Nagising ako sa kalagitnaan ng gabi na may mga luha sa aking mga mata, marahil ay dala ng aking panginip.
Isang masamang panaginip, hindi na rin ako makatulog kaya minabuti kong lumabas nalang at magtungo sa Garden, medyo malamig ang panahon, may mga bituin pa sa kalangitan, itinuon ko ang paningin ko sa isang bituin na animoy isang malaking liwanag na nagbibigay ilaw sa daan.Naalala ko ang sinabi ni Zed na sa twing mamimiss ko siya ay tingnan ko lang ang isang malaking bituin at palagi lang siyang nakatingin sa akin.
Hindi pa din maalis sa isip ko ang masamang panaginip na yun, hindi ako mapakali at nagpa ikot ikot nalang ako sa loob ng Pavilion.
Bumalik ako sa aking silid at inilapat ang katawan sa Medical Bed.
Hindi ko talaga kaya kapag nawala sakin si Zed sana ay walang kahulugan ang panaginip na yun.Sa pagod kaiisip at sa aga kong nagising ay hindi ko na din namalayan na nakatulog ako ulit.
Nagising lang ako ng maramdaman ko ang kamay na nakahawak sa aking braso at sinasambit ang pangalan ko."Chard?? Chard, si Luke ito."
"Uhmmmm... Luke? Bat ngayon ka lang?"
"Inayos ko pa kasi ang mga dapat ayusin para madischarge kana dito, for now, gumayak kana at pupunta tayo kay Zed."
"Sige, hintayin mo ko, saglit lang ako."
---------------
Habang nasa biyahe ay nakapag usap naman kami ni Luke saglit pero hindi ko alam kung ngayon ko ba dapat iopen ang topic tungkol sa relasyong naming dalawa, na ako at siya ay magkapatid, na alam ko na ang totoo.
"Nga pala, nagkamalay na si Zed kagabi bago ko umuwi ng bahay, si Kuya Josh ang naiwan sa Hospital para magbantay."
"Salamat naman sa Diyos! Akala ko ay totoo na ang panaginip ko, sana ako ang nasa tabi ni Zedzed."
"Baka bukas ay maaari ka ng lumabas, inasikaso ko na ang lahat, pasensya kana at hindi na kita napuntahan kahapon."
"Naintindihan ko Luke, Salamat."
---------------
Tila isang malakas na kabog ng drum na naman ang nasa dibdib ko habang papalapit sa taong mahal ko, nasasaktan ako sa twing makikita ko siya sa ganung kalagayan pero kung naging matatag ako nuon, mas kailangang maging matatag ako ngayon hindi para sa sarili ko kundi para kay Zedzed ko.
Hinawakan ko ang kamay ni Zed at hindi ako umalis sa tabi niya, nagpaalam naman si Luke na lalabas saglit at umuwi naman si Kuya Josh upang magpahinga, kaya ako lang ang naiwan sa tabi ni Zed upang magbantay.
Hindi ko na din namalayan na nakatulog ako habang nakaupo at hawak hawak ang kamay ni Zedzed.
Ilang saglit pa ay nakabalik naman si Luke galing sa bahay niya at may dalang pagkain at ilang gamit para sakin."Chard, si Zed."
Labis ang tuwa ko ng makita kong imulat ni Zedzed ang mga mata niya.
Agad naman akong lumapit sa tabi niya at muling hinawakan ang kamay."Zedzed ko??? Zedzed ko!! Si chardchard toh."
"Chardchard ko..."
"Zedzed ko... Salamat sa Diyos, Luke pakitawag mo ang Doctor pakisabi na gising na ang Zedzed ko."
"Chardchard ko, namiss kita."
"Zedzed ko, may masakit ba sayo? Anong masakit sayo? Ok ka lang ba, sorry ahh.. Sorry zedzed ko, wala ako sa tabi mo, hindi sana nangyari toh."
"Shhhhhhh... Chardchard ko, wag mo sabihin yan, I'm okay now."
Hindi ko mapigilan ang labis na pagkasabik ko sa Zedzed ko, umiiyak man ako ngayon ay siguro dahil sa labis na kaligayahan.
BINABASA MO ANG
Isang Dipang Layo
AcakWell actually po hindi ko alam if ano yung kahahantungan ng story kasi pag nagsusulat po ako ay impromptu, most of my stories if mapapansin niyo siya is M2M kasi yun ang request sakin na gawin pero laging may twist naman sa mga character involved. T...