"Andito ko sa labas chardchard"
Yun ang message na natanggap ko kay Zed, paglabas at pagkakita sakin ni Zed, ay agad naman niyang hinawakan ang kamay ko at niyakap ng mahigpit habang sinasabi niya sakin ang mga salitang "everything will be fine chardchard ko, I'm here Ok."
Napabuntong hininga nalang ako sa mga balikat ni Zed, hanggang ngayon di ko masabi sakanya ang lahat, sobrang bigat sa pakiramdam pero pinili ko nalang na manahimik at huwag ipaalam sa lahat kung ano ang natuklasan ko, hindi madali para sakin ang tinatago ko dahil hindi ko alam kung paano haharapin ang katotohanan, hindi madaling tanggapin ang lahat.
"Tara?!"
"San naman?"
"Kahit saan?"
"Sira ka talaga, tingnan mo nga suot ko?"
"Oh anong mali sa suot ng chardchard ko? Kahit nga wala kang suot eh ok lang sakin eh, mas madali diba?"
"Siraulo ka talaga, napakamanyak mo!"
"Ahahaha biro lang chardchard ko, pero kung tototohanin natin mas maganda hehe!"
Sumakay kami ng sasakyan ni Zed, hindi ko alam kung san ang destinasyon namin pero mabuti na din siguro to' para kahit paano makalimutan ko naman kung ano ang mga gumugulo sa isip ko.
Habang nasa byahe kami ay hindi naman naalis ang kamay niya sa kamay ko, yung pakiramdam sobrang secured ako sakanya at sinasabi niyang nandiyan lang siya palagi sa tabi ko."Chardchard ko? Kiss me?"
"Ano kaba Zed nasa daan tayo oh!"
"Namimiss ko lang naman halik ng Chardchard ko eh." Nakapout pa niyang pagkakasabi.
"Ay naku Zedzed ko, wag ka ngang adik nagdadrive ka oh, baka mabangga pa tayo."
"Sige na Chardchard ko, pag di mo ko kiniss ihihinto ko to' dito sa gitna ng daan."
Di ko ginawa ang pinagagawa ni Zed parang bata pero ang cute lang talaga nitong Boyfriend ko sa twing nag aasal bata.
At ang siraulo inihinto nga ang sasakyan sa gitna ng daan, dinig ko naman ang mga busina ng mga sasakyan na nasa likod namin."Ui Zedzed, nababaliw kanaba? Bumubusina na sila ohh."
"Hindi ko to paaandarin hanggat walang kiss si Zedzed kay Chardchard."
Pero bilang makulit ang baliw kong boyfriend ay hinalikan ko nalang din siya pero kakaiba ang halik na yun, nadala ko ng emosyon ko ng mga sandaling yun, tumagal ng dalawa o tatlong minuto.
Namalayan ko nalang na nasa gitna pala kami ng daan ng may kumatok sa bintana ng sasakyan namin ni Zed."Hoyyyyy!!!! Ano ba? Nakakasagabal kayo sa mga dumadaan ohh!"
"Binuksan naman ni Zed ang bintana ng sasakyan at isang nasa middle age na lalaki ang nasa labas nito."
"May problema ba sir? Ang dami na kasing sasakyan sa likod niyo eh!" Tanong ng lalaki.
"Wala ho Sir, yung boyfriend ko ho kasi eh masyadong sweet hehe." Si Zed.
"Wag kayo dito maglampungan, nakakasagabal kayo sa daan."
"Yes sir, mahal ko lang ho kasi yung Boyfriend ko, ang cute niya manong noh? Chardchard ko yan!"
Umalis naman ang lalaki at pailing iling pa, nakaramdam naman ako ng konting hiya sa inasal ni Zed at syempre may kasamang kilig din.
Iba talaga ang trip nitong Zedrick Imperial nato kahit kelan eh.
Nung minsan pa ay umakyat ng stage sa isang park na nadaanan namin at saka gumawa ng eksena ianounce daw ba sa buong mundo na ako ang boyfriend niya, sa dami ng tao.
BINABASA MO ANG
Isang Dipang Layo
AcakWell actually po hindi ko alam if ano yung kahahantungan ng story kasi pag nagsusulat po ako ay impromptu, most of my stories if mapapansin niyo siya is M2M kasi yun ang request sakin na gawin pero laging may twist naman sa mga character involved. T...