Chapter 21 Confrontation

2.2K 81 5
                                    

Nagdaan ang mga araw pero patuloy pa din ako sa pag iisip, inoobserbahan ko bawat kilos ni Zed at Kuya Gino sa paraang hindi nila nalalaman, minsan nagbabago ang mood ko pero agad ko namang nababawi yun dahil may kailangan akong malaman, ano ba talaga ang gusto ni Kuya Gino na mangyari?
And for Zed is he really loves me?
Pero sa pagdaan ng mga araw lalong naging sweet sakin si Zed, pinakikita niya sakin kung gaano niya ko kamahal.

Saturday ngayon and Zed asked me to go out pero sabi ko sa bahay nalang nila kami mamaya kasi kailangan ko puntahan si Melai.

That time alam kong si Melai ang tao ngayon sa bakeshop nila kaya tinawagan ko muna siya para kumpirmahin kung siya nga ang tao dun para hindi masayang ang pagpunta ko.

"Ohhh anong nangyari?" Si Melai.

"Wala lang napadaan lang ako sayo masama ba?"

"Muka mo! Kilala kitang payatot ka, hindi ka susugod dito ng walang problema? So tell me, si Zed ba yan?"

"Wala nga wag mo kong echosin."

"Ikaw ang echusera, o kumain ka muna! Saka ano gusto mong drink? Coffee, water, juice, softrdinks o gasolina?"

"Gasolina? Papatayin mo ba ko?"

"Char char lang naman! Tubig nalang ahh medyo mahal na kasi ang juice at kape ngayon!"

"Tinitipid mo ko talaga?"

"Charot lang toh naman, di ka na nasanay., so ano na nga? Sino yang nasa isip mo ano yang gumugulo sa mga brain cells mo? Ano yang dumadaloy sa blood mo? Kabaklaan ba yan o kalalakihan?"

"Ayy naku sira ka talaga!"

"E ang arte mo kasi alam ko naman na may problema ka ayaw mo pa idaldal sakin."

"Oo na! Naguguluhan kasi ko Mels, di ko alam, sa mga narinig ko sa pag uusap ni Kuya at ni Zed mas lalo akong naguluhan at di ko alam kung ano ang iisipin ko, natatakot ako na baka malaman ni Zed ang tungkol sa tinatago ko, natatakot ako na baka sabihin ni Kuya Gino lahat, and before nagkaroon ng kasunduan si Zed at Kuya about me kung paano ilalapit ni Zed ang sarili niya sakin.
Nalaman ko lang nung narinig ko na nag uusap silang dalawa."

"E ang tsismosa mo naman kasi, bat kasi nakikinig ka ng may usapan ng may usapan! Kaloka ka!"

"E muka kasing seryoso pinag uusapan nila Mels, hindi ko alam pano icoconfront si Kuya o si Zed."

"E ano plano mo ngayon?"

"Hindi ko alam, kaya nga ako nagpunta dito eh para pakinggan yung mala Charo Santos mong advise."

"O diba all in one ang package ko, beauty brain talent san ka makakakita ng ganitong klaseng tao, sobrang rare nalang kami ngayon Bestie."

"Seryoso ko Mels."

"Kausapin mo muna ang Kuya mo! Pag nakausap mo na kuya mo, saka mo kausapin si Papa Zed! Makikinig naman sayo yun!"

"Susubukan ko, Pero I dont think na kaya ko."

"Achieve mo yan baklang toh!"

------

Mukang tama naman si Melai kailangan kausapin ko si Kuya about this, para malinaw na sakin ang lahat.
And then kakausapin ko si Zed para paliwanag sakanya lahat.
Mahal ko sila parehas pero ayoko magkaroon ng problema sa pagitan naming tatlo.

Nasa Sala ako nun ng makita ko si Kuya na papunta sa Kusina kaya tinawag ko toh!

"kuya??"

"O chard? Bakit?"

"Kuya, pwede ba tayo mag usap?"

"May problema ba?"

"Hindi Kuya.. Wala naman, may gusto lang ako itanong sayo!"

Isang Dipang LayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon