Hindi ko alam kung paano ko sisimulan kila Kuya at Mama ang pagsasabi ko tungkol sa sinabi sakin ni Melai. Alam ko kasi na hindi papayag si Mama lalo na si Kuya, para tuloy ang bata bata ko pa para maging independent para sa kanila.
"Bunso, parang ang lalim ng inisiip mo?" Si kuya
"Oo nga Richard, pansin ko din yan sayo anak nitong mga nakaraang araw."
Itinuloy ko nalang ang pagkain ko dahil di ko alam pano ko sasabihin kila Mama na gusto ko sumama kay Melai para dun magkolehiyo sa Manila.
"Hi-hindi naman po Ma, Kuya! Wala naman po".
"Anak.. Hanggang ngayon ba ay iniisip mo pa din siya?"
Bigla ko naman naalala ang nakaraan ko, pero wala na sakin yun! Ang lahat ng sugat ay naghihilom at hindi na ako apektado dun sa nakaraan.
"Huh?? Ma naman, wala na po yun, matagal na po yun, i have moved on and sana Ma, kuya, kayo din"
"Little Bro, ano ba yang iniisip mo at parang palagi kang nag aalangan"
Napansin din pala ni kuya na twing lalapit ako sakanya ay may gusto akong sabihin pero agad ko namang binabawi.
"Kuya? Diba sa Manila kana sa isang Buwan? Yun lang naman ang iniisip ko, kasi wala na ko gmuya dito!"
"Toh' talagang bunso ko, syempre every weeekends uuwi naman ang kuya dito, mamimiss ko kaya ang pinaka cute kong bunso!"
Masasabi kong ang swerte ko sa kuya ko, dahil sobrang protective nito sakin at sobrang maalalahanin pagdating sakin, kaya hanggang ngayon ay di nag aasawa dahil gusto daw muna niya ako makatapos ng pag aaral bago siya bumuo ng sarili niyang pamilya, Napag usapan na namin ito dati pero hindi ako mananalo sa kuya ko. Kaya hinayaan ko nalang siya sa mga gusto niyang gawin.
"Kuya para di mo ko mamiss, pwede bang sumama nalang ako sayo dun sa Manila?"
Nagkatinginan naman si Mama at Kuya na parang alam na nila kung ano ang ibig kong sabihin.
"Bunso nag usap na tayo tungkol dyan diba?"
"Pero kuya---" nakapout pa ang labi ko para magmuka akong kawawa, alam ko kasi effective toh'kay kuya! Pero sa mga oras na'to ay di umubra ang pagppacute at paawa effect ko sakanya at kay mama.
"Bunso, naintindihan mo naman ang sinabi ni Kuya diba?"
"Oo kuya pero...."
"Richard, wag na matigas ang ulo, di naman pangmatagalan ang trabaho ng Kuya mo don, kaya babalik din naman sya agad diba Gino?"
"Oo naman Ma, baka kasi kung ano pa gawin nitong Bunso ko, kapag wala ako dito madalas eh"
Tumahimik nalang ako at tinuloy ang kinakain ko.
Matapos naming kumain ay umakyat nalang ako s kwarto at naupo sa balcony ng kwarto ko, habang nakatingin ako sa mga bituin sa kalangitan.
Naramdaman ko naman na may kamay na humawak sa balikat ko!"Kuya?"
"Chard chard, Naintindihan mo naman an kuya diba? Naintindihan ka din naman ng kuya, ikaw lang naman ang inaaalala namin ni Mama, nabanggit sakin ni Melai at alam ko na ang balak mo."
Nanatili lang akong walang imik at nakatingin sa mga ulap. Buo na ang pasya ko magpapaalam ako kay kuya at kay mama since alam naman na nila ang balak ko.
"Kuya, gusto ko mag aral sa Manila, andun ka naman diba?"
"Chard chard, alam mo naman na di madali ang buhay dun, mas mabuti kung dito ka nalang sa probinsiya.."
