Azalea Zhinli Centana's POVGood Morning World!
" Yaaahhh... Heto na ready na ko pumasok! " sabi ko habang nag-uunat at hawak hawak yung mga gamit ko sa school. Unang klase ko ngayon sa history. Today is Friday and Friday is History day!
At ang masaya pa doon si HeadMaster Arianne ang magtuturo sa amin. Cool di ba?
Since time wizard din siya kagaya ni Master Era may mga powers sila na may pagkakaparehas. Mas magaling nga lang yung kay Master Arianne kasi nagtatatime travel talaga siya tapos si Master Era naman nababalik niya yung itsura nung mga bagay bagay na parang bago.
" Prinsesa Azalea kumilos ka nga na parang prinsesa... Nakakaloka ka! " sigaw sa akin ni Derah habang nakapamewang. Highbkood na Ada.
" At bakit naman ako kikilos na parang prinsesa eh di ba kunwari ordinaryong wizard lang ako?! " pagdadahilan ko.
" Ai naku tatanda ako sayo ng maaga. Pumasok ka na nga. At please lang wag kang gumawa ng kalokohan." Sabi niya tsaka biglang nawala. Naaamaze talaga ako kapag nakikita ko siyang bigla biglang nawawala.
Hayyy...
Makaalis na nga lang. Kailangan kong pumasok ng maaga kasi bawal na kong malate. Tsaka ayoko ng maulit yung kahapon. Anlaki anlaki pa naman ng field namin.
" Zhinli! " napalingon naman ako sa tumawag sa akin.
Eh? Wala namang tao.
Naglakad na lang ako ulit papasok ng school building namin.
" Oi Zhinli! "
" kyaaa..." Napasigaw ako ng may mabalahibong kamay na humawak sa balikat ko.
" Waahhh chill. Hala biro lang. " sabi ni Amarine. Oo si Amarine na mukhang mamaw kanina.
O_o
" Paanong... Kanina... Ikaw... Pangit... Mamaw!" Sabi ko na di maayos ayos yung sentence ko.
" Grabe ka naman. Pangit? Mamaw? " sabi niya tsaka ngumuso.
" Eh kanina lang naman yun eh. Ngayon cute ka na ulit." Sabi ko. Inangkla naman niya yung kamay niya sa braso ko tsaka kami naglakad papasok ng school building.
" Teka bakit ka ba nangugulat?" Tanong ko.
" Wala lang. Trip ko lang magshapeshift. " sabi niya tsaka binuksan yung pinto. Sabay pa kaming umilag kasi may trap na naman yung magpinsan.
" Ohaaa! Alam ko ng may trap! " sabi ko tsaka umupo sa upuan ko ng bigla iyong bumagsak.
" Ouchy! " sabi ko habang hinihimas yung may balakang ko. Aruyy naman.
" Hahahaha... " tawanan nila. Inabot naman ni Amarine yung kamay niya sa akin.
" Ok ka lang? " tanong niya. Tumayo naman ako tsaka ngumiti.
" Yep. Ok lang. Buhay pa naman. Hihihi..." Sabi ko tsaka naghanap ng bagong upuan. Sakto pagkaupo ko, pumasok si Headmaster Arianne kaya natahimik kaming lahat. Aba Headmaster na yang nasa harap namin noh.
" Good Morning!" Bati ni Headmaster Arianne.
" Good Morning Headmaster Arianne!" Bati namin. Umupo na kami tsaka nakinig sa klase. Hindi na ko masyadong nakikinig kasi advance na yung mga natutunan ko nung nakakulong pa lang ako sa kwarto ko eh.
" ... And this are the shapeshifter." Napatingin ako kay Headmaster Arianne nung narinig ko yung salitang shapeshifter. Shapeshifter si Amarine di ba?
" They are the kind of wizards who change their looks and shape. " sabi ni Headmaster Arianne.
" And yun yung dahilan kung bakit sila yung pinakamahina." Sabi nung isa naming classmate. Eh?
BINABASA MO ANG
99 Days of Freedom
FantasyAzalea is known as the hidden princess. A fantasy story that you'll surely love