Chapter 30 Rebelasyon!

1.6K 72 1
                                    

Zedrick's POV (Yes sa wakas may POV na ulit si Zedrick haha)

Ilang araw na ang lumilipas pero hindi na sumasagot si Chard sa mga text at tawag ko, wala na din siya sa unit ni Luke, ang sabi ng kapitbahay nila ay wala na daw tao dun sa unit na yun, sinubukan kong kausapin sila Melai at mga kasamahan ni Chard sa trabaho pero hindi din nila alam kung asan ito, ang sabi sakin ni Alexa ay nakita daw nila ako sa bar na may kahalikang babae na siyang dahilan ng hindi pagpaparamdam sakin ni Chard, sobra akong nag aalala para kay Richard, nagkakamali siya, hindi ako ang nakita niya kung hindi si Zion, pinaliwanag ko din kila Alexa ang lahat, Hindi pa din naman nakikita ni Chard ng personal ang kakambal ko, kaya napagkamalan niyang ako si Zion, kapag may nangyaring masama kay Chard hindi ko mapapatawad ang sarili ko...

Alam kong sobrang daming tinatago sakin ni Richard ramdam ko ang lahat ng yun.
Ginagawa ko naman ang lahat para mapasaya ang taong mahal ko pero bakit inilalayo niya sakin ang sarili niya, minsan tinatanong ko ang sarili ko kung ano ang pagkukulang ko.

Ilang linggo na akong naghahanap kay Chard pero hindi ko siya makita nahihirapan ako sa sobra h laki ng Maynila.
Ipinagbigay alam ko na rin sa mga pulis ang tungkol kay Richard, maging kila Kuya Gino ay sinabi ko ito dahil lubos na akong nababahala.
Hindi ko alam kung ano ang pinagdaraaanan ngayon ng Boyfriend ko pero alam kong sa pagkakataong ito higit na kailangan niya ako.

Hindi ko kayang iwanan si Richard sa ganintong sitwasyon, sobrang dami na naming pinagdaanan para isuko ang lahat, ayokong umalis ng Pilipinas ng hindi ko natatagpuan si Richard.

Igigive up ko ang lahat alang alang kay Richard, hindi ako susuko.
Hindi ako titigil sa paghahanap sakanya.
Kinausap ko din si Luke overseas at tutulong daw ito sa paghahanap kay Richard pag uwi niya sa isang linggo dito sa Pilipinas.

------------

Dumating si Luke sa Pilipinas at malaking tulong ito sakin para matagpuan si Richard kung nasan man siya ngayon.
Nalaman ko din lahat kay Luke at parang pinipiga ang puso ko sa sakit na nararamdaman ko, hindi ko alam na ganun na pala ang kalagayan at pinagdaraanan ni Richard, sinisisi ko din ang sarili ko, pakiramdam ko wala akong kwentang Boyfriend kay Richard.
Hindi ko alam na ganun na pala kabigat ang lahat para kay Richard, napakagaling talaga niya magtago ng nararamdaman niya.
Tumulong din naman sa paghahanap sila Kuya Gino at Kuya Josh at ganun nalang ang pag aalala ng Mama ni Kuya Gino.
Nagalit din sakin si Kuya Gino dahil isa ako sa sinisisi niya kung bakit nangyari lahat ng ito kay Richard.
Naguguilty ako, gusto ko magalit sa sarili ko.

Kinompronta ko din si Mama tungkol sa matagal ng tinatago sakin ni Richard na nalaman ko lang kay Luke.

***FLASHBACK***

"Oh maaga ka yata today Iho?"

"Tell me the truth Ma!!!" Medyo pasigaw kong pagtatanong kay Mama.

"What truth are you saying?"

"Ma, wag ka na mag maang maangan pa, alam kong alam mo!"

"What?!! Hindi kita maintindihan Zedrick!"

"Bakit?? Ma? Anong ginawa sayo ni Richard?"

"Ow c'mmon Son, wala akong ginagawa kay Richard."

"Kaya kinausap mo siya na layuan ako at bantaan siya ganun ba Ma?"

"Wag mo ko pagtataasan ng boses Zedrick!"

"Anong kasalanan namjn sa'yo?"

"Wake up Son, Hindi makakabuti sayo ang relasyon niyo ni Richard, gusto ko magkaroon ka ng maayos na Pamilya, magkaroon ng mga anak at Asawa."

"Wala kang alam Ma, hindi sukatan ng tunay na kaligayan ang magkaroon ng isang asawa at mga anak, dahil ako, dahil kami ni Richard, masaya kami sa kung anong meron kami."

Isang Dipang LayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon