Namalayan ko nalang ang sarili kong nasa gitna ng kalsada at naglalakad di alam kung san patungo.
Ilang araw na ang nakalipas mula ng magkaroon ako ng sama ng loob kay Zed dahil sa mga nilihim niya sakin.Hindi ko din alam kung paano ko iaaproach si Zed, kaya sa tuwing pumupunta ito sa bahay ang bilin ko kila Kuya ay sabihing wala ako.
Tutal ito din naman ang gusto ni Kuya ang iwasan ko si Zed sa di ko alam na dahilan.Alam ko na din ang totoo tungkol sa nababalitang Girlfriend ni Zed dito sa Pilipinas pero hindi naman yun ang totoo kong ikinatatampo sakanya kundi ang pagtatago niya sakin na isa pala siyang kilalang model dito sa Manila.
Ayoko lang kasi magkaroon ng issue para sa kanya na ako ang palagi niya nakakasama at di makakaiwas yun sa puna ng mga taong malisyoso.Namalayan ko nalang ang sarili kong nasa park na pala ako, naupo ako sa bench at biglang isang bata na namana ng lumapit sakin at may dala itong puting rosas at inabot sakin may nagpapabigay daw nito.
Iniisip ko si Zed lang naman ang gagawa nun.
Kahit sa School namin ay ganun din palagi ko nakikitang may puting rosas sa upuan ko, pero hindi ko nalang din pinapansin."Iiwasan mo naba talaga ko?"
Kilala ko ang boses na yun, si Zed yun at wala nako dahilan ngayon para hindi siya harapin.
"Pano mo nalaman nandito ako?"
"Sinundan kita kanina, parang wala ka sa sarili mo?"
"Hindi naman, madami lang akong iniisip ngayon?"
"Tulad ng? Ako ba ang iniisip mo?"
"Ang kapal mo, bakit kita iisipin?"
"Kasi nung huling nagkita tayo at nagtatakbo ka hindi mo na ako hinarap, kahit s School ayaw mo akong makausap o makatabi kaya iniwasa nalang din kita baka kasi mas lalo kang magalit sakin."
"Sorry Zed, masama lang naman talaga ang loob ko dahil tinago mo sakin ang pagiging modelo mo!"
"Ayoko sabihin sayo yun, dahil baka magbago ang tingin mo sakin Chard., at ayokong mangyari yun."
"Bakit Zed?"
"Anong bakit?"
"Bakit mo to ginagawa sakin?"
"Hindi ko alam Chard, ang alam ko masaya ko kapag kasama ka, kapag nakikita kita.."
"Zed...May sasabihin ako sa'yo?"
"Ano yun Chard? Makikinig ako."
"Gay ako Zed!"
"Alam ko.."
"Pa--pano mo nalaman?"
"Mahalaga paba yun Chard kung paano?"
"Bakit ka pa lumalapit sakin kung alam mo na matagal na akong ganito?"
"Bakit Chard? Dahilan ba yun para di kita lapitan at di kita kausapin? Bakit may nakakahawa kabang sakit Chard?"
Sa puntong ito hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko o kung ano ang tumatakbo sa isip ko.
Hindi ko na din alam kung ano ang nararamdaman ko kay Zed.
Pakiramdam ko nahuhulog ako sakanya. Kaya ako apektado sa mga nangyayari.
Pero hindi pwede!
Hindi ko pwede sabihin sakanya kung ano ang nararamdaman ko.
Alam kong ako lang din ang mahihirapan at masasaktan."Basta Zed... Layuan mo nalang ako, yun din naman ang gusto ni Kuya eh ang layuan kita."
"Bakit ano bang sinabi sayo ng kuya mo tungkol sakin?"
"Wala Zed.. Wala.."
----------
Nabalot kami ng katahimikan ng mga sandaling yon! Hindi alam kung sino ang babasag sa katahimikan na yun.
BINABASA MO ANG
Isang Dipang Layo
De TodoWell actually po hindi ko alam if ano yung kahahantungan ng story kasi pag nagsusulat po ako ay impromptu, most of my stories if mapapansin niyo siya is M2M kasi yun ang request sakin na gawin pero laging may twist naman sa mga character involved. T...