Chapter 33: Her Happiness

1.2K 50 9
                                    

Azalea Zhinli Centana's POV

"Andito ka lang pala."

Nilingon ko naman agad si Headmaster Cai este si Kuya Cai na nakatayo sa may likod ko.

"Kuya..." sabi ko tsaka tinapik yung space sa tabi ko para umupo siya.

"Wow... Namiss ko yung pagtawag mo sa akin ng kuya ah!" Sabi niya tsaka umupo. Nginitian ko naman siya tsaka binalik yung tingin ko sa buong academy. Nasa may rooftop kami ni kuya Cai, nakatingin sa buong academy.

"Ilang araw na lang Zhinli." Sabi niya kaya nginitian ko siya.

"Isang buwan pa naman kuya. Isang buwan pa bago matapos yung 99 Days of Freedom ko. Kaya pa yun." Sabi ko na pinapaasa yung sarili ko. Kakabalik lang namin kanina nila Zaid dito sa academy, lahat sila nagpapahinga na. Ako gising pa... Namiss ko din kasi si kuya Cai.

"Zhinli... Pagkatapos ng 99 days..." Hindi niya matapos tapos yung sasabihin niya kaya ako na ang tumapos.

"Babalik na ko sa kwartong yun? OK lang kuya." Sabi ko tsaka tumayo. Ang totoo niyan, tanggap ko na ang kapalaran ko. Hihihi... Nung bumalik yung alaala ko, naalala ko din yung palaging bilin sa amin ni Ina, nakakulong din siya noon sa palasyo bago siya ipakilala sa lahat.

"Sabi ni Ina dati, may mga bagay talagang kailangan na lang nating tangapin para sumaya." Sabi ko habang napatingin sa buong academy. okay lang... Okay lang kahit bumalik ako sa kwartong yun para sa lugar na to. Napabuntong hininga lang ako tsaka tumalikod.

"Inaantok na din ako kuya. Good night!" Sabi ko tsaka bababa na sana ng magsalita siya.

"Zhinli, sana kayanin mo." Hindi ko siya naintindihan kaya lumakad na ang ako paalis.

Yawn....

Napahikab ako habang naglalakad pabalik sa Hunter's building. Hihihi... Samasama kaming lahat sa iisang kwarto. Bonding!

"ZAID!" sabi ko tsaka lumapit sa kanya. Nakasandal kasi siya sa may pader habang karga karga si Zinco. Tinignan naman niya ko ng nakapocker face pa din.

"Bakit nandito ka pa? Dapat natutulog ka na!" Sabi ko tsaka kinuha si Zinco at niyakap. Butin na lang Hindi nakakapaso yung apoy niya. Naglalakad na kami nung nagsalita siya.

"I'm waiting for you." Sabi niya kaya nilingon ko siya. Malulungkot siguro si Zaid pagbumalik na ko sa kwartong yon.

"Zaid... Pwede bang mamasyal tayong lahat bukas sa bayan?" Sabi ko kaya huminto siya sa paglalakad at tinignan ako.

"If that would make your real smile back." Sabi niya kaya napatulala ako.

"Wahhh tunay yung smile ko!" Sabi ko tsaka kinapakapa yung labi ko. Tunay naman yung labi ko ah!

"Tsk.." Sabi niya tsaka hinawakan yung labi ko gamit yung hinlalaki niya.

"Waahh... Zaid! Bumibilis na naman yung tibok ng puso ko!" sabi ko sa kanya habang nakahawak sa tapat ng puso ko. Ang bilis talaga... May sakit na kaya ako? Waahhh! Ano mamamatay ako bago pa matapos yung 99 Days of Freedom ko? Pero sabi niya dati normal lang to.

Wahhh! Pano na???

"Hahahaha... "

Napatigil ako sa pagpapanik ng dahil sa posibleng kamatayan ko ng narinig kong humagalpak ng tawa si Zaid.

As in HUMAGALPAK ng tawa.

Hindi talaga ako sanay na ganyan siya.

"Za - zaid? ? May sakit ka ba?" sabi ko tsaka pinatong yung kanang palad ko sa noo niya. Nagdedeliryo na ba siya?

99 Days of FreedomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon