"Hi Nurse Shayne, GoodMorning!"
"Hello Zedzed niya, Good Morning din naman?"
"Oh kamusta ang Chardchard ko?" habang inilalagay ko ang dala kong Palabok sa Nurse Station.
"Hmmm... Alam mo naman, matutuwa na naman yun kapag nakita ka, walang bukang bibig kundi Zedzed, Zedzed, nakakarindi na din haha!"
"Ikaw talaga Nurse Shayne, medyo may pagka Bad ka samin ng Chardchard ko ahh.. Hehe."
"Biro lang naman syempre, I'm happy that Chard is doing great, laki ng pinagbago niya from the first time I've met him here."
"Ganun ba? Sana tuloy tuloy na!"
"Kung magtutuloy tuloy ka at di ka mapapagod para sakanya, He will be doing better, sigurado yun!, hmmmm sarap nitong dala mo ahh.. Salamat!"
"Alam ko naman yan lang inaabangan mo sakin araw araw eh."
"Kaya nga nag Request ako ng Morning Shift para naman nakakalibre ako sa Merienda at Lunch."
"Sulitin mo na yan Nurse Shayne, kasi ilang araw nalang I'm sure magiging okay na Chardchard ko, kaya pag nangyari yun! Wala ka ng lunch at Merienda."
"Uhhmm.. Siya nga pala galing dito yung Melai at Gerome ba yun kahapon pagka alis mo."
"Ahh ganun ba? Sayang di man lang kami nagkita."
Simula ng malaman namin ang nangyari kay Chard, hindi ako tumigil araw araw sa pagpunta sakanya, ginive up ko ang career ko ang pagiging isang modelo para lang sakanya, at sarili kong desisyon yun, mas gusto ko kasing ako ang tumutok sa Chardchard ko,
Naka close ko na rin ang ilang Staff sa Pavilion tulad nila Nurse Shayne, Nurse Jedd, Manong Manding, Aling Cora at ang iba pang staff, sa araw araw ba naman na nandito ako, naging pangalawang bahay ko na yata ito.
Madalas ay ang Mama ni Chard at si Kuya Gino ang nakakasabay ko sa pagpunta dito, naging mabait din sakin ang mga staffs ng Pavilion sa halos 5 buwan, nakasanayan ko na ang ganitong routine.
At wala akong regrets sa ginagawa ko, malaki din ang nakita kong improvement kay Chard, at umaasa ako na babalik din ang lahat sa dati.
Maaaring hindi ngayon, hindi bukas, pero sa mga susunod na araw.Love can do everything, Love conquers all, Love can sacrifice everything, yun yata ang ibig sabihin nun, for almost 7 years na magkakilala kami ni Chard and for almost 6 years na siya lang ang laman ng puso ko, hindi ko kayang itapon nalang basta basta ang lahat ng iyon, at ipaglalaban ko kung ano ang meron kaming dalawa, nakahanda ako sa mga critics at consenquences sa lahat ng bagay na naging desisyon ko, wala akong pinagsisihan na si Chard ang minahal ko at wala akong pinagsisihan dahil ginawa ko to!
Masaya ako dahil nagbubunga ang araw araw na pagpunta ko kay Chardchard, kung pwede nga lang na dun nalang tumira o iuwi siya gagawin ko, kaso iba pa din ang rehabilitation treatment na naibibigay ng Medical Team, According to Dr. Fausto, Chard has a big improvement and hindi daw niya inaasahan na magiging ganun kabilis ang recovery ni Chardchard sa loob ng 5 buwan.
Almost half a year na din pero still walang nagbabago sa pagmamahal ko kay Chard, mas lumalalim pa nga at lalo ko siyang minamahal.I am happy na kahit papano nakakatulong ako sa recovery niya,' malaking factor daw yun sabi ni Dr. Fausto, and hindi lang naman ako, maging sila Luke, at Kuya Gino.
There are some times na hindi ko talaga maiwasan ang malungkot pero hindi na pumasok sa isip ko ang sumuko.
Kahit gaano kahirap ng ginagawa ko ang lahat ng yun ay para naman kay Chard kaya wala akong regrets eventhough, hindi na ako madalas nakakaraket sa nakasanayan kong trabaho, I choose Chard beyond everything.Halos ibinuhos ko ang lahat ng oras araw at panahon ko kay Chard, simula ng mawala ito hanggang ngayon, hindi ko na napagtuunan ang sarili ko.
BINABASA MO ANG
Isang Dipang Layo
RandomWell actually po hindi ko alam if ano yung kahahantungan ng story kasi pag nagsusulat po ako ay impromptu, most of my stories if mapapansin niyo siya is M2M kasi yun ang request sakin na gawin pero laging may twist naman sa mga character involved. T...