Naka upo ako sa beranda ng kwarto ko, nag iisip kung ano ba talaga ang tinatago sakin nila Kuya, pero sa kabilang banda naisip ko na baka nga tungkol lang yun sa Birthday ko.
Maaaring yun nga lang yun, mahilig naman sila dun, alas dose na ng tumunog ang Cp ko, at si Melai ang nagtext sakin.
"Beks, Happy Birthday, See you later mwahhh tsup tsup!"
Agad ko namang nireplayan si Melai. "Salamat best"
Oo nga pala Birthday ko na, ngayon ko malalaman kung tama ang iniisip ko kila Mama.
Habang nakatayo ako sa Balcony at dinadama ang malamig na hangin ay naalala ko na naman ang sakit na dinulot sakin ng nakaraan.
Hindi ko maiwasan na hindi maluha sa mga nangyari, pero parehas naman na kami naka move on ni Henry. May mga oras lang talaga na nalulungkot ako sa mga pinagdaanan ko.Alas dos na ng madaling araw ng mahiga ako, hindi ko na din namalayan na nakatulog na din ako.
------------
Alas 10:00 na ng magising ako, pero para bang tamad na tamad ako ngayong araw na'to, pero agad ko naisip ang gusto kong malaman kung tama ba ko o mali.Agad ko namang tinungo ang Banyo para maligo at gumayak, alam kong darating si Melai at ang iba kong kaibigan. Pero mas hinihintay ko kung ano ang kutob ko kila Mama.
Bumaba ako sa kwarto at nakita ko agad ang taklesa kong kaibigan kasama ang kanyang pinsan na kausap si Kuya, habang abala naman sa Kusina sila Manang Fe, Tiffany at si Mama.
"Bestieeee Happy Birthday, ayan dalaga kana! Charr!!"
"Baliw! Salamat, ang aga mo ahh.. Gutom lang?"
"Ay naman palaman suman unan, ako paba? You know me very well. Haha"
"Happy Birthday Bunso ko" si kuya, sabay gulo na naman sa buhok ko. Grrrr (kaayos ko lang kaya!)
"Kuyaaaa yung buhok ko!, Salamat kuya"
"Ohh iho, anak, Gising kana Pala, Happy Birtdhay Chard chard ko." Si Mama.
"Thank you Mama" sabay halik naman sa pisngi ko.
"O siya maupo muna kayo diyan at ipapadala ko na dito kila Manang Fe yung pagkain para makakain na kayo"
"Sige po Ma, salamat po ulit."
Alam kong may pinag uusapan sila Kuya at Melai nung makita ko sila bago ko bumaba sa kwarto ko.
At kung ano yun, yun ang dapat kong alamin.Halata naman sa mga tingin nila sa isat isa, alam kong alam ni Kiray toh!
"Pssttt!! Melai, anong pinag uusapan niyo ni Kuya?"
"Yung about sa kasal namin ng kuya mo! Magigin bayaw na kita, ay sarrehh! Hipag pala, buntis ako, nabuntis ako ng kuya mo nung nagpunta kami sa sagingan nuon"
"Siraulo!!!!"
"Swear my friend, hinaras niya ko, pinilit niya ko, ayoko sanang gawin dahil bata pa ko, pero masharaappp pala ang Kuya mo." Charrrrr!
"Tuktukan kaya kita dyan? Gusto mo?"
"Toh naman, nangangarap lang naman ang the Beautiful Princess in the whole Town? Diba pwede yun??"
"Hindi!!!!" Di ka papatulan ni Kuya!"
"Ayy over my dead Body sya paba ang choosy sa napakaseksi at nakakabighani kong ganda?" Charrrrr
----------
Mukang ala akong makukuhang matinog sagot dito sa babaeng toh, kaloka!
Maya maya pa ay nakahanda na ang pagkain at nagsidating na din ang ilan kong mga kaibigan na hindi nawawala tuwing Kaarawan ko.Kapansin pansin din ang kilos ni Kuya na tila may hinihintay na bisita.
"kuya??"
"Ohh Bunso? Bat di mo saluhan mga kaibigan mo dun sa loob?"
"Mamaya na ko kuya, sabay na tayo, Kuya??
May hinihintay kaba?""Ahh oo yung Kaibigan ko galing pa sa Manila, malapit na daw sila, mukang naligaw pa yata kaya inaabangan ko dito sa labas"
"Ganun ba kuya, samahan na kita dito!"
"Wag na bunso sige na dun ka na sa loob at andun mga kaibigan mo, Saka ayaw ko mainitan ang Bunso ko!"
As usula ginulo na naman niya buhok ko!! Grrrrr..
Maya maya pa ay dumating na ang hinihintay ni Kuya, Pero ang naka agaw sakin ng pansin ay ang kasama nung Kaibigan ni Kuya na naka Faded Jeans at White V neck na shirt lang, litaw na litaw ang kagandahang lalaki na parang isang Modelo, may pagka Long Hair din at ang ganda ng Mata niya, sobrang Lean ng Katawan at ang Gwapo niya.
Agad namang pinapasok ni Kuya ang bisita niya sa Living room at kami naman ng mga kaibigan ko ay nagpunta sa Pool, pero itong si Melai naiwan sa Living room at kausap na niya yung lalaki.
Juice colored nakakaloka si Melai ang bilis.Pansin ko na palihim na tumitingin sakin yung kasama ng Kaibigan ni Kuya na si Kuya Josh pero agad ko naman ding iniiwas ang tingin ko.
Nakatayo ako sa gilid ng pool habang pinagmamasdan ko ang mga kaibigan kong masayang naghaharutan sa Pool.
"Hi, Happy Birthday, ikaw pala yung kapatid ni Kuya Gino" iniaabot ang kamay niya para makipag shake hands.
"Salamat.. Oo ako nga!"
Hindi ko alam kung aabutin ko ang kamay niya dahil naiilang ako, para kong minamagnet papalayo (hindi papalapit ahh) sa taong toh!Kaya kunwari'y nabitawan ko ang hawak kong Juice, pero sa May lower part ng Pants niya natapon yun! Sh**** Richard Kier!!! Ang tanga mo!
"Sorry!! Sorryy!! Sorryy talaga... Naku sorry talaga, di ko sinasadya."
"Ok lang, Juice lang naman yan"
"Naku sorry talaga, ikukuha nalang kita ng Pants ng Kuya ko para mapalitan mo yang suot mo."
Di ko alam kung bakit ko naiooffer sakanya yun, pero gusto ko lumayo di dahil sa nahihiya ako pero naiilang ako.Pagtalikod ko ay bigla naman niya ko hinawakan sa braso.
"Wag na, I'm fine.. Its alright. So pwede naba ko magpakilala sayo?"
Tango nalang ang naisukli ko sakanya bilang tugon at isang titig na ayaw maalis.
"Oh bakit mo ko tinitingnan ng ganyan Birthday Boy?"
"Yung braso ko kasi hawak mo?"
"Pasensya na, Zedrick nga pala."
Muli niyang inabot ang kamay niya para makipag shake hands, this time ala nakong way para umiwas dahil wala na kong hawak.
"Richard."
Maiksing tugon ko at abot na din ng kamay ko.
Pero agad ko namang inalis yun."Pasensiya na din ahh nadumihan kapa tuloy, sorry ulit"
"I told you its alright!"
"Sige punta muna ko sa Loob ahh. If may kailangan ka mag sabi ka lang kay Kuya, Salamat ulit."
Agad naman akong nagtatakbo sa loob na parang bata sa hiya at ilang kay Zedrick.
BINABASA MO ANG
Isang Dipang Layo
RandomWell actually po hindi ko alam if ano yung kahahantungan ng story kasi pag nagsusulat po ako ay impromptu, most of my stories if mapapansin niyo siya is M2M kasi yun ang request sakin na gawin pero laging may twist naman sa mga character involved. T...