Kabanata 62 ~ Powerful
Unti-unti kong idinilat ang aking mga mata. Mag-aala siete na pala. Tumayo na ako para makapag-ayos. Pagkatapos kong maligo ay nagluto muna ako para makakain. Buti na lang hindi na ako nahihirapan magluto.
Maya-maya pa ay may nagdo-doorbell.
Inintay kong maluto 'yong niluluto ko bago ko pinagbuksan. Hahaha mga limang minuto rin 'yon. Panigurado nainip 'yong nasa labas.
Sinilip ko muna ito sa bilog na salamin sa may pinto.
KUYA and REX?!
MY GOSH...
Tiningnan ko muna kung ayos lang ba ang itsura ko. Okay naman.
Binuksan ko na ang pinto.
"Kuya!" sabi ko at niyakap ito.
"Bakit kayo nandito?" kunwari ay wala akong alam sa nangyari kahapon at hindi ko rin pinapansin si Rex panget.
"Bakit ang tagal mo buksan?" ani kuya.
"Don't change the topic, kuya. Answer my question." nakataas kilay kong sabi.
"Nagkaroon lang ng libreng trip para sa mga employees ng ating company. So sumama ako at saktong dito sa Italy." matalinong pagdadahilan ni kuya na alam ko namang hindi totoo.
"Really? Nasan na sila ngayon?" tanong ko.
"Umuwi na kahapon pa." Kuya.
"E, bakit ka nagdala ng impakto rito? Ano 'yon kasama niyo sa trip?" sarcastic kong tanong. Hindi kita titigilan kuya.
"Gusto ka niya makita. That's it." natameme na lang ako sa sagot ni kuya at padabog na naglakad papunta sa kusina ko.
"Anyway Princess, hindi mo na kailangang magpaganda bago mo buksan ang pinto." pahabol pa ni kuya na tinawanan ni Rex.
"NATAGALAN AKO MAGBUKAS DAHIL SA NILUTO KO! ANG KAPAL NG MUKHA MO KUYA, HA!" sabi ko at kumain na.
"Pakain, mukhang masarap ang luto mo." ani Rex na hindi ko pinansin. Bakit kung magsalita siya parang wala siyang ginawa na masama?
And I hate it! Hindi manlang ba siya nakunsensya? Ni-sorry wala. Hindi sa gusto ko na mag sorry siya pero parang naka move on na agad siya sa nangyari.
Ikaw kasi mag-move on ka na.
Ano ba, naka move on na ako, okay? Nakakainis naman 'tong pusong nagsasalita.
"So, kailan niyo balak umalis?" tanong ko habang nakatingin ng diretso sa t.v.
Kanina pa sila rito at wala pang balak umalis.
Nanatili silang tahimik.
Binalak ko ng humarap kay kuya para tanungin siyang muli.
"Ku—Nasan si kuya Zein?" nakasimangot kong tanong dito.
"Umalis siya to gave us time to talk about-—" tinapos ko na ang sasabihin niya.
"It's okay, bakit kailangan pang pag-usapan? Congratulation and best wishes na lang for your wedding." wika ko na nag-iwas ng tingin.
Hindi ko mapigilan ang makaramdam ulit ng galit at sakit. Hindi na ako iiyak. Ayoko ng drama.
Tama! Hindi 'yon bagay para sa isang tao na nakamove on na.
Ani ng utak ko.
Really?
Stop that heart! Pangpagulo ka lang.
"I-im sorry. Sorry sa lahat." malungkot nitong sabi.
"Sorry?! May magbabago ba ng dahil sa sorry mo?! Niloko mo ako! Shit! Niloko? Wala nga palang tayo." I said standing.
Muli ulit akong umupo ng marealize ang mga sinabi ko. Hindi niya dapat malaman na malaki ang epekto niya sa akin. Argh! I hate this feeling.
"Hindi ko ginusto 'yon. I was shock when they announced it. Wala akong kaalam alam doon." paliwanag niya.
"Hindi mo alam? Pero pumayag ka, so gusto mo nga? Kalimutan na natin 'yon. 'Wag ka ng mgpaliwanag sa akin. Hindi mo ako girlfriend." sabi ko at isinuot ang earphone at nilakasan ang music.
Naramdaman kona lang na may nagtanggal ng earphone ko at niyakap ako.
