Kabanata 30

4.7K 109 1
                                    

Kabanata 30 ~ Anger

Bakit ba nila ako pinagkakaisahan? Akala ko ba galit sila sa amin?

Tumigil ako sa pagsugod dahil tuwing susugudin ko ang isa sa kanila ay tawa lang sila ng tawa.

"BAKIT KAYO TAWA NG TAWA?! MAY NAKAKATAWA BA?!" galit kong sabi.

"Wala akachan." ani Zein kaya binigyan ko siya ng masamang tingin.

"Akachan?" mahina kong tanong.

Lumapit siya sa akin at inabot ang envelope.

"Gusto mo pa bang ipakita sa akin kung gaano kayo kasinungaling?" tanong ko.

"No." psh... No ka ng no.

Bakit kinakabahan ako kahit alam ko naman na mali sila ng hinala?

Dahan-dahan kong inilabas 'yong papel at nagulat.

Hindi ko sila masisi kung parang tuko sila kanina.

"N-no, it can't be. Pa-paano nangyari ito?" halos manlumo at hindi na ako makahinga sa sobrang dami ng tumatakbo sa isip ko at dahil sa sakit na nararamdaman ko.

Bakit ako niloko ni Papa?

Ano ba ang totoong nangyari?

Namatay ba talaga ang Mama ko?

Bakit lumaki akong siya ang kasama?

Bakit siya naglihim sa akin?

Tinuring niya ba ako na parang tunay na anak?

All this time, nagpapakitang tao lang ba siya?

Hindi ko alam! Sobrang gulo.

Napaupo na lang ako sa sahig habang umiiyak...

Lumapit sila sa akin.

My kuya hugs me. Kuya... Salitang matagal ko ng gustong banggitin.

I'm so stupid na kinalaban ko sila at sobrang nasasaktan ako dahil isa akong ampon, No, hindi ampon. Mas matindi pa sa ampon dahil kinuha lang ako.

May nakilala akong ama pero hindi ako tinuring na anak. Mabuti pa si Denice, may umampon sa kaniya at kahit hindi siya kadugo ay tinuring siya bilang isa sa kanila.

Tahimik akong naiyak.

Hindi ko matanggap. I love my Papa very much...

"Shh... Stop crying our princess." pang-aalo ni Zein.

"Gusto kong tanungin si Papa." sabi ko.

"Sige, pupuntahan natin si Emmiel." pagpapakalma niya.

Itinayo ako ni Zein.

Hindi matigil ang pagtulo ng luha ko.

Dahil ba 'to sa nakita ko o sa nalaman ko?

Both.

Maggagabi na. Nandoon na nga siguro si Papa.

Sumakay kami sa kotse ni Rex.

At 'yong iba sa kotse ni Ace.

Madilim sa loob ng bahay namin pero alam kong may mga tao na rito.

Nandito na kaya si Papa?

Binuksan ko ang pintuan ng bahay namin. Sana wala pa sina Yaya Ming at ang iba pang guards dahil ayokong marinig nila ang ano mang lalabas sa bibig ko.

Pinapasok ko sila pero bago kami makapasok ng tuluyan ay may sinabi muna ako sa kanila.

"Please don't hurt my Papa."

Dumiretso ako sa kusina at sinundan naman nila ako.

"SURPRISE!" nagulat na lang ako ng bumukas ang ilaw. Nakita ko sina Yaya Ming, iba pang maids at mga guard.

Sinurpresa pa nila ako dahil bagong dating sila. Dapat ako ang gagawa noon sa kanila.

Nakita ko rin ang gulat sa mukha ni Papa ng makita na may kasama ako.

Ang nakangiti niyang mukha ay napalitan ng lungkot at galit.

Tumulong muli ang mga luha ko. I can't believe it. Na magagawa niya sa akin 'yon.

Natahimik ang lahat at ang tanging hikbi ko na lang ang naririnig.

Nagsalita ako kahit garalgal na ang boses.

"P-pa? Is that true?" mahinahon kong tanong.

"What are you talking about hija?" nakatinging tanong sa akin ni Papa.

Lalapit sana ako sa kaniya ng maramdaman ko ang hawak ni Zein.

Tumungo nalang ako at unti-unting naramdaman ang pagbitiw niya.

Tuluyan na akong lumapit kay Papa. Sinenyasan ko ang mga Maid na umalis muna pati ang mga guard pero nanatili ang mga kasamahan ni Papa sa tabi niya.

"The one who's with him that night." narinig kong sabi ni Zein na nakatingin sa malaking katawan na lalaki na kalapit ni Papa.

Tumingin ako sa mata ni Papa.

"Totoo ba na hindi niyo talaga ako anak?" diretso kong sabi habang pinipigilan ang pagpiyok.

"No, that's not true." pinakita ko sa kaniya ang kanina ko pang hawak na envelope na nagpanganga sa kaniya.

"Ba-bakit? Bakit ako pa..." humihikbi kong saad.

"Hija, sorry. Itinuring naman kita bilang isang anak." malungkot na ani Papa.

"Pero nagsinungaling kayo. Sabi niyo na 'wag ako sa-sasama sa Caviezel because they are bad and their planning to kill me." hindi ko na hinayaang magsalita si Papa at nilabas lahat ng hinanakit ko.

"Sinabi ko sa inyo na nalaman ko na may isa pang myembro nila ang nawawala at kapangalan ko siya pero ano pong sinabi niyo? Na-na... It's a coincidence! Na kapangalan ko lang siya! Hah, nagtataka nga ako kung bakit ipinangalan niyo ako sa tunay kong pangalan. Sinabi niyo rin na huwag kong gagamitin ang Freyazia'ng pangalan ko kasi ayaw niyo na kunin nila ako sa inyo. Alam niyo Papa sasabihin ko sana sa inyo na hindi nila ako makukuha dahil may DNA test naman na magpapatunay pero nagkamali ako. Sinabi niyo rin na namatay ang mama ko dahil pinatay sila ng Caviezel. Ito pa ang ipinagtataka ko... Bakit niyo ako papangalanan ng may Freyazia kung ayaw niyong mabuking kayo?! Sa tagal ko na sa mundo, lahat ba ng alam ko puro kasinungalingan?!" hindi ko na mapigilan ang sumigaw dahil sa sobrang galit.

Nakita ko na palapit na sila Rex at Zein sa amin.

Nakatingin lang ako kay Papa. Napatingin ako sa mata niya na parang nagsasabing 'I'm very sorry'. Gusto ko man siyang patawarin pero hindi pa ngayon. Hindi ko matanggap.

Nagulat na lang ako ng hawakan ako ni papa sa leeg gamit ang mga braso niya at tinutukan ng baril sa ulo.

"Lumapit kayo at ipuputok ko ito." sigaw ni Papa. Tila nagblangko ang isipan ko sa ginawa at narinig mula kay papa. Hindi niya nga talaga ako minahal.

Tulo lang ng tulo ang luha ko. Hindi ko na iniisip kung ipuputok niya ba 'yon. Gan'on na ba talaga ako napaniwala at hindi ko maisip na kaya niyang gawin 'to?

Tumigil sila sa paglalakad.

I closed my eyes and let them do what they want.

I feel tired and sick...

May mga narinig akong mga ingay na hindi ko alam kung saan nangagaling.

Nakapikit lang ako ng maramdaman kong may humila sa akin. Hindi ko pa rin magawang buksan ang mga mata ko.

My eyes are tired for crying and I don't wanna see my kuya, friends and my Papa fighting.

And all I know is I lost my consciousness.

Unveiling the Secrets of the Innocent PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon