Ang bilis ng araw sa School, halos di ko na din namalayan na almost a Month na din simula ng nagsimula akong pumasok sa University na to, madalang na din kami magkita ni Melai dahil may mga kasama na din siya sa University, minsan nga nagtatampo na din ako sakanya pero araw araw pa din naman kami nagkakachat sa Facebook o di naman kaya ay tatawag siya sakin.
Halos natapos ang isang buwan na parang hindi ko kilala si Zedrick Hi! Hello lang kami sa twing magkikita kami sa ClassRoom.
As much as possible kasi ayoko makipag usap sakanya. Pero last 3Days hindi siya pumapasok.Tinanong ko si Kuya Gino kung napapadaan sa bahay si Zedrick, ang sabi naman sa akin ay hindi daw, hindi din daw niya nakikitang lumalabas sa bahay nila o nakita man lang sa daan.
Asan na kaya yung mokong na yun? Bigla nalang nawala na parang bula.
O baka naman may problema lang!------
Sabado ngayon, wala akong klase kaya nagpunta ako kila Kuya Josh para tanungin kung anong namgyari kay Zedrick, pero sabi ko sa sarili ko?
Bakit ko naman tatanungin pa? E gusto ko nga layuan niya ko.Gusto ko lang din siguro malaman kung bakit hindi pumapasok sa Skwelahan itong mokong na to.
------
Chard's POVNasa labas ako ng bahay nila Kuya Josh pero hindi ko magawang pindutin ang doorbell o kumatok o tumawag man lang kung sini ang tao sakanila.
I was supposed to press the Doorbell ng biglang iniluwa sa pinto nito si Kuya Josh.
"Ohh!! Richard ikaw pala, anong ginagawa mo dito?"
"Ahhh.. Eehhh.. Kuya... Good afternoon po!"
"May kailangan kaba?"
"Ahhh. Ehhh... Wala po kuya, tatanong ko lang po sana kung nandyan po si Zedrick."
"Eto nga bababa ako para pumunta sa Pharmacy, ilang araw na kasing may sakit at nilalagnat, ayaw naman magpadala sa Hospital."
"Ahh ehhh ganun po ba kuya? Nagbaka sakali lang naman po ako magtanong kasi po hindi po pumapasok nitong nakaraang araw eh."
"Oo, nasabihan ko na din ang mga prof. Niya, alam naman na nila, masyado lang sigurong napagod si Zed, kaya ayan nagkasakit, masyado kasi inaabuso ang sarili."
"Ganun po ba kuya? Sige po mauna na po ako, pakisabi nalang po Get well soon."
"Naku.. E baka pwedeng maiwan ka muna dito sandali at bibili lang ako ng gamot sandali sa Pharmacy, mukang kailangan na din kasi ni Zed eh, nakakahiya man pero ikaw na muna tumingin sakanya."
"Ahhh.. Ehhh.. Sige po"
"O pano maiwan na muna kita dito ahh, pasok ka lang sa loob sa gawing kanan ang kwarto ni Zedrick, katukin mo nalang"
Agad namang umalis si Kuya Josh, may pag alala din akong naramdaman sa mokong na yun, pero hindi naman ito ang gusto ko, pero bakit ako pa yung lumalapit ngayon?
Tama! Pinakiusapan lang naman ako ni Kuya Josh na dumito muna.
Pero di ako papasok sa kwarto niya.Inikot ko ang paningin sa bahay nila at tangin puro litrato lang ni Zed ang andito, at isang Family picture, siguro ay ito ang Pamilya niya.
Pero ang cool ng mga picture niya, para siyang Model sa mga Pictures.Gusto ko sana siya silipin sa kwarto niya pero minabuti ko nalang na maupo sa sofa at hintayin nalang si Kuya Josh.
Nang ituon ko ang mata ko sa may gawing hagdan ay nakita ko naman ang hinang hina na si Zedrick na akala mong mawawalan ng malay.
Kaya agad naman akong napatakbo para puntahan ito.
BINABASA MO ANG
Isang Dipang Layo
CasualeWell actually po hindi ko alam if ano yung kahahantungan ng story kasi pag nagsusulat po ako ay impromptu, most of my stories if mapapansin niyo siya is M2M kasi yun ang request sakin na gawin pero laging may twist naman sa mga character involved. T...