Fvckingshit
"Hoy bitawan mo 'ko" sabi ko. Ang sarap sa pakiramdam.
Hala! Ano ba 'tong naiisip ko? Dapat galit ako.
"Please... Forgive me. Hindi ko talaga gusto ang kasal na 'yon. Hindi ko rin alam na may ganoong mangyayari ng araw na 'yon. Hindi ko alam na ipapakilala niya ako bilang magiging asawa niya. Pumayag na ako because it's part of our plan."
Bigla nalang tumulo ang luha ko at napahikbi.
Ito 'yong pinipigilan ko ng mga nakaraang araw.
"Shh... Don't cry. Sorry kung ngayon ko lang sinabi. Gusto man kitang tawagan pero 'yong magaling mong kuya kinuha 'yong cellphone ko. Maybe for safety para hindi ako mabuking. And also kinailangan ko rin na magkunwaring busy ako sa pagpaplano ng kasal." mahaba nitong paliwanag na tinanggal na ang pagkakayakap sa akin mula sa likod ko.
Umupo na siya sa mahabang upuan kalapit ko.
Niyakap niya ako at pinilig ang ulo ko papunta sa kanya.
Kaya ayon basa 'yong t-shirt niya dahil sa luha ko.
"Tandaan mo hindi ka pa sinasagot ng kapatid ko kaya 'wag kang masyadong dumikit diyan." ani kuya na muli ng nasa loob.
Rex just chuckled.
Pinunasan ko na ang luha ko at siniko si Rex sa tagiliran para lumayo siya. Sumimangot tuloy ang mukha. Hahahaha.
Sabi sayo, e. 'Di ka pa move on pero masaya ka naman dahil sinunod mo ako. Ani ng puso ko
Siya nga pala, anong plan ang tinutukoy nila?
"Anong klaseng plano? At para saan?" tanong ko.
"Sa gangster world talaga ay ipinapakasal ang Dark Princess sa Dark Prince. Noon 'yon nang si Madison pa ang Dark Princess. Napakatagal na panahon na 'yon. Maybe 10 years ago at wala pa rin naman kaming pakialam sa mga ganoong bagay. Sakto rin naman na matagal ng gusto ni Lady Madison si Rex but nagkasakit siya noon at akala namin wala na siya, na patay na ito. Kaya nawala na rin ang arrange marriage sa gangster world, matagal din walang Dark Princess. Naging malaya ang Dark Prince but this time bumalik na siya at muling naungkat ang kasalan. And about the plan, nalaman kong pinaplano ng ama ni Madison na matuloy ang kasal upang sa ganoon ay hindi nila makakalaban si Rex sa ano mang hakbang ang gawin ng ama nito. Pagkatapos ng kasal ay balak niyang utusan si Rex na patayin ako at sa tingin niya ay hindi ito tatanggi. Nang sa ganoon ay sila ang magiging makapangyarihan at gagawin nilang alipin ang lahat. " paliwanag ni kuya.
"Makapangyarihan? Bakit magiging sila? Kung pinatay ka man nila mas makapangyarihan parin ang mga Emperor." nagtataka kong sabi.
"Ang Emperor ay ang siyang tagapamahala at tagapanatiling ligtas ang mga nasasakupan. Pinamamahalaan nila ang mga laban, sila ang nagdesisyon. Pero sa oras ng laban ay dito na hindi maaaring mangialam sa kaligtasan ang Emperor. While the Dark King. Tinitingala ng lahat, ginagalang, sinusunod at itinuturing na pinaka malakas at 'yon siguro ang gusto nilang makuha kay Zeiner." ani Rex.
"You mean mas mataas ka pa rin kuya sa Emperor?" gulat kong tanong.
Tumango lang siya.
"Mas mataas ang posisyon mo kay Daddy?!" gulat kong tanong.
Tumawa si kuya bago magsalita.
"Maybe? Siya ang dating Dark King bago ako at ng tumanda na siya kaya nagdecide na mag-emperor." saad nito.
Masaya ako sa nalaman ko parang nawala ang ilang milyong tinik sa puso ko pero kailangan kong malaman ang plano nila.
BINABASA MO ANG
Unveiling the Secrets of the Innocent Princess
AcciónAction/Romance Written: 2015-2016 I'm probably 14-15 at that time, so yeah if you're looking for the best or perfect action-romance story then this is not for you. - Escura 2023