"Pero kuya, hanggang kailan ko idedepende ang sarili ko sa'yo, sainyo ni Mama?, hanggang kailan ako magiging duwag para harapin ang tunay na buhay?"
Alam ko na kaya ganun nalang ka protective sakin si kuya dahil nga sa personality ko, dahil baka daw bastusin lang ako at husgahan ng mga tao dahil nga sa ganito ako, pero hindi ko naman ginusto maging ganito, ito ang nararamdaman ko at kailangan ko lang magpakatotoo sa sarili ko.
---------------------------------
GINO's POV
Alam ko naman kung ano ang iniisip ng bunso ko, halata kasi sa mga kilos niya kaya nakipag usap ako kay Mama tungkol dito, sinabi din sakin ni Melai lahat kaya minabuti ko makipag usap kay Mama, natatakot lang kasi ako para sa kapatid ko dahil masyadong mapanghusga sa panahon ngayon ang mga tao, lalo na sa Manila pa!
Kaya kahit na gusto ko pumayag na sa Manila mag aral si Chard ay may pumipigil sakin dahil ayoko makagawa ng di magandang bagay kapag may nangyaring masama sa kapatid ko.
Pero ayos naman kay Mama ang lahat, basta daw andun ako, pero hindi sa lahat ng oras at pagkakataon ay mababantayan ko siya kung sakali man na dun siya mag aral sa Manila at ako nama'y duon na magtatrabaho.
Kaya dumating kami sa isang desisyon ni Mama.---------------------
"Ma, Kuya?" Pagbasag ko sa katahimikan sa mesa habang kumakain kami ng Dinner.
"Ma, kuya, may gusto po sana ako sabihin sa inyo"
Batid kong alam na ni kuya kung ano man ang sasabihin ko, gusto ko mag paalam sakanila, hindi ko alam kung big deal ito para sakanila pero gusto kong maging independent, i have to be strong at buo na ang desisyon ko sabihn sakanila."Ano yun Richard?" Si mama.
"Ahmm Ma, kasi po tungkol po dun sa...."
Hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ng biglang may nagdoorbell. Sino naman kaya yun? Wala naman kami ineexpect na bisita as of this moment.
"Manang Fe! Pakitingnan naman ho, sino yung nagdoorbell." Si Mama.
"GoodEvening po tita, Goodevening Kuya Gino, goodevening bestie! Goodevening Philippines and Goodevening World! I am Ms. Melai Santillan,18,Tarlac! I believe in saying that.......
That.... That...."Pansin ko naman ang paghalakhak ni Mama sa twing may gagawing kaberatan itong si Melai, daig pa ang kasali sa Pageant sa pagpasok niya ng bahay, habang paikot ikot pa.
"That what??" Si kuya Gino.
Tameme naman si Melai at halatang nag iisip kung ano ang sasabihin.
"That.. Oww my garrrddd Fafa Gino, nakalimutan ko, pero push award.com natin to'! That.. I love you!"
Para namang nagulat si Kuya, kaya naman.
"That I love you all!!!! (With matching flying kiss pa ahh) ang harot lang. Si melai.
"Sakto ang dating ko mga kabagang, may lafang!!!" Si melai.
"Ay naku, tama na nga yan bata ka, aatakihin ako sa'yo, halikat maupo ka't saluhan mo kami!"
"Ay namernn, mother earth, Lafang po yan! Di makakatanggi ang pinakamaganda at pinakasexing Babae sa lugar ng Tarlac"
Ano na naman kaya ang kailangan ng babaeng ito, at gabi na eh, sumusugod pa sa bahay, di ko tuloy nasabi kila Mama ang sasabihin ko, pero di bale May ibang pagkakataon pa naman.
BINABASA MO ANG
Isang Dipang Layo
РазноеWell actually po hindi ko alam if ano yung kahahantungan ng story kasi pag nagsusulat po ako ay impromptu, most of my stories if mapapansin niyo siya is M2M kasi yun ang request sakin na gawin pero laging may twist naman sa mga character involved. T...