Chapter 17 Sweet Vacation

2.6K 75 3
                                    

"Ui Chard, Holiday naman next week diba? So pwede tayo lumabas. Dadalin kita sa isa sa pinaka gusto at paborito kong lugar, im sure you will love that too and you will enjoy it."

"Hindi pa ko makaka Oo Zed eh, baka may biglang lakad kami nila Kuya."

"Kaya nga Sinasabi ko na sayo diba? Para makapagpaalam kana?"

"May magagawa paba ko? E palagi naman ikaw ang nasusunod?"

"Sobra ka naman, isa pa ayaw mo ba? Maganda sa lugar na yun promise!"

--------
Dumating ang araw ng pag alis namin ni Zed para sa Holiday Vacation, sinama namin si Melai at ang ang dalawang kalog naming kaibigan na sina Sef at Gerome.

Mahigit 5 oras ang byahe namin kaya minabuti naming umalis ng madaling araw, sinundo nalang namin sila Melai,Sef at Gerome sa kani kanilang mga bahay.
Naupo ang tatlo sa likod ng sasakyan at kami naman ni Zed ay sa harap dahil si Zed ang driver at gusto niya ay ako ang nakaupo sa harap.

Hindi naman magkamayaw sina Melai at Sef sa pag aasaran sa likod dahil umpisa palang na magkakilala ang dalawang ito ay parang mga asot pusa na.

"Bestie... Ako nalang dyan sa harap para tabi kami ni future Hubby ko." Si Melai.

"Dapat sayo sa compartment inilalagay." Si Sef

"Duh?? Tong ganda kong toh! Angelina Jolie ang Peg dapat ikaw sa gulong nalang isabit eh, kamuka mo pa naman si Negi." (Yung nasa GGV)
O gusto mo ihashtag ko?"
#SefkamukaniNegiRealtalk

"Nagsalita ang babaeng kamuka ni Long!"

"Ow my God! Papa Zed ohh.. Itong seksi at ganda kong to? Kamuka ni Long? Excuse me lang ah.. Siguro pinaglihi ka kay Sam."

"Sino namang Sam?" Si Gerome.

"Sama ng muka!"

At tawanan lang kaming lahat, iba talaga pag si Melai ang kumana eh.

"Negi ay este Sef,seryoso may tanong ako?" Si Melai.

"Ayusin mo yang tanong mo babaeng kamuka ni Long!" Si Sef.

"Yung totoo Tao ka ba? Bat para kang ilong na tinubuan ng muka?"

"Abaaaa... Naku pigilan niyo ko, namumuro na sakin tong babaeng to! Akala mo maganda!"

"Maganda naman talaga ako, at kahit ikaw nalang ang natitirang lalaki sa buong mundo ni kuko mo ayoko mahawakan!"

"Oii tama na nga yan! Para kayong asot pusang dalawa pag nagkasama." Si Zed.

-----------
Tatlong oras na ang nakakalipas at nakatulog na ang tatlo sa likod.
Pero gising na gising pa din kami ni Zed, ayoko matulog dahil walang kausap si Zed pag nagkataon medyo malayo pa din ang itatagal ng byahe namin.

Sobrang sarap tingnan ni Zed, parang inosenteng inosenteng tao para kong namamaligno sa twing nakakaharap ko siya.
Kaya iginawi ko nalang ang tingin ko sa may bintana.

Tanging kwento lang ang kaya kong itulong kay Zed sa mga oras na yun, gusto ko man siyang palitan sa pagdadrive nya ay di ko magawa dahil hindi naman ako sanay magmaneho ng sasakyan.

Sabi ko sakanya ay magstope over muna kami kahit papano ay makapagpahinga sya o kaya naman ay makakain.
Pero mas mabuti daw kung mas maaga kami makakarating duon sa pupuntahan namin.

Isang Dipang LayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon