Kabanata 49 ~ Dance
"Sino pong business man?" tanong ko at tumingin kay yaya Ming.
"Hindi ko kilala." nagpatuloy na siyang muli sa paghahalungkat.
"Sabi niyo po na wala si Emmiel, ibig sabihin po ba no'n iniwan niya ang kumpanya na walang nagma-manage?" dagdag ko.
"Hindi mo na pala siya tintawag na Papa. Oo, iniwan niyang walang nag-aasikaso kaya pinuntahan ako ng isang empleyado na kung maaari ay tulungan ko sila na hanapin ka. Habang wala ka ay iba muna ang nag-aayos ng problema. Kaya naman ako napadpad dito dahil ako ang araw-araw na naglilinis dito sa Office ni Sir. Madumi na rin kasi." aniya.
Tumango na lang ako.
"Wala ho bang nakakaalam kung nasaan si Emmiel?"
"Naku, wala nga, e. May naghahanap na sa kan'yang mga naiwang nagtratrabaho rito kasi kapag walang nag-asikaso at bumagsaka ang kumpanya ay mawawalan sila.ng hanapbuhay." paliwanag ni Yaya Ming.
"Tulungan ko na po kayong maghanap ng mga papeles." saad ko at nagsimula na ring maghalungkay.
Binuksan ko lahat ng aparador na maaaring pagtaguan ng papeles na 'yon.
Ilang oras din kaming naghalungkat bago ko mapansin ang isang maliit na box na gawa sa kahoy. May maliit na padlocked doon. Mabilis ko naman itong nabuksan.
Isang nakatiklop na papel ang nakita ko.
Ito ang...
"Yaya Ming nakita ko na!" bulalas ko at winagayway sa ere.
Patakbong lumapit sa akin si Yaya Ming at pinagkaguluhan namin ito.
"Sino si Hance Villanueva?" tanong ko kay yaya ming.
"Hindi ko rin kilala. Ang yaman naman ng batang 'yan." ani Yaya Ming.
"Yaya Ming, alam ho ba nila na nakasanla ang kumpanya?" ako.
"Wala pa akong pinagsasabihan." Saad ni Yaya Ming.
"Pwede po bang akin muna 'to?" sabi ko.
"A-ah, sige. Tutal hindi alam ng Papa mo." pagpayag niya.
"Thank you Yaya! Una na po ako." niyakap ko muna siya bago umuwi sa amin.
Napagod ako sa mga ginawa ko.
Kailangan kong malaman kung sino si Hance Villanueva dahil baka alam niya kung nasan si Emmiel.
Pag-uwi ko sa bahay ay nakita kong nakaupo sa sofa namin si Rex.
Ano namang ginagawa niya rito? Hindi ba siya pumasok? Naka-uniform siya pero three o'clock palang.
"'Di ba sinabi ko sa'yong magpahinga ka? Bakit umalis ka ng hindi ako sinasama?" tanong niya sa akin.
"May pasok kaya hindi nakita sinama. Uwian na ba?" tanong ko na napakamot sa buhok.
"Hindi pa, nag-aalala ako. Hindi ka kasi pumasok at baka kung ano ng nangyari sa'yo. Nag-cutting ako." mahinahon niyang sabi pero ako ay napabusangot sa sinabi niya.
"Ano?! Bakit ka nag-cutting?!" gulat kong tanong.
"Nag-aalala nga ako 'di ba? Ikaw nga umabsent." siya.
"Hay, siya nga pala may sasabihin ako sa'yo." naging seryoso bigla ang mukha niya.
"Sinanla ni Emmiel ang kumpaniya niya. Hindi ko alam kung bakit pero si Hance Villanueva ang pinagsanlaan. Kilala mo ba 'yon?" tanong ko.
Umiling lang siya at maya-maya pa ay nagsalita.
"Wala ang mga Mama mo." Aniya.
"Ha? Nasan?" nakakunot noo kong tanong.
"Nagpunta kina Denice." sagot nito.
"Samahan mo pala ako sa libing ni Denice." malungkot kong wika.
"Sure. Nalaman na rin iyon ng buong klase kaya paniguradong pupunta sila bukas. Nagulat sila." kwento niya.
