Napanuod ko na yung A Second Chance haha, maganda din siya pero hindi sing ganda ng una.
Yung mga linyahan nila this time hindi ganun ka remarkable pero sapat na para umiyak ako kay Popoy at Basha..Its all about Trust and Holding on!
Toinks haha..---------------
Hindi ko pa din maintindihan kung bakit kakaiba ang kinikilos ni Zedrick, wala namang mali sa galaw niya pero may nararamdaman akong sikreto na ayaw niyang sabihin sakin, madalas kasi ay para siyang hinang hina kapag naglalakad, dahan dahan lang siya kung gumalaw, sa twing makikipag usap sakin ay palaging nakatalikod, madalas ang hinahanap niya ay nasa harap lang niya.
Pero sabi nga ni Dr. Silva hindi naman ako dapat mag alala dahil wala namang problema.
Pinakiusapan ako ni Zedrick na sa bahay nalang niya kami tumira, nung una ay ayaw ko pang pumayag dahil malaking bagay kung kasama ko si Luke, pero hindi na din ako nakatanggi sa pakiusap sakin ni Zedrick.
Ganun naman talaga kapag mahal mo ibibigay mo ang gusto nito, lalot wala namang mali sa pakiusap niya.
Ayokong magdesisyon ng para lang sa sarili ko dahil gusto ko ano man ang maging desisyon at pagdesisyunan namin ay kaming dalawa ang haharap dito.
May mga pagkakataon na magkasalungat kami ng paniniwala pero alam kong mas alam ni Zedrick ang makakabuti para sa aming dalawa kaya ako na ang nagpaparaya.Siguro at natrauma na din ang Zedzed ko sa pagmamaneho kaya sa twing lalabas kami ay nagtataxi nalang, o minsan naman ay kasama si Luke.
Ayoko din naman pakialaman ang bagay na gusto at ayaw niya lalo na kung alam kong makakabuti naman para sakanya o para sa aming dalawa.----------------------
"ZedZed ko, are you really okay?"
"Oo naman Chardchard ko, bakit mo naman yan naitanong?"
"Medyo kakaiba lang kasi napapansin ko sayo for the past few days eh."
"Ikaw talaga, halika nga dito, wag ka mag alala sakin, wala namang mali eh, baka nasosobrahan kalang sa pag aalala at pag iisip, maayos naman ako oh!"
"E syempre mahirap na, gusto ko lang makasigurado na maayos ka."
"Diba sabi ko sayo okay naman ang Zedzed mo, kaya hindi mo na kailangan pang mag alala sakin okay!"
"Oo na po.. Gusto ko lang naman na walang mangyayaring hindi maganda sayo."
"I understant Chardchard ko, kasi ganyan din naman ako sayo" habang nakayakap ako sa likod ni ZedZed hindi pa din maalis sa isip ko ang pag aalala sakanya.
Zedricks POV
Pinilit kong lumaban para kay Chard, para saming dalawa simula ng mangyari ang insidente, malaking panghihinayang para sakin ang araw na yun.
Dahil yun ang isa sa mga araw na pinaghandaan ko sa tulong ni Luke, alam kong maaaring totoo ang sinabi sakin ni Dr. Fausto nun pero ginawa ko nalang ang mga dapat kong gawin.***FLASHBACK***
"Mr. Imperial, sasabihin ko na sayo ang observation ko kay Mr. Mendoza, honestly nahihirapan akong inalyze at pag aralan ang kaso ni Mr. Mendoza but I'm telling you Mr. Imperial malaki ang possibility that he was only pretending to get your attention and the attention of others, so for him to be able na mapaniwala ang sarili niyang kagustuhan you have to be always on his side, it will lead surely to a severe depression if what he wanted would not be happen.
Baka maging totoo ang lahat."
BINABASA MO ANG
Isang Dipang Layo
РазноеWell actually po hindi ko alam if ano yung kahahantungan ng story kasi pag nagsusulat po ako ay impromptu, most of my stories if mapapansin niyo siya is M2M kasi yun ang request sakin na gawin pero laging may twist naman sa mga character involved. T...