Kabanata 63 ~ Italy GW
Nakaalis na sina kuya at paulit ulit na parang sirang plaka ang mga ibinulong ni Rex bago umalis.
"Always remember. I didn't stop loving you." takte! Whaa! Sinong hindi kikiligin?
Gabi na rin naman kaya itutulog ko na lang 'to.
**
Maaga akong gumising dahil susunduin daw ako nina kuya. Kakain daw sa sikat na restaurant dito. Hindi ko alam kung saan dito 'yon.
Nagsuot lang ako ng pantalon at isang simpleng shirt. Katulad nga ng sabi ko ay hindi ako mahilig magsuot ng mga dress. Depende kung talagang kailangan.
Ilang saglit pa ay tumunog na ang pagkaganda-ganda kong doorbell sound. Mukhang nandito na sina kuya Zein.
Mabilis kong binuksan ang pintuan baka kasi mamaya sabihin ulit ni kuya na nagpaganda pa ako.
Ngumiti lang ako sa kanila.
Pagkalabas ko ay ni-lock ko na ang seradura at nauna nang pumunta sa parking lot.
Panigurado naman na dala nila ang kotse nila. Pagdating sa parking lot ay humarap na ako sa kanila.
"Nasan na ang kotse niyo?" tanong ko.
"Wala." sabay nilang sabi.
"Ano?! You mean maglalakad tayo?" gulat kong tanong.
"No, we brought our motorcycles." Sagot ni Rex
"So, kailangan ko rin na gumamit ng motorsiklo. Wait. Hindi niyo naman kasi sinabi. Kukunin ko 'yong susi ng motor ko." sabi ko.
"No need, you can ride with me." ani Rex.
"No way, sa akin sasabay ang kapatid ko." napangisi na lang ako sa inasta ni kuya.
Umangkas na ako sa motor nito at ng makadating ay diretso kain na. Mukhang pinaghandaan na nila.
Busog na busog na ako. Kasalukuyan akong nainom ng tubig ng magsalita si kuya Zein.
"About the real reason why we are here." napatigil ako sa pag-inom.
"Bakit nga ba? Halata naman na hindi totoo 'yong dahilan niyo kahapon. " irap kong sabi.
"Binabalak namin na maging pinuno ng pinakamalaking gangster world and dito namin 'yon natagpuan." kuya.
"Sad to say natalo kami kahapon sa laban." Wika ni Rex.
"'Yon lang ba talaga ang alam niyo?" tanong ko.
"Alin?" takhang tanong ni kuya.
"Naisip ko kasi kagabi na parang napaka babaw ng dahilan niya para lang sa gusto niyang maging pinakamakapangyarihan, tinitingala ng lahat at may mataas na posisyon." wika ko.
Tama naman ako 'di ba? Hindi naman nila papatayin si kuya ng dahil lang sa power and wealth.
Nanatili silang tahimik.
"May hindi pa ba kayo sinasabi sa akin?" tanong ko sa kanila.
"Tama ka, hindi lang 'yon ang dahilan. Nalaman ko na may binabalak na masama ang ama ni Madison kaya napagpasyahan kong manmanan siya palagi. Hindi inaasahan na maririnig ko ang mga dahilan niya." paliwanag ni kuya Zein.
"Anong dahilan?"
"Katulad nga ng sabi ko kahapon. Ten years ago ay nagkasakit si Madison ng cancer at kinailangan niyang operahan sa ibang bansa. Lumubog ang kumpaniya nila sa rami ng ginagastos para gamot at pagpapa-chemotherapy. Sa Pilipinas palang ay naubos na ang pera nila kaya hindi nila madala sa ibang bansa si Madison. Wala silang choice kundi ang humingi ng tulong sa kaibigan nila.
Sina Mom and Dad.
Hindi maasikaso nina Mom and Dad ang perang hinihiram ng ama ni Madison dahil sa pagkaulila sa'yo. Ikaw lang ang pinagtutuunan nila ng pansin. Busy din sila sa paghahanap sa iyo kahit napakatagal mo ng nawawala. Habang ako? Ganoon din."
"K-kung ganon ay hindi niyo natulungan sina Madison?" gulat kong tanong.
"Tutulungan dapat namin sila. Inayos namin ang dapat ayusin para makuha na ang ganong napakalaking halagang pera. Kami man ang may-ari ng kumpanyang pagkukunan ng pera ay hindi basta-basta makukuha ang pera. Pagkatapos maproseso ang lahat. Late na kami. Nakaalis na sina Madison sa bansa. May nauna 'atang tumulong sa kaniya. That's why galit na galit sa pamilya natin ang Abner. Kung sino pa ang malapit sa kanila ang siyang hindi sila tinulungan." halos manlumo ako sa sinabi ni kuya. So, galit samin ang mga Abner?
"Handa silang gawin ang lahat para maghiganti at gusto nilang makapamuno sa Philippine GW para may katulong sila sa pagpapabagsak sa atin. Maaaring kalabanin tayo ng lahat kaya ang naisip lang naming paraan ay maging pinuno ng malaking Gangster World sa ibang bansa para patas ang laban. Kung kami sana ang nanalo mauutusan natin sila na tulungan tayo sa laban." dugtong pa ni Rex.
Bigla na lang may ideyang lumabas sa utak ko. Ako ng bahala kuya and Rex.
"Don't you worry. Tara na, gala tayo!" sabi ko para mapagaan ang atmosphere.
Kung saan-saan lang kami naggala. Masaya ako kahit may mga problema paring dumarating.
Pagkauwi ay napagdesisyunan kong pumunta sa GW dito sa Italy.
Bilang bagong tagapamuno nito ako ay ako na lang ang gagawa ng dapat plano nina kuya Zein.
Pumunta ako sa pinaka office ko rito. May office na ako rito. Pinakita sa akin no'ng emcee pagkatapos kong manalo. Nandito rin sa office kung paano ko sila matatawagan sa oras ng meeting. Kapag kasi may gusto akong gawin or ipapautos kailangan ng meeting at ako ang tatawag sa iba't-ibang lider.
Dati ako 'yong tinatawagan para sa meeting tapos ngayon mas mataas na ang posisyon ko at ako na ang nagpapatawag kapag may meeting.
Isa-isa ko ng ni-chat ang lahat sa computer rito. Ang galing nga kasi parang facebook lang. Ang mga friend ko ay mga gangster lang dito tapos mga codename ang nakalagay. Para malaman ko kung leader may nakalagay kasi. Katulad nito...
Jaguar * leader of...
So... pagkatapos ko ng machat ang lahat ay naisipan kong i-chat din sina kuya. Tutal part sila ng gangster world dito kaya siguradong friend ko rin sila sa mala facebook kuno rito.
Teka, shemas naman oh. Hindi ko nga pala alam ang codename nila. Hindi naman siguro 'yon Dark King and Dark Prince dahil iba ito sa Philippine GW.
Habang hinihimas ko ang sentido ko ay may nag-flashback sa isip ko.
YES!
BINABASA MO ANG
Unveiling the Secrets of the Innocent Princess
ActionAction/Romance Written: 2015-2016 I'm probably 14-15 at that time, so yeah if you're looking for the best or perfect action-romance story then this is not for you. - Escura 2023