This story is not similar or typical story..
Dito niyo mababasa kung paano magmahal muli ang isang taong nabigo, umasa, nasaktan at kung paano lumaban ang isang taong puno ng takot at pag aalinlangan.
Sana po magustuhan niyo.Flashback
"Tama na!! Ayoko na Chard, Hindi na kita Mahal!! Isa kang malaking pagkakamali sa buhay ko!"
"Henry please, wag mo gawin sakin toh'"
"Tama na, Tigilan mo na ko, di ka pa ba nagigising sa sarili mo? Hindi kita mahal Chard, at hindi kita minahal, nagkamali ako at di ko na kaya ibalik yun!"
"A--ano bang sinasabi mo Henry? Mahal kita, please naman wag mo ko iwan, binigay ko lahat, pinaglaban kita!!"
"E hindi nga kita Mahal! Naintindihan mo ba yun? Sawa nako sayo at nagsisisi ako kung bakit pinatulan ko ang isang kagaya mo!"
-Sobrang sakit ng mga nangyari sakin nun, hindi ko alam kung pano ko magsisimula ulit, kung pano ko babaguhin ang sarili ko, kung pano na ako sa lahat ng nangyari sakin nun,.
Paulit ulit na bumabalik sa isip ko ang mga bagay na'to nung iniwanan ako ni Henry.
Dahil sakanya nabago ang tingin sakin ng ibang tao at di ko na kaya ibalik lahat ng yun, pero hindi ito dahilan para sumuko ako at magmukmok!
Lalaban ako para sa sarili ko. Para sa buhay ko, para sa pagkatao ko at para sa Pamilya ko!End of Flashback!
-------------
"Mukang malalim na naman ang inisiip mo ahh? Hulaan ko, Ocean ba yan?"
"Baliw, tinitingnan ko lang ang sunset, ang sarap kasi sa pakiramdam at ang ganda sa mata"
"Tama ka! Para bang sinasabi ng araw na Tapos na naman ang isang araw, ang isang araw na puno ng pag-asa at pagkalimot sa mga bagay na nangyari sayo ngayon araw nato, at mga bagay na mananatiling memorya"
"Wow ang lalim nun ah! San galing yun kuya?"
Habang nasa tabi ako ng ilog ay isang kilalang boses ang narinig ko, at alam kong si Kuya Gino yun! Di ko alam sa twing nakakaramdam ako ng lungkot ay naging tambayan at pampalipas oras ko na ang manatili sa tabi ng ilog na di naman ganoon kalayo sa bahay namin nila kuya Gino.
"Kuya, pano mo nalamang andito ako?"
"May iba ka pa bang pinupuntahan, bukod sa lugar na'to? Kaya alam ko kung san ka hahanapin kapag nawawala ka."
"Oh bakit kuya? May problema ba?"
"Ako ba ang may problema o ang bunso ko?"
"Wala naman kuya, namiss ko lang talaga tumambay dito at pagmasdan ang papalubog na araw"
"O sya! Oo na, pero kung ano man ang iniisip ng bunso ko, andito lang palagi ang kuya, para makinig ah!"
"Salamat kuya! Alam ko naman na mahal na mahal mo ang bunso mo eh! Kahit ganito ako"
"Ano man at sino man ang bunso ko, wala akong pakealam, kasi ikaw lang ang nag iisang Bunso ko, kaya kahit isuka ka ng ibang tao, at kahit magalit man sayo ang buong mundo, pero ang kuya Gino mo! Hinding hindi!"
Inakbayan ko naman ang Kuya ko, dahil sa totoo lang siya lang ang labis na nakakaintindi sakin, at lagi kong karamay, ang tagapagtanggol ko sa lahat ng oras at panahon, daig pa nga si Superman eh!
Kaya sobra kong mahal ang kuya ko, kasi kahit sino at ano ako, tanggap na tanggap niya ko!
BINABASA MO ANG
Isang Dipang Layo
RandomWell actually po hindi ko alam if ano yung kahahantungan ng story kasi pag nagsusulat po ako ay impromptu, most of my stories if mapapansin niyo siya is M2M kasi yun ang request sakin na gawin pero laging may twist naman sa mga character involved. T...