Kabanata 59

3.2K 74 1
                                    

Kabanata 59 ~ Italy

After 5 months. Yep, 5 months na ang nakalipas.

"Ano ba naman 'yan hanggang ngayon ba hindi ka pa rin nakaka-move on? Alam mo marz tigilan mo na 'yan kung hindi magkakasakit ka." sermon sa akin ni Gabbie na kasama si Kier. Magkakilala na sila.

Lagi na lang ganiyan ang bungad nila sa akin.

Bakit ba? Porke maunti ang kinakain hindi pa naka-move on?! Hindi ba pwedeng diet? Kapag ba may malaking eyebags ay napuyat sa kakaiyak?! Hindi ba pwedeng nagpuyat sa laptop o cellphone?

Argh! Nakakainis naman.

"May naisip ako para maka move on na si Freya! Mag bakasyon tayo!" ani Kier

"Ih... 'Wag na!" pagsalungat ko sa ideya niya.

"Okay deal!" ani Gabbie na pumayag.

Lumabas na silang dalawa sa kwarto ko at mag-iisip ng magandang puntahan.

Sa loob ng five months hindi ko na siya nakita pa. Walang closure. Hindi na rin ako nagbalak na pumunta sa Gangster World. Itinuring ko nalang na isang bangungot ang lahat ng 'yon.

Kinuha ko ang box na nasa ilalim ng kama ko. Nandito ang mga binigay niya sa akin noon.

Kinuha ko 'yon lahat at nilagay sa isang sako. Itatapon ko na 'to.

Tinago ko muna iyon sa likod ng pinto at naligo na. Pagkatapos ay ginamit ko ang kotse ni kuya papunta sa malapit na ilog dito.

Hays, masama man magtapon ay kailangan ko lang talaga.

Hinila ko 'yong sako papalapit sa ilog. Napatigil ako sa paghila ng may parang kaluskos akong narinig.

Tiningnan ko muna ang buong paligid bago tuluyan na itong itapon.

Pagkatapos kong itapon ay mabilis na akong tumakbo pabalik sa kotse. Hay, sana naman malimutan ko na siya.

**

Pangiti-ngiti 'yong dalawa kong kalapit na parang baliw. Palibhasa first time nila pumunta sa Italy. Siya nga pala sa Italy nila naisip na magbakasyon. Grabe 'no? Ang layo ng nilipad ng isip nila.  Akala ko pa naman sa palawan, bohol o sa mga beach lang kami. Pumayag naman din sina Dad.

Ang tagal ng byahe. Mga Limang oras na kaming nakaupo dito at malayo pa raw.

-Italy at 3:00 am-

"Marz!" napamulat ako ng marinig ang malakas na sigaw ni Gabbie sa tenga ko.

"Ano? Inaantok pa ako. Malayo pa naman 'di ba?" inis kong tanong.

"Hoy! Gising na kanina ka pa kaya tulog." ani Kier.

Psh, akala mo mga boss.

Tumayo na ako at kinuha ang mga gamit ko.

OMG! Ang ganda dito! Para ko tuloy kasama si Serena at Tenten.

Mas masaya sana kung kasama ko si—

"Marz! Ano ba? Bawal dito mag-emote. Nandito tayo para magsaya!" masayang wika ni Gabbie at hinila na ako.

Nami-miss ko ang buhay gangster.

Marami na rin palang nagbago.

Naghanap muna kami ng pwedeng pag-stay-an na condo. Mabilis naman kaming nakahanap at pagkatapos ng dalawang oras na pahinga ay nagsimula na ulit kaming maggala. Kumain kami ng kumain. Hindi ko pa pala sure kung kailan kami uuwi.

"Hu! Grabe nakakapagod!" sigaw ni Gabbie dito sa loob ng condo namin. Sama-sama na kaming tatlo. Hindi naman siguro kami hahalayin nitong si Kier. Hahaha.

"Marz, Kier, may sasabihin sana ako sa inyo... Babalik muna ako sa Philippines, nami-miss na raw ako nina mommy atsaka kailangan ko rin kasing bisitahin ang tita ko dahil 6th death anniversary niya next week." paalam ni Gabbie.

Pang-dalawang buwan palang namin dito tapos iiwan na niya kami?

"Ah... Ang totooo niyan Freya. Kailangan ko na ring umuwi muna kasi sa isang araw na ang birthday ng kapatid ko at hindi pwedeng mawala ako sa araw na 'yon." Kier.

I just sighed.

"Ofcourse, you two can go back. Hindi naman ako isang kontrabida para tutulan kayo." natatawa kong sabi.

Niyakap lang nila ako. Sabay na raw silang uuwi bukas. Babalik din naman daw sila dito. Binibiro ko nga na, sila ang nag-aya sa akin dito tapos sila pa ang unang uuwi.

"Hahatid ko kayo bukas sa airport." wika ko.

"'Wag na baka mamaya hindi ka na makauwi rito." ani Kier.

"Anong tingin mo sa'kin? Tanga? Sasama ba ako kung alam kong hindi ako makakabalik dito? Tsk, tsk, sentido komon." pang-iinis ko.

"Hindi ka na mabiro." Kier.

Kinabukasan ay kasama na nga nila ko papunta sa airport.

Nag-usap-usap muna kami bago magsabi ng see you soon sa isn't isa.
Kapag kasi goodbye parang hindi na magkikita pa.

Loner na naman ako. Walang kasama. Hindi ko nalang muna iisipin ang mga problema ko. Iisipin ko muna ang sarili ko para sa pagbabalik ko, hindi na ulit ako masasaktan at hindi na magpapaloko pang muli.

Naglakad-lakad na ako para pumunta sa isang kainan. Nano-nosebleed na nga ako kaka-ingles dito.

Saglit akong napatigil sa paglalakad. Parang may nakatingin sa akin.

Ito rin ang aura na naramdaman ko noon sa may ilog. Nilibot ko ang buong  paningin ko. Wala lang siguro 'yon.

"Good morning seniora! Welcome to the Amex Italian Restaurant. May I take your order, please?" ani ng isang magandang babae na may accent pa sa pagsasalita.

Tumingin muna ako sa menu bago bumalik ng tingin sa kaniya.
"Ano bang masarap dito? I mean, what is yout best dishes here?" tanong ko.

"This seniora." sabay turo niya sa isang putahe sa menu.

Mukha ngang masarap.

"Okay this one and I also want your best drink. Gratse. " nakangiti kong sabi.

Parang nararamdaman ko na namang may nakatingin sa akin. Don't tell may tao paring balak akong patayin kahit hindi na ako ang dark princess?

May lumapit sa aking lalake at nakiupo. Pumayag naman ako kasi makikiupo lang naman. May hinihintay daw siya.

"Miss, do you know that guy outside. I think he's trying to get your attention because he's pointing at you. And he gave me death glares. Is that your boyfriend? " ani nito ng nakaturo sa likod ko sa may glass window nitong restaurant.

"Really? " gulat kong tanong at tumingin sa likod.

"Where?" taka kong tanong.

Tss, insane man.

Wala naman. Maya-maya pa ay dumating na ang inaantay niya. Dumating na rin ang order ko.

"Ang sarap naman." bulalas ko.

Napatigil ako sa pagsubo kasi yong katapat kong table na may babaeng costumer ay may tinuro sa akin sa labas.

Kaya tumingin ako.

Ganito ba talaga sa Italya? Mga niloloko ako ng mga tao. Kung anu-anong tinuturo.

Pagkatapos kong kumain ay binayaran ko na 'yong mga kinain ko.

Sumakay na ako para mapabilis ang pag-uwi ko. Sumandal ako sa may bintana and someone caught my attention.

"N-no." I said and wipe my tears. Muli kong tiningnan ang lugar na kinatatayuan niya at wala na siya doon.

Hanggang dito ba naman sa Italya ikaw parin ang naiisip ko R.A? Namalik mata lang ako. Imposible namang nandito siya.

Unveiling the Secrets of the Innocent PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon