Chapter 50: Stand Strong

644 31 18
                                    

Azalea Zhinli Centana's POV

"Kumain muna kayo!" sigaw ko tsaka nilapag yung pagkain sa harap. Kasama ko sina Yara at iba pang babaeng wizards na may dalang pagkain. Hihihi... Nagluto sila ng makakain namin pagkatapos ng ensayo. Sila kasi hindi kami pinapasok ni Fern sa kusina. Sabi ni Adara, wala daw siyang planong mamatay dahil sa food poisoning.

"Masarap yan, hindi ko luto." sabi ko habang nag-aabot ng pagkain. Naku ho, pawisan na sila.

"Ako din Mitchisel ko! Pahingi. Ahhh..." sabi ni Ace tsaka ngumanga sa harap ni Fern. Hihihi... Ang sweet na sana kaya lang si Fern sinubsob yung buong tinapay sa bibig ni Ace.

"Nganga pa." natatawang sabi ni Fern.

"bumwabwamwa..." hahaha... Naiiyak na si Ace habang pilit na nginunguya yung tinapay.

"Kawawang Ace." nilingon ko naman si Kuya Asher na napapailing.

Hmmm... Andito si kuya Asher, andun si Yara. Dapat andun din siya!

"Pahingi nga ako bunso." sabi niya tsaka kukuha sana ng pagkain nang ilayo ko to sa kanya yun.

"Doon ka kay Yara humingi!" sabi ko tsaka nginuso si Yara.

"Bakit? Andito na ko eh. Pahingi la... oi!" sabi niya kasi tinakbo ko na yung pagkain.  Hihihi... Sana magkatuluyan na sila ni Yara para magkababy na pero teka, si Ace at Fern na pero wala pa din silang baby. Nasa tyan pa kaya ni Fern?

"Tanungin ko kaya?" bulong ko sa sarili ko tsaka lalapit na sana kina Fern ng humarang si Zaid.

"Hi Zaid, may itatanong ako kina Fern, pwedeng padaan." sabi ko sa kanya, medyo binaluktot naman niya yung tuhod niya para magkapantay kami tsaka niya binuksan yung bibig niya.

Eh?

"Subuan mo din." bulong ni Ace kaya nilingon ko si Zaid na nakanganga. Ang gwapo pa din oh. Hihihi... Gagawin ko yung ginawa ni Fern. Ngumiti naman ako tsaka kumuha ng tinapay, inalis ko yung balot nun tsaka sinubo nang buo yung tinapay kay Zaid. Napaupo siya sa sahig nun tsaka tinakpan yung bibig niya at pilit nginuya yung inubo kong tinapay. Nagpanic naman ako kasi nabubulunan na si Zaid!

"Waahhh! Nabubulunan si Zaid. Tubig! Tubig! Tubiiig!" sigaw ko kina Yara na tawa ng tawa. Lumuhod agad ako tsaka tinapik tapik yung likod ni Zaid. Baka mamatay na siya.

"Waahh... sorry Zaid! Ginaya ko lang naman sila Ace. Hala sorry talaga. Pasensya na!" naiiyak na sabi ko tsaka inabot yung tubig. Baka mamaya sunugin ako ng buhay ni Zaid. Mga ilang minuto lang, nalunok na niya yung buong tinapay tsaka ako tinignan ng masama. Napalunok pa ako kasi naglabas siya ng bolang apoy sa kanang kamay niya. Magsisimula na sana ang magdasal para sa kaligtasan ko ng ihagis niya yung apoy kay Ace.

"Biktima lang din ako!" sabi ni Ace na nasa likod ng ice shield na ginawa niya na malapit ng matunaw.

"Shut up idiot." sabi ni Zaid tsaka magbabato pa sana ng bolang apoy ng hawakan ko na yung kamay niya. Kawawa naman si Ace. Mawawalan ng ama yung baby sa tiyan ni Fern.

"Yara! Tulong ui." sabi ni Ace tsaka nagbato si Yara ng water ball.

"Ayan kasi. Kung ano anong nasasagap sa inyo ni Zhinli." natatawang sabi ni Kuya Asher tsaka sumubo ng tinapay.

"Sorry Zaid." sabi ko tsaka yumuko.

"Silly, I love you." sabi niya bigla kaya natulala ako. Yung puso ko, nagwawala na naman. Wahhh... Mamamatay na ko.

"Witwiw!" asar nila Kuya Asher at Ace.

"Nakita mo yung galawan Gust? Dapat ganun ka din!" sabi ni Ace tsaka tinapik tapik yung likod ni Gust.

"I don't need that. Just this..." sabi ni Gust tsaka hinatak si Amarine at hinalikan. Natahimik kaming lahat.

Hinalikan ni Gust si Amarine!

Halik as in KISS!

Nagkiss sila!

Magkakababy na din sila. Waaahhh!

"Hala! Magkakababy ka na rin Amarine!" sigaw ko tsaka siya tinuro. Napasapo naman sa ulo niya si Zaid tsaka ginulo yung buhok ko. Para namang natauhan si Amarine sa sigaw ko tsaka siya kumurap kurap.

"Sira! Hindi ako mabubuntis sa ganun ganun lang. Isa pa nga?" sabi niya tsaka nilingon si Gust pagkasabi dun sa isa pa nga. Napapailing na lang si Gust habang nakangiti.

"Asher, payong kaibigan. Dalian mo na. Napag-iiwanan ka na." sabi ni Ace kay Kuya Asher. Nag-aasaran lang silang lahat hangang sa dumating sila Headmaster para simulan ulit yung training. Nagtetraining kami kasama yung Seekers at Protectors. Gumagawa kasi kami ng strategy para kung sakaling maulit yung nangyari noon.

Nalungkot na naman tuloy ako nung maalala ko yung nangyari. Madaming namatay na estudyante at madami ding nasugatan. Hindi na kami papayag na mangyari pa yun.

"Zhinli." nilingon ko naman si Yara na may dalang tubig.

"Yep?" sabi ko tsaka pinawala yung energy ball na ginagawa ko.

"Kaya natin to." sabi niya tsaka ngumiti. Hihihi... Kagaya nung unang araw ko dito sa academy, ang ganda pa din ng ngiti ni Yara.

"Honestly, akala ko babagsak na tayo nung sumugod ang mga dark wizards dito, masaya lang ako na kahit maraming nawalan ng minamahal at nasaktan, bumabangon pa din tayo." sabi ni Yara habang nakatingin sa mga nagsasanay.

"Yep. Akala ko din eh pero syempre kakayanin natin. Hihihi..." sabi ko tsaka nilingon si Yara.

"Maganda pa lang nakikita na nagsasanay ang Hunters kasama yung ibang estudyante, pagkatapos netong lahat, tangalin na natin yung hati ng mga estudyante." masayang sabi ko tsaka tumakbo papunta sa mga nagsasanay para makisali.

"Sige!" sigaw ni Yara kaya nilingon ko siya at nginitian.

We will stand stronger.

Stronger enough to create new beginning.

---

Aishi's Note:

Namiss niyo ko? Belated Merry Christmas!

99 Days of FreedomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon