Gino's POV
Muli kong inihagis ang katawan ko sa kama, nag iisip at nag iisip, Honestly I really dont know kung ano ang nararamdaman ko simula ng malaman ko ang nangyari, maraming beses kong sinubukan hanapin si Chard simula ng umalis siya sa bahay, hindi ko pala kaya na wala ang bunso ko, naging matamlay na din si Mama sa araw araw magmula ng umalis si Chard.
Araw araw kong pinagdurusahan ang pagkawala ni Richard, araw araw akong humihingi ng tawad sakanya na sana hindi ako naging makasarili na sana inisip ko kung ano ang mararamdaman ng kapatid ko, simula ng ilahad sakin ni Mama ang nalaman ni Chard, nuon pa man ay hindi ako tumigil para lang mapabalik si Chard sa bahay.
Alam kong si Zed lang ang lalapitan niya pero kahit si Zed ay hindi masabi sa akin kung nasan si Chard, pero alam kong tinatago lang niya si Chard samin, kaya ng makakita ako ng pagkakataon ay sinundan ko siya, at tama ang hinala ko nagkikita sila, masaya ako na makita ang kapatid ko na masaya, masaya kay Zedrick na hindi ko kayang ibigay sakanya ang kaligayahan na yun, ang mga ngiti at tawa na yun.
Hindi ako nagpakita sakanya dahil alam kong mas masakit lang para kay Chard kung makikita niya ko sa mga sandaling yun.
Kaya mas pinili kong manahimik nalang pero araw araw kong pinagbabayaran kung bakit ganun ang pinakita at inasal ko sa kapatid kung hindi sana ako naging sakim, sana ay hindi nangyayari ang lahat ng ito, sana kasama namin si Chard.Buong akala ko ay hindi niya kami matitiis ni Mama at babalik din siya sa amin pero hindi.
Malaki na ang pinagbago ni Chard, malaki na siya at kaya na niya gumawa at magdesisyon ng mag isa.
Nakakatuwa na nakakalungkot, pero ngayon heto isang buwan ng mahigit pero ni isa sa amin walang nakakaalam kung asan ba talaga ang kapatid ko.
At sobrang mabigat sa loob ko, sobrang mahirap para sakin, pero alam kong kung nahihirapan ako mas nahihirapan siya.
Hindi ako tumitigil sa araw araw na paghahanap sakanya, kung maaari ko lang gugulin lahat ng oras ko na tulad ng ginagawa ni Zedrick ay ginawa ko na.Sa nangyari mas napatunayan ko na mahal ni Zedrick ang kapatid ko, May tuwa at kirot akong nararadaman sa twing maaalala ko kung pano sila nagsimula, pero nangyari na ang dapat mangyari at hindi ko na kayang ibalik lahat ng yun.
Iisa lang ang importante para saming lahat ang makita siya.
Wag sana tama ang kutob ko dahil hindi ko mapapatawad ang sarili ko dahil ako ang umpisa ng lahat ng ito.Maging si Mama ay nawalan na ng gana, halos araw araw nagkukulong sa kwarto dahil sa labis na pag aalala at pangungulila kay Richard, sino ba naman ang hindi mangungulila sa isang napakalambing na Anak, kapatid at kaibigan.
Pero pinagdamot ko sakanya ang kaligayahan na deserve naman niya.Walang mangyayari kung puro malalim na buntong hininga nalang ang gagawin ko wala akong kayang gawin sa pagkakataong toh! Pero tulad ni Zedrick hindi ako susuko hanggat hindi ko naibabalik si Richard o kahit malaman lang kung nasan siya.
--------------------
"Hoy umalis ka nga dito!!! Ang aga aga bwisit ka!! Aga aga mamalasin ang negosyo ko sayo!"
Yan ang palaging naririnig ko sa twing tatapat ako sa bawat tindahan sa palengke para mamalimos.
Ang ipagtabuyan, ang hampasin ng walis, ang buhusan ng tubig minsan ay balibagin ng bulok na kamatis.Halos araw araw akong nawawala sa sarili ko mamamalayan ko nalang na naglalakad ako mag isa na wala sa sarili at hindi alam kung san tutungo ang aking mga paa, nariyang pagtripan ako ng mga lasing sa kalsada, ng mga bata at kabataan, hanggang sa isang gabi, napadako ako sa isang madilim na iskinita, naaawa ako sa sarili ko dahil sa maduming maduming katawan at damit ko na halos hindi naliligo, mga dungis sa muka ko, ni ayaw kong makita ang sarili ko ngayon kung ano at sino ako.
"Brad, tara dito---- subukan mo toh, bago ka dito noh?"
Yan ang bati sakin ng isang binata.
"Ano yan?"
BINABASA MO ANG
Isang Dipang Layo
AcakWell actually po hindi ko alam if ano yung kahahantungan ng story kasi pag nagsusulat po ako ay impromptu, most of my stories if mapapansin niyo siya is M2M kasi yun ang request sakin na gawin pero laging may twist naman sa mga character involved. T...