na lang ako.

Nainggit siguro sa version ko kaya gumawa rin ng sariling version.

Pagkatapos namin sumayaw ay nagpalakpakan ang mga tao.

"Nag-enjoy ka ba? " tanong niya.

Tumango ako at ngumiti sa kaniya.

Marami pa kaming ginawa na super nakaka-enjoy.

The best!

Hanggang sa mapagdesisyunan na namin na umuwi.

Hinatid niya na ako sa bahay.

Tama siya, magmumukmok nga lang ako kapag umuwi na kaagad ako dito. Nakatulog na din ako sa pagod.

**

"Gising na!" ani kuya na sigaw ng sigaw sa tainga ko.

"Kuya! Huwag ka ngang sumigaw. Nakakabingi, kumanta ka na lang kaya para makatulog ulit ako. " sabi ko sa kaniya kaya lang ay mas lalo pa siyang nag-inagay.

Argh! Kinapa ko muna ang mukha ko at tinanggal 'yong dumi kung meron  man.

"May pasok ka Princess, baka nakakalimutan mo. Bilisan mo ng kumilos at may nag-aantay sa'yo sa baba.  Aalis na rin ako, aasikasuhin ko 'yong kompanya natin. " ani kuya. Yeah... Whatever . Buti pa siya hindi na nag-aaral.  Tapos na kaya siya, ang tanda na niya 'no. Ilang taon na nga ba iyon? Magtwe-twenty two.

Tumayo na ako at ginawa ang nararapat.

Pagkatapos ay bumaba na ako para kumain. Naiilang ako kumain kasi nakatingin si Rex sa akin habang kumakain.

Parang kami na dahil lagi niya akong sinusundo.  Hahaha... Kawawa naman siya.

Pagkatapos kumain ay pumasok na kami sa school. Siya nga pala may gusto akong sabihin  sa inyo.  Alam niyo bang marami na ang nakikipagkaibigan sa akin dahil lang nalaman nila na isa akong Caviezel. Hindi rin naman ako napayag kasi gusto lang nila makipagkaibigan dahil mayaman raw kami, para mapalapit sa kuya ko o kaya kay Rex.

Umupo na ako sa upuan ko kalapit si Gabbie at Rex. Humarap ako kay Gabbie.

"May ikwekwento ako sa'yo mamaya." wika ko.

"Ano 'yon?" tanong naman niya.

"Mamaya nga 'di ba? " sarcastic kong sabi kaya tumawala siya.

Bumisita ring  siya sa burol at libing ni Denice kasi hindi ko pa napapakilala si Denice sa kaniya. Sayang, hindi manlang sila nakapag-usap o nagkakilala.

Unveiling the Secrets of the Innocent PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon