"Chard chard Ko, Hindi ko alam kung paano haharapin sila Mama pag uwi nila, sabi kasi ni Kuya Josh uuwi daw sila ng kapatid ko para sa graduation ko, masaya ko na malaman yun dahil kahit papano iniisip pa din pala nila ako, pero anong dahilan? Bakit biglang nagbago ang lahat?"
"Zedzed ko, wag ka mag isip ng kung ano ano, we cant deny the fact na still anak ka ng Mama mo, and alam ko na hindi ka niya kayang tiisin, kung ano ang nararamdaman mo yun ang sundin mo Zedzed ko, alam ko naman na napakabuti mong tao, kaya nga Love na Love kita eh kaya alam kong kaya mo ding bigyan ng puwang dyan sa puso mo ang Mama mo pati na din ang kapatid mo, Malay mo ito na yung 2nd chance para mabuo kayo ulit diba?"
"Oo Chardchard ko, hindi ko lang alam talaga kung paano ko sisimulan, basta dyan ka lang sa tabi ko ahh."
Bigla naman akong nalungkot sa sinabi niyang yon dahil sa totoo lang hindi ko din alam pano haharapin ang pamilya ni Zed, baka hindi din kami matanggap nito.
"Oh bakit ganyan muka mo?"
"Wala lang... Iniisip ko lang kung matatanggap kaya ako ng Mama mo para sayo?"
"Tulad ng sabi ko Chardchard ko, I will protect you no matter what, I hope na hindi mo nakakalimutan yun."
"Oo naman, hindi ko naman talaga nakakalimutan hindi ko lang din siguro alam kapag dumating na yung araw na yun kung kaya mo pa kong protektahan."
"Shhhhh.. Zedzed is always here alright? Saka, sino ba naman ang taong aayaw sayo diba? Sobrang cute, malambing, mapagmahal, super caring at higit sa lahat sobrang yummy!!"
"Asusss, ayan dyan ka magaling eh!! Tigil tigilan mo nga ako ng pambobola mo!"
"Uii hindi ahh, di kita binobola, bat ko naman gagawin yun?"
"Aba hindi ko din alam, Tara uwi na tayo Zedzed ko.."
"Hmmm.. Ayawww... Kaya mo gusto umuwi para makasama mo na naman yung Luke na yun!"
"Ayy naku.. Heto na naman po kami... Luke again and again, akala ko ba okay na?"
"Di ko lang kasi maiwasan isipin syempre hindi ako ang kasama mo, sabi ko naman sayo pwede naman tayo umupa ng sarili nating bahay, magkakasama pa tayo, mas maalalagaan kita, mayayakap araw araw, makakagawa tayo ng baby araw araw, kahit oras oras pa kung gusto mo hehe.."
"Ayonnn.. Edi lumabas din ang totoo, pagkapervert mo talaga iniisip mo eh noh! Muka mo!!! Tara na umuwi na tayo maaga kapa bukas para sa exam mo!."
"Wala ka yatang bilib sakin eh, ako paba? Super Z! And supe Z ng buhay mo! Yakang yaka yang mga exam na yan, ako yata ang taong may pinakamabisang inspirasyon at wala silang makikita na tulad ng sa akin ahh.."
"Oo na ako na naman yan!! Galing mo din eh noh. Galing mo mambola."
"Owww assuming ka pala Chardchard ko? Haha may sinabi ba akong ikaw?"
"E SINOOO??? Sige nga!!"
"Ohh relax lang baby ko, syempre ikaw yun! Mahal na mahal kita Chardchard ko."
"Asusss, baka langgamin na tayo dito tara na umuwi na tayo para matahimik ka na din dyan."
"Sa isang kondisyon?"
"Ano na naman yan."
"Kiss me!!"
"Kiss talaga?? Dito sa lugar na to??"
"Oh bakit anong masama dito? Ayaw mo yata eh."
Ang cute talaga ni Zed kapag nag aasal bata, nagpapout pa ng lips nya na parang kawawa.
Sobrang nakakawala talaga ng lungkot itong mokong na to, Kung pwede nga lang na magsama kami pero hindi pwede eh, ayoko makadisturb sa trabaho at pag aaral ni Zed, ayoko din na magkaroon pa siya ng issue.
BINABASA MO ANG
Isang Dipang Layo
РазноеWell actually po hindi ko alam if ano yung kahahantungan ng story kasi pag nagsusulat po ako ay impromptu, most of my stories if mapapansin niyo siya is M2M kasi yun ang request sakin na gawin pero laging may twist naman sa mga character involved. T...