**
"B-bye... " paputol putol kong sabi habang dahan dahan ng ibinababa ang kabaong niya sa ilalim ng lupa.
Naka-itim kaming lahat habang naiyak.
Hinahagod naman ni Rex ang likod ko.
Nandito rin ang mga kaklase ko na hindi rin mapigilan ang umiyak.
Hindi rin kasi nila ine-expect na may ganitong mangyayari. Parang ilang lingo lang siyang liban tapos nawala na siya ng biglaan.
Hinintay kong umalis na silang lahat bago ako magsalita.
"Sana matahimik na ang kaluluwa mo." mahina kong sabi kahit na hindi ko alam kung maririnig niya ba ako.
Hinihintay ako ni Rex sa kotse niya. Sabi niya hihintayin niya raw ako.
"Sorry talaga. Hindi ko alam kung hanggang kailan ako magso-sorry sa'yo. Hahanapin ko talaga ang may kagagawan nito sa'yo. Nararamdan kong hindi mo pinatay ang sarili mo. Hindi mo naman gugustuhin na malayo sa amin 'di ba? Hahanapin ko sila. Thank you sa lahat. Huwag kang mag-alala, dadalaw naman ako sa'yo kapag may bakante akong oras katulad ng uwian. Paalam! " sabi ko at tumayo na sa pagkakaupo.
Lumapit na ako sa kotse ni Rex na kanina pa pala nakasilip sa bintana niya.
"Saan na tayo? Uwi mo na lang pala ako." wika ko na nakangiti sa kaniya kahit alam mong pilit lang.
"I don't like to." sagot niya.
"Bakit?" tanong ko.
"Iiyak at magmumukmok ka lang panigurado." paliwanag niya na nakatuon ang atensyon sa pagmamaneho.
"Kung ayaw mo saan tayo pupunta?"
"Basta, 'wag ng matanong." tumahimik na lang ako hanggang sa mapadpad kami sa Mall?!
Ano bang meron sa Mall?
Pinagbuksan niya na ako ng pinto.
"Ayaw ko rito." matigas kong sabi.
"What's the problem here?" nakakunot noo niyang tanong.
"Pagkakaguluhan ka nila riyan. Alam mo namang." gwapo ka at hot. Hindi ko na tinuloy at baka lumaki ulo niya.
He just chuckled.
"Jealous." bulong niya pero pinaparinig niya talaga.
"Mhp..." bumaba na lang ako ng nakahalukipkip.
Hinawakan niya naman ang kamay ko at hinila papunta sa Tom's World.
Ang cute... May side rin pala siyang pagkaisip bata.
"Lalaro tayo?" tanong ko na unti-unti ng napapangiti.
"We'll dance."
D-dance?!
Hinila niya na naman ako sa may malaking t.v. na ginagayahan ng steps. May malaki rin silang speaker.
Naiinis talaga ako sa mga taong may malalagkit na tingin sa kalapit ko. Tusukin ko mga mata niyo diyan.
"Wha! Omg so hot at ang cool pumorma."
"Yeah, so cool. Sasayaw kaya siya? DAGDAG POGI POINTS! "
Nandito lang kami para lakasan nila ang boses sa pagchichismis.
Pagkatapos sumayaw no'ng ibang tao ay inakbayan na ako ni Rex at dinala sa gitna.
"R.A nakakahiya... Dumarami na ang mga tao sa paligid natin. Dati mo na ba 'tong ginagawa?" bulong ko sa kaniya.
"Nope, it's my first time here pero para maging masaya ka, I will try to dance here." sabi niya.
"Marunong ka bang umayaw?" curious kong tanong habang may pinipindot pa siya sa screen.
"Yeah, may ganito kami sa bahay." napanganga na lang ako.
Magaling kaya siyang sumayaw? This is my first time na makikita ko siyang sasayaw.
Nang tumugtuog na ang kanta ay napahiyaw ang tao sa bigla niyang pagsayaw.
————
Voting is not bad.
Giving a comment is allowed.
XD <3
BINABASA MO ANG
Unveiling the Secrets of the Innocent Princess
AcciónAction/Romance Written: 2015-2016 I'm probably 14-15 at that time, so yeah if you're looking for the best or perfect action-romance story then this is not for you. - Escura 2023