"Doc, maraming maraming salamat po sa information that you have given to us, napakalaking tulong po ito para samin ni Zed para makita na namin ang kapatid ko." Si Luke
Habang nagpapaalam kami kay Dr. Fausto, nakatayo kami at nakikipag kamay upang magpasalamat sa Dr.
Matapos naming malaman ang lahat ng nangyati kay Chardchard ko sa halos isang buwan niya dito sa Hospital ay takot, kaba at lungkot ang nararamdaman ko sa sinapit ng pinakamamahal ko.Pero sa kabilang banda, may parte ng puso ka na masaya dahil ang pag asang magkikita kaming muli ay mangyayari na.
Sa puntong ito, alam kong parehas kami ng nararamdaman ni Luke.
Palabas kami ng Hospital pero kahit isa samin ay walang gustong umimik, walang gustong bumasag ng katahimikan, hanggang sa di ko na namalayan ang pagpatak ng mga luha ko.Mabigat, mahirap at masakit dahil wala akong nagawa para kay Chard.
Ipinaliwanag sa amin lahat ni Dr. Fausto ang mga nangyari at ang kondisyon ni Chardchard, Minabuti naming magpunta sa Mandaluyong kung saan dinala si Zed for Rehabilation.
Hindi ko maisip na sa maaaring sa muling pagkikita namin ay dun pa sa lugar na yun, pero alam kong higit sa lahat, ako ang kailangan niya.
Napakahirap.... Pero nandito na ang sitwasyong ito, kailangang harapin at tanggapin."Bro, ayos ka lang?"
Yan ang tanong sakin ni Luke habang nasa loob kami ng sasakyan papunta sa lugar kung saan nandun si Chard."Oo Luke,.... Yata... Siguro..."
"Bro, Chard, needs you this time, kaya wag ka panghihinaan ng loob, kaya natin toh!"
"Salamat, Sana nga, kaya ko makita sa ganung sitwasyon si Chard, hindi ko alam kung paano, hindi ko alam kung ano tong nararamdaman ko, pero nasasaktan ako sa mga nangyayari."
"Bro, tiwala lang!"
Idinako ko nalang ang tingin ko sa bintana ng sasakyan at hindi na muling nagsalita hanggang sa marating namin ang Mental Hospital.
Ipinagtanong namin ang Pavilion kung saan andun si Chard according to Dr. Fausto,
Ilang saglit pa ay naratin namin ang lugar.
Pero parang ayaw humakbang ng mga paa ko na tila na pako sa kinatatayuan nito, Parang ayoko, parang hindi ko kaya, parang hindi ko kayang makita si Chard sa ganung kondisyon, Luke tap my shoulder and said "tara!" At isang ngiting puno ng pag asa ang binigay sakin nito.Parang sa pagkakataong ito ay hindi ko kayang harapin ang katotohanan pero nandito na kami, dapat nga ay matuwa ako na makikita na namin si Chard, pero paano naman ako magiging masaya sa kalagayan ngayon ng taong mahal na mahal ko.
Nanatili akong nakatayo sa loob ng Pavilion habang kausap ni Luke ang Nurse na nakaduty on that time, Namalayan ko nalang ng hilahin ako ni Luke papunta sa visitor's area.
"Bro, sandali nalang, makikita na natin si Chard, hintayin nalang muna natin dito sa Visito's area, para dalin ng Nurse si Chard."
"Bro..... Hindi ko yata kaya!"
"Bro...ngayon kapaba susuko??"
Iling nalang ang itinugon ko kay Luke, parang nawawala ako sa sarili ko at hindi alam kung ano ba ang nangyayari sa paligid ko.
Ilang minuto lang ay lumapit ang Nurse na nakaasign sa lugar na yun."Sir, maari niyo pong puntahan ang Pasyente sa Garden, Madalas ho kasi nandun lang siya sa lugar na yun, ayaw ho kasing sumama sa akin."
"Ahmm.. Ganun po ba, sige po.." Si Luke.
"Sumunod po kayo sakin at dadalin ko po kayo dun."
Tila akong robot na hindi alam ang ginagawa at parang mawawalan ng karga ang aking katawan sa anumang oras, may sariling buhay yata ang mga paa ko na kusang sumusunod sa mga hakbang ni Luke at ng Nurse.
Pero parang isang malaking bato na may kadena ang paa ko na hirap humila papunta ngayon sa Garden ng Pavilion.
BINABASA MO ANG
Isang Dipang Layo
РазноеWell actually po hindi ko alam if ano yung kahahantungan ng story kasi pag nagsusulat po ako ay impromptu, most of my stories if mapapansin niyo siya is M2M kasi yun ang request sakin na gawin pero laging may twist naman sa mga character involved. T...