Richard's POV
Habang kumakain kami ng dinner ay biglang dumating si Melai, dumaan lang daw siya sa bahay para mag paalam dahil ilang linggo nalang ay pasukan na, kaya lilipat na sila sa Manila ng Mama niya upang dun siya mag aral, nakaramdam ako ng inggit sa bestfriend ko, at d ko masabi kila Mama at Kuya ang gusto ko kaya hinayaan ko nalang, ilang araw akong hindi lumalabas ng kwarto ko, pero wala ding nababanggit sakin sila Mama at kuya kung sang School ako dito sa Tarlac mag aaral, hindi ko na din tinatanong pa dahil alam ko naman na buo na ang desisyon nila.
Nakasandal ang ulo ko sa board ng bed ko ng magtext sakin si Melai..
"See you soon Bestie, sobrang mag eenjoy ka dito swear, actually bakla, I'm dating na here, oMyGee so daming Fafa"
Wala ako ganang magreply sakanya dahil alam ko naman na di mangyayari ang gusto ko, isa pa pupunta ko dun kung sakali di para makipag harutan tulad ng magaling kong kaibigan.
Di ko namalayan na nakatulog pala ako, hanggang sa kinakatok ako ni Manang Fe!
Alam kong oras na ng hapunan, pero wala akong gana, sinabi ko nalang na mamaya na ako kakain dahil hindi pa ako nakakaramdam ng gutom.-----------
Gino's POV
Pansin ko ang pagkalungkot at pagkawalang gana ng kapatid ko, pero hindi niya maiintindihan sa ngayon dahil may mga plano kami ni Mama para sakanya, kaya mahirap mang makita ang kapatid ko sa ganung sitwasyon ay napagdesisyunan namin ni Mama na wag munang ipaalam sakanya kung ano ang naging desisyon namin.
Ilang araw nalang din ay Birthday na ni Chard, ng bunso namin, kaya naman naisip namin ni Mama na bigyan siya ng isang sorpresa na ikatutuwa niya.
------------
"Hello??"
"Ay bakla ka ng taon, bat di ka sumasagot sa mga text eklabu ko" si melai.
"Oh ano na naman? Bat napatawag ka?"
Malaming kong tugon sakanya."Dont be so sad na Bestie, darating ang lahat sa tamang panahon!"
Pakshet talaga tong kamuka ni Kiray nato! May nalalaman pang tamang panahon, lakas maka Lola Nidora.
"Oh bat ka nga napatawag?"
"Wala gusto ko lang sabihin sayo na I am beautiful no matter what they say, at ang kagandahan ko ang magsasalba sa utang ng Pilipinas, Charrrr"
"Kung wala ka na sasabihin teh, wag mo na ko abalahin"
"Ayyy si bakla super T..!!! Super taray ng lola mo ahh? Teh? May period ka? Charrr.."
"Wala! O siya sige na madami pa kong gagawin?"
"Bongga beks, di mo naman nasabi sakin Business Man kana? Dami ng work? Kaloka. O siya sige na beks, i miss you na really, see you soon beks?"
"Bakit uuwi kaba?" See you soon see you soon ka dyan?"
"Bye beks!"
Walang hiya talaga yung kamuka ni Kiray na yun!
Nagtatanong yung tao ehh!---------
Binalik ko ang tingin ko sa mga tubig na dumadaloy mula sa ilog, napakasarap talagang pagmasdan ng paligid sa lugar na'to! Sobrang nakakarelax, namimiss ko na din ang Kuya ko, mula nung nagpunta siya sa Manila para magtrabaho ay bihira nalang kami makapag usap na dalawa, pero naintindihan ko naman dahil nagtatrabaho siya para samin ni Mama.
Ano bang meron sa Manila na yan, at bakit gustong gusto ko mag aral sa lugar na yun, well siguro dahil na rin sa magagandang opportunity kapag graduate ka sa Isang sikat na skwelehan dun, pero tama naman sila Kuya baka hindi ko pa kaya mag isa. Kaya mamaya pag uwi ko ng Bahay ay sasabihin ko kila Mama na dito nalang ako sa Tarlac mag aaral dahil yun din naman ang gusto nila.
Hindi ko na din sinabi kila Mama na nakapasa ko sa Exam for entrance Exam sa isang kilalang University sa Manila, dahil wala din namang mangayayari kung ipipilit ko pa ang akin, ayoko magalit sakin ang Kuya at si Mama dahil pang sa kagustuhan ko.
------------
"Oh iho, andyan kana pala?"
"Opo Manang Fe, medyo kadarating lang po, nagpahangin lang po sa Labas"
"Ganun ba, o siya sige magpunta ka na dun sa may pool at inaantay ka na ng Kuya Gino at Mama mo"
"Si kuya po??? Umuwi po si Kuya?"
"Oo, sige na at kanina kapa Hinahanap"
"Sige po Manang, salamat po!"
Agad naman akong tumungo sa Pool at nakita ko agad sila Mama at kuya na mukang seryoso ang pinag uusapan, pakiramdam ko may hindi sinasabi sakin sila Kuya.
"Kuyaaaa???!!!!"
"O Chard, andyan kana pala, san kaba galing kanina pa kita hinahanap ahh" sabay gulo naman ng buhok ko, na siya kong ikinaaasar talaga.
"Naku e san pa manggaling yan, malamang dun na naman sa may Ilog" si Mama.
"Ma, sobra po kasi nakakarelax dun sa lugar na yun, bakit po kasi ayaw niyo subukang magpunta dun, para malaman niyo po sinasabi ko, diba Kuya? Diba??"
"Oo nga Ma, maganda at sariwa ang hangin dun sa tabing ilog na yun, kaya nga gustong gusto ni Chard dun eh"
"By the way po Kuya, Ma, nakakaabala po ba ko sa pinag uusapn niyo ni Kuya, muka po kasing seryoso ang pinag uusapn niyo kanina."
"Hindi naman, tungkol lang sa trabaho ng kuya mo sa Manila"
Nakakaramdam pa din ako ng kakaiba dahil mukang may tinatago sakin si Kuya at Mama.
Hindi ko alam kung ano pero alam kong meron.---------------------------
Gino's POV
Hindi ko na sinabi kay Chard na uuwi ako ng Bahay ngayon dahil balak namin siya sorpresahin ni Mama bukas, dahil kaarawan niya.
Kaya nag usap kami ni Mama sa mga plano namin kung paano gagawin yun!Alam kong nagtataka si Chard ng makita kami ni Mama na nag uusap, kilala ko si Chard kapag may kakaibang kinikilos o sinasabi maging sa expression ng mukha niya o sa pamamagitan ng Mata niya.
----------------
Richard's POV
Hindi ko alam kung ano ang pinaplano nila Mama, pero nakakaramdam ako ng kakaiba, isama pa ang mga sinasabi ni Melai kapag nag uusap kami, mukang may alam si Melai tungkol dito.
Pero sa isip ko baka tungkol lang yun sa Birthday ko, ganun naman sila taon taon, ipaghahanda ako ng kung ano ano at marami pa.
Teka Birthday ko nga pala Bukas, kaya pala umuwi si Kuya, siguro Tama nga ako, yun ang pinag uusapan nila ni Mama.
BINABASA MO ANG
Isang Dipang Layo
AcakWell actually po hindi ko alam if ano yung kahahantungan ng story kasi pag nagsusulat po ako ay impromptu, most of my stories if mapapansin niyo siya is M2M kasi yun ang request sakin na gawin pero laging may twist naman sa mga character involved